Si Robin Padilla ang naging special guest ni Mariel Rodriguez sa birthday celebration niya sa ABS-CBN showbiz talk show na Entertainment Live! kaninang hapon, August 7. Bukod sa pagbati kay Mariel, sinagot din ni Robin ang mga isyung lumalabas tungkol sa kanya.
RAMADAN LEAVE. Una na rito ang report na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na aalis na siya sa bagong noontime show ng ABS-CBN na Pilipinas, Win Na Win!, kung saan kasama niya sina Mariel, Pokwang, Valerie Concepcion at Kris Aquino. Ayon sa isang showbiz insider, naging "timely cover" lang daw ang Ramdam sa pagbabakasyon niya upang pagtakpan ang totoong balak nitong umalis na sa programa. (CLICK HERE to read related story.)
Nilinaw ni Robin sa panayam sa kanya ni Mariel na ang kanyang pansamantalang pag-alis ay para lamang ipagdiwang ang Ramadan. Bilang isang Muslim ay kailangan niyang mag-leave upang masunod ang ilang mga alituntunin ng kanilang relihiyon sa pagdiwang ng Ramadan.
"Ito'y usapin lamang ng Ramadan," sabi niya. "Sa relihiyon namin, kailangan talaga na parang Mahal na Araw yun, e, sa mga Katoliko... Meron akong mga bagay na dapat gawin bago yung Win Na Win."
WOWOWEE. Nabuksan din ang usapin tungkol sa pinalitang noontime show ng Pilipinas, Win Na Win!, ang Wowowee na dating hinu-host ni Willie Revillame. Ang show na ito ay ibinibigay noon ay Robin ngunit ito ay tinanggihan niya.
Ayon kay Robin, wala siyang intensiyon na agawin ang Wowowee kay Willie. Gusto pa nga raw niyang kausapin si Willie sa panahong naka-Ramadan leave siya upang bigyang linaw ang isyu.
"Ayokong pag-umpisahan ng hindi magandang pagkakaibigan yung nangyari na natapos yung Wowowee, nag-umpisa yung Win Na Win, ngayon inuumpisahn na yung mga alingasngas. E, bago pa lumaki yung apoy, e, pupuntahan ko na si Ka Willie at sasabihin sa kanyang, 'Padre, kung gusto mo dalawa tayong pumunta sa ABS-CBN, gawin natin uli yung show mo.' Gagawin ko yun para sa kanya," saad ng action star-TV host.
Binigyang linaw rin ni Robin ang usap-usapan na 25 million pesos daw ang ibinabayad ng ABS-CBN management sa kanya para sa paghu-host ng Pilipinas, Win Na Win!
"Hindo ho totoo yun," sabi niya. "Ito po totoo ito, hindi ho akong mukhang pera. Wala hong ganyang usapan na ako'y babayaran ng 25 million a month. Hindi ho totoo yun. Baka ho sa pangarap lang mangyari 'yan, hindi ko pa tatanggapin."
DIVORCE. Naungkat muli ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Liezl Sicangco. Maaalalang noong nakaraang taon ay inamin ni Robin na two years na silang divorced ni Liezl ngunit hindi nagbigay ng detalye ang action star.
Nang tanungin siya kung bakit sila naghiwalay, sinabi nito na ang tanging hangad niya ay ang kaligayahan ng kanyang dating asawa at na ang kanilang pagsasama noon ay puno ng magagandang alaala.
"Talagang ako, wala akong hinahangad kay Snow White [Liezl] kundi ang kaligayahan niya. Dahil tayo, pag nagmahal tayo, dapat yung kaligayahan ng tao ang pinakaimportante sa lahat. Pag alam natin na hindi na siya maligaya sa 'yo, e, bakit pa? Para saan pang andun pa ako? Ang pagsasama naming dalawa ay nabalot ng magagandang alaala at kailanman ay magiging matamis ang pag-alala na iyon."
May apat na anak sina Robin at Liezl, sina Kylie, Queenie, Zhen Zhen at Ali.
Inakala ni Robin na pagkatapos ng hiwalayan ay hindi na siya magmamahal muli. Inisip niya na ilaan na lang sa ibang bagay ang kanyang panahon, ngunit ito daw pala ay kanyang akala lamang.
"Naipangako ko sa sarili ko na hindi na ako siguro uli magmamahal. Siguro, bibigyan ko na lang ng panahon yung mga anak ko, bibigyan ko ng panahon yung co-foundation ko, yung Mindanao, iuukol ko na lang yung buong buhay ko doon... Yun ang akala ko."







sabagay, mukhang sya naman ata yung naunang may crush kay robin...halata sya masyado.
yun, sana nga ikaw na ang huling babaeng bobolahin ni binoe...
sabagay, mukhang sya naman ata yung naunang may crush kay robin...halata sya masyado.
yun, sana nga ikaw na ang huling babaeng bobolahin ni binoe...
sabagay, mukhang sya naman ata yung naunang may crush kay robin...halata sya masyado.
yun, sana nga ikaw na ang huling babaeng bobolahin ni binoe...
Kaya lang etong dalawang ito..parang ang corny na. Parang ang dating, gumigimik. OA na. Parang hindi na bagay sa edad nila na magpacute sa harap ng ibang tao. Parang hindi ko maimagine na at Robin's age and to think na may mga dalagang anak na..e nagiinarte pa ng ganito..hehehe..
Anyway, as long as theyre both happy naman, let them be..sana magkatuluyan sila.
npaka bitter mo nmn.... kaw pa ung reason na mag-away cna toni at mariel.. im not a fan of both of them but i am saying this as an individual...be a human atleast..