PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jiro Manio returns to acting via Pilyang Kerubin

The teen actor likes the feeling of being called "Daddy" or "Papa" by his two-year-old daughter.
by Nora Calderon
Published Aug 6, 2010
"Bahala na po si Direk Maryo kung ano ang plano niya para sa akin. Pero if ever po na makapasok na ako sa GMA, sana nga mabigyan na ako ng chance na makagawa ng isang magandang project. Sana po, itong pagge-guest ko sa Pilyang Kerubin, na sabi'y ilang araw din kaming magti-taping, ang simula at magtuluy-tuloy na," says Jiro Manio.

Tahimik pa rin at pangingiti-ngiti lang sumagot ang dating child actor na si Jiro Manio, na ngayon ay 18 years old na. Pero ang bago sa kanya, hindi na siya matipid sumagot sa mga tanong ng press sa kanya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jiro sa taping ng GMA-7 primetime soap na Pilyang Kerubin last Wednesday, August 4, sa Manila Zoo.

FAMILY PROBLEM. One year ding nawala pansamantala sa showbiz si Jiro, matapos siyang tanggalin sa teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Nagkaproblema kasi noon ang production team ng naturang primetime soap dahil sa madalas na hindi pagsipot ni Jiro sa taping.

"Yun po 'yong time na nagkaproblema ako sa family," paliwanag ni Jiro. "Medyo hindi po kami nagkakaintindihan noon ni Daddy."

Ang reason ba ay dahil magkakaanak na siya noon at the age of 16?

"Hindi po," sagot niya. "Naipanganak na po ang anak ko noon, si Sisha Calliope. Two years old na po siya. She was born on June 15, 2008."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging issue rin noon sa kanya ang diumano'y pagda-drugs niya. Totoo ba ito?

"Nakatikim din po ako ng marijuana, pero hindi po ako nagtuloy. Umiinom din po ako, pero social drinking lang," sabi niya.

Na kanino ngayon ang anak niya?

"Nasa akin po," sagot ni Jiro. "Ang daddy ko po ang nag-aalaga saka mga pinsan ko. Okey na po kami ni Daddy at siguro dahil din sa anak ko."

Bakit nasa kanya ang anak niya?

"Napagkasunduan po namin ng mother niya na sa akin na lang siya. Medyo mahirap din po, pero kakayanin ko. Iba po ang feeling kapag nakikita ko siya, after na galing ako sa trabaho. Magaan po ang feeling lalo na kapag tinatawag na niya ako ng 'daddy' o 'papa.' Sa ngayon po, wala na akong balita sa mommy niya," saad ng binatang ama.

Hiwalay na si Jiro sa ina ng kanyang anak. Hindi rin naman itinanggi ng teen actor na mas matanda sa kanya ang dati niyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit din ni Jiro na namatay na pala ang kanyang ina.

"Namatay na siya two years ago, hindi na nga po niya nakita si Sisha," banggit niya.

BACK IN CIRCULATION. Bakit pinatagal pa niya bago siya nagbalik-showbiz, samantalang isa siyang mahusay na aktor? Sa katunayan, at the age of 12 ay nanalo na siyang Best Actor sa Urian Awards para sa pagganap niya sa pelikulang Magnifico (2004).

"Nag-aral po ako. Nakagawa rin ako ng dalawang indie films [Tirador at Tambolista]. Then, naalala kong tawagan si Direk Maryo [de los Reyes], ang direktor ko sa Magnifico. Nag-usap kami at heto nga po, balik-acting na ulit ako. Gusto ko ring i-try ang pagkokontrabida," lahad niya.

May guest appearance si Jiro sa Pilyang Kerubin kaya naitanong namin sa kanya kung pumirma na siya ng contract sa GMA Network.

"Hindi pa po," sagot ni Jiro. "Bahala na po si Direk Maryo kung ano ang plano niya para sa akin. Pero if ever po na makapasok na ako sa GMA, sana nga mabigyan na ako ng chance na makagawa ng isang magandang project. Sana po, itong pagge-guest ko sa Pilyang Kerubin, na sabi'y ilang araw din kaming magti-taping, ang simula at magtuluy-tuloy na."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang role niya sa Pilyang Kerubin?

"Ako po si Rodjun, nanay ko si Viring [Daria Ramirez]. Kami ang caretaker sa zoo at kapatid ko si Abet [TJ Trinidad]. Girlfriend niya si Sandra [Iza Calzado], pero ayaw ng parents ni Sandra [Jim Paredes at Pinky Marquez] sa kanya dahil mahirap lang kami. Magkikita sana sina Abet at Sandra pero dinukot nila si Abet, pinagpapalo sa ulo at later on, tuluyan nang nabaliw kaya ikinulong siya ng nanay namin sa hawla. Dahil madalas siyang nagwawala, nahihirapan kami na patahimikin siya. Siya po ang magiging bagong misyon ng mga anghel na sina Charity [Barbie Forteza] at Angelica [Alliah Fatima Soriano]."

Habang kausap namin si Jiro ay nakikinig sa kanya si Iza Calzado. Ang sabi ng aktres ay "hindi pa huli ang lahat" ngayong nagbabalik si Jiro sa showbiz. Nagpasalamat naman ang young actor kay Iza.

Read Next
Read More Stories About
Jiro Manio, Iza Calzado
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bahala na po si Direk Maryo kung ano ang plano niya para sa akin. Pero if ever po na makapasok na ako sa GMA, sana nga mabigyan na ako ng chance na makagawa ng isang magandang project. Sana po, itong pagge-guest ko sa Pilyang Kerubin, na sabi'y ilang araw din kaming magti-taping, ang simula at magtuluy-tuloy na," says Jiro Manio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results