Bayani Agbayani plays quirky police chief in new TV show JejeMom

Glen P. Sibonga
Saturday, August 07, 2010 @ 11:05AM  |  15970 views

 

Bayani is philosophical about the demise of his pre-noontime show, GMA-7's Diz Iz It!, which proved not to be a challenge to Channel 2's Showtime and was cancelled after five months. "Kung hindi uukol, hindi bubukol," says the comedian-host, who is also working on an album.

 

Photo By: Paul Mata













Bagama't magkahalong lungkot at panghihinayang ang nararamdaman ng komedyanteng si Bayani Agbayani sa pagkawala sa ere ng show niyang Diz Iz It! sa GMA-7, positibo pa rin niyang hinaharap ang lahat. Wala pang kalahating taon sa ere ang Diz Iz It!, na ni-launch noong February 8 at kinansel last July 24. Kasama ni Bayani as hosts ng show sina Ehra Madrigal, Sam YG aka Shivaker, at Grace Lee.

"Alam mo ako, kahit na sabihin pang sanay na ako na nagkakaroon ako ng show at nawawala, kasi ang malungkot ay yung nabuo na ang samahan n'yo sa show, yung production at kapwa mo artista. Magkakaroon ka talaga ng kalungkutan, e," pahayag ni Bayani nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng JejeMom kagabi, August 6, sa 17th floor ng GMA Network.

Ano ang mami-miss niya sa Diz Iz It!?

"Mami-miss ko yung gigising ka ng alas otso, papasok ka ng alas nuwebe. Sa maikling panahon ng samahan namin nagkaroon kami ng chemistry, very solid relationship. Biruin mo, kainan pagkatapos ng show sabay-sabay kaming nagla-lunch. Plus naniniwala ako na napakaganda naman ng show. At palagay ko kung nabigyan lang siya ng mahaba-habang panahon, may kapupuntahan talaga. Kasi nakita na namin nung bandang huli kung paano nabuo, e, yung ratings pumi-pick up na. Kaya lang talagang ganun, e."

Sa tingin niya ba wrong timing lang ang pagpasok ng Diz Iz It! dahil established na ang katapat nilang Showtime?

"Ang palagay ko kung hindi uukol, hindi bubukol talaga, e. At mahirap kasing banggain ang isang show na established na, e. Pero eventually, alam ko at nararamdaman ko na kahit papaano sasabay kami doon sa kalaban namin. Pero hindi pa rin ako nagsisisi at wala akong sinisisi na nawala yung show. Ang mahalaga, nagkaroon ka ng experience na makasama sa ibang artista. Nagkaroon ulit ng chance na magkaroon ng daily show. Kaya nagpapasalamat pa rin ako."

JEJEMOM. Pero sabi nga, kapag may natatapos ay may bagong nagsisimula. Iyan nga ang pakiramdam ni Bayani ngayon dahil bago pa mawala ang Diz Iz It! ay dumating na ang comedy series na JejeMom. Tanging pasasalamat na lang ang namutawi sa bibig ni Bayani.

"Kaya maraming salamat sa GMA-7, dahil talagang yung suporta nandiyan at makikita mo na may plano yung network para sa iyo, para sa career mo. Napakasarap kasi yun, e. Siyempre kapag nagpaplano ka lang para sa sarili mo at walang network na nagpaplano para sa iyo, mahirap. Hindi naman lahat nagkakaroon ng opportunity na ganun. Kaya salamat, salamat," sabi ni Bayani.

Ginagampanan ni Bayani sa JejeMom ang role ng hepe ng pulis na si Chief Marangya. Isa siya sa magiging protector ni Gigi, played by Eugene Domingo, na star witness laban sa isang kidnapping syndicate.

"Alam mo, kakaiba akong magsalita dito, e. Kasi nag-usap kami ni Direk Dominic Zapata. Sabi niya, 'Ano ang puwede mong maging karakter?' So, nagsalamin ako, naglagay ako ng nunal. 'Tapos pag nagsasalita ako lagi akong 'Eee!' Hindi ko alam kung saan ko kinuha yun. Napansin ko na lang sa taping gumaganun na yung staff. Pag nagda-dialogue ako tapos 'Eee!', sumasabay din sila. Maganda kasi yung ganun, e, na habang nanonood ay may natatandaan sa iyo."

Puring-puri naman ni Bayani hindi lang sa show kundi pati sa bida nitong si Eugene Domingo.

"Alam mo, para maisama ka sa isang superstar, ako kasi ang paniniwala ko si Uge [Eugene] isa sa mga super hot na komedyana ngayon, e. So, para isama ka ng network, ibig sabihin gusto nila maging maganda yung puwesto mo. Gusto nila maisama ka doon para sa ganun, maiangat ang antas mo doon sa proyekto.

"Nung pina-plug ito hindi ko pa alam na kasama ako. Nakikita ko pa lang maganda na. Kaya nung sabihin sa akin na kasama ako, natuwa talaga ako. Ang ganda ng kulay, yung stylists nila magagaling, production designers magagaling. Kasi pag magandang tignan, masarap panoorin, e, di ba? 'Tapos magagaling ang mga artista, ang direktor namin, ang mga staff. Kumpleto talaga."

Hindi ito ang first time na magkasama sila ni Eugene sa isang show.

"Noong nasa kabila [ABS-CBN] pa kami pareho, nagkasama na kami sa isang show. 'Tapos alam n'yo ba si Uge ang original na asawa ko sa Ok Fine [Whatever, with Aga Muhlach]. Nag-meeting na kami ng ilang beses kasama siya. Nakapag-taping na rin kami. E, siguro may plano sa kanya ang Diyos, 'tapos lumipat siya ng network. Kaya si Pokwang ang naging asawa ko."

1  2  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name