Kasabihan nang nahuhuli lagi ang isda sa bibig nito.
Tila ganito ang nangyari sa E-Live! at SNN (Showbiz News Ngayon) host na si Cesca Litton kagabi, August 3, sa Edsa Shangri-La Plaza Hotel, kunsaan ipinakilala siya bilang isa sa pitong female celebrity challengers / endorsers ng shampoo brand na Pantene.
Nadulas kasi si Cesca sa pagkumpirma na boyfriend na nga niya ang matagal na ring nali-link sa kanyang si Jericho Rosales.
HOW SHE SLIPPED. Matatandaang usap-usapang may relasyon nga sina Cesca at Echo (palayaw ni Jericho), pero wala namang direktang pag-amin na naririnig mula sa dalawa. Sa huling panayam nga kay Echo ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi lang nitong, "Everyone knows I'm with her" nang makita silang magkasama sa isang awards night at hindi na nag-elaborate pa tungkol sa kanila. (CLICK HERE to read related story)
Kagabi, sa harap ng mga nag-i-interview sa kanyang reporters, kabilang na ang PEP, nadulas na nga si Cesca at napaamin. Binomba kasi siya ng mga tanong at paghingi ng reaksiyon sa sinabi ng isa pang Pantene endorser na si Andi Eigenmann.
Umamin kasi si Andi na matagal na niyang crush si Jericho. Para namang magkahalong tuwa at pagkalito, narinig mula kay Cesca ang mga salitang, "Hello naman, marami naman talagang, ahm... Sarili kong mga kaibigan, inaasar ako na crush nila ang boyfriend ko na... Ay, ano...aay!"
Napatakip na lang ng bibig sa pagkabigla si Cesca. Sa sarili kasi niyang bibig nanggaling na boyfriend nga niya ang crush ni Andi.
"Lovely evening! Anong nangyari? Sino?" nasabi na lang ni Cesca matapos ang pagkakadulas niya.
Wala nang choice si Cesca kundi sagutin na lang ang mga sumunod na tanong sa kanya.
NO HIDING, NO DENYING. Bakit nga ba kailangan pa nilang i-deny at itago ang tungkol sa kanilang dalawa ni Echo?
"Hindi naman itinatago. Hello, nakikita n'yo naman kaming magkasama," sagot ni Cesca. "I think, it's really, we're just trying to keep things private. I think both of us are trying to make a certain part of our lives private. So, di ba? Once again, there's no lying involved. There's no hiding, there's no denying. It's really just to protect things only."
Hindi naman daw nila pinag-usapan ni Echo na maging tahimik tungkol sa kanilang relationship. "I guess we just both prefer it that way."
Pero sa tingin ba niya ay nakatulong ang di nila pagkumpirma kung may relasyon sila ni Echo sa pagpapanatiling private ng kanilang relasyon?
"In a way, I guess," sagot ng TV host. "Because hindi maiiwasan ang mga speculations. Hindi maiiwasan na mag-a-assume ang mga tao, siyempre. Posibleng gagawa ng mga theories, yung mga gano'n. Pero at the end of the day, whatever goes on, once again, I've said it once, I'll say it again, as long as I'm living a life that's pleasing to God, nothing else should matter. Because I know that, once you put God first, everything else will follow."
Ang pananalig na rin daw niya sa Diyos ang dahilan kung bakit hindi na lang niya iniintindi ang mga intrigang dumating sa kanya mula nang maugnay ang pangalan niya kay Echo.






tama ka din,,iba si KRISTIN HERMOSA-hindi sya pashowy o pashowbiz na tao kahit na malakas ang star apil nya at maganda sya,,she never used her beauty para manlamang ng kapwa sa biz,simplet sincere syang tao,tahimik gaya ni BEA ALONSO,at nakatuon lang sa work,dala ng kanyang pagkadapa sa lovelife noon,naitayo nya padin ang image at sarili nya s tao na pinuri at nirerespeto sya ng tao now,,dahil lalo nyang nilapit sarili nya sa dyos at inayos..madami syang projects na ni refused kase nga sa religous conviction nya,shes not afte to fame o pera,,.simpleng buhay na gusto ng dyos for her,..sana matuloy ang movie ni eccho at tin kasama si JON AVILA,,diba,,.life must goes on,,ok ang samahan ni tin at echo kahit hindi sila ang takda sa isat isa,,mukhang echo wants to a girl na maayos,smart,edukada,makadyos,galing sa magandnag pamilya at may values,,well....
globalpinay,
Tinatanong mo kung role models sina Kristine at Heart?As a fan of Kristine,I can speak for her.For me,Kristine is a role model for women because in spite of her 14 years in showbiz,di pa yan nagpaka-daring.She's a principled woman na hindi niya ipagpalit ang values niya sa kinang ng salapi.Matagal man siyang walang project,di man lang niya naisip na maghubad and join in the bandwagon of doing daring scene.Yan ang tunay na role model.Babaeng may pagpapahalaga sa kanyang pagkababae.
Masaya si Heart na may GF na ang ex niyang si Jericho Rosales dahil may mag-aalaga rito. Mabait daw ang actor at minsan napag-usapan nila ng kanyang ama na in different time and situation, baka natanggap daw nito si Jericho.
-----
tstk tsk tsk...narealize na siguro ng mga magulang ni heart na kay echo lang talaga naging masaya ang anak nila...mga matapobre kasi eh...
sana walang magagalit opinion ko lang naman..