Tahimik pa rin at pangingiti-ngiti lang sumagot ang dating child actor na si Jiro Manio, na ngayon ay 18 years old na. Pero ang bago sa kanya, hindi na siya matipid sumagot sa mga tanong ng press sa kanya.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jiro sa taping ng GMA-7 primetime soap na Pilyang Kerubin last Wednesday, August 4, sa Manila Zoo.
FAMILY PROBLEM. One year ding nawala pansamantala sa showbiz si Jiro, matapos siyang tanggalin sa teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Nagkaproblema kasi noon ang production team ng naturang primetime soap dahil sa madalas na hindi pagsipot ni Jiro sa taping.
"Yun po 'yong time na nagkaproblema ako sa family," paliwanag ni Jiro. "Medyo hindi po kami nagkakaintindihan noon ni Daddy."
Ang reason ba ay dahil magkakaanak na siya noon at the age of 16?
"Hindi po," sagot niya. "Naipanganak na po ang anak ko noon, si Sisha Calliope. Two years old na po siya. She was born on June 15, 2008."
Naging issue rin noon sa kanya ang diumano'y pagda-drugs niya. Totoo ba ito?
"Nakatikim din po ako ng marijuana, pero hindi po ako nagtuloy. Umiinom din po ako, pero social drinking lang," sabi niya.
Na kanino ngayon ang anak niya?
"Nasa akin po," sagot ni Jiro. "Ang daddy ko po ang nag-aalaga saka mga pinsan ko. Okey na po kami ni Daddy at siguro dahil din sa anak ko."
Bakit nasa kanya ang anak niya?
"Napagkasunduan po namin ng mother niya na sa akin na lang siya. Medyo mahirap din po, pero kakayanin ko. Iba po ang feeling kapag nakikita ko siya, after na galing ako sa trabaho. Magaan po ang feeling lalo na kapag tinatawag na niya ako ng 'daddy' o 'papa.' Sa ngayon po, wala na akong balita sa mommy niya," saad ng binatang ama.
Hiwalay na si Jiro sa ina ng kanyang anak. Hindi rin naman itinanggi ng teen actor na mas matanda sa kanya ang dati niyang girlfriend.
Nabanggit din ni Jiro na namatay na pala ang kanyang ina.
"Namatay na siya two years ago, hindi na nga po niya nakita si Sisha," banggit niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
27 sakanalovelife
26 sakanalovelife
25 tuberong_tagalog
24 kapamilyaito
23 wittygirl
22 gANNda
21 mainestream
Kahit mas maka-channel 2 ako, ok na rin na nasa 7 sya. Para naman may pangsustento din sa kanyang baby. Good luck Jiro!
20 imsuchaloser
19 satotoolangpo7
18 beall
17 lucasroulle
16 ryanne2005
15 swastika
14 red_radiance
13 red_radiance
12 falcom84
11 mrniceguyalone
10 ebony75
9 red_radiance
8 absgmatv5
more comments