PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennica Garcia on Alwyn Uytingco: "Nahihiya ako sa mga ipinaparatang sa kanya."

Alwyn's ex-girlfriend supposedly said his relationship with Jennica won't last.
by Rey Pumaloy
Published Aug 8, 2010
On being seen in bars with rumored boyfriend Alwyn, Jennica has this to say: "Alam mo, matagal na kasi kaming magkaibigan ni Alwyn kasi iisa kami ng manager. Bago pa, lumalabas na talaga ako. Ano namang masama ngayon kung lumalabas ako? Hindi naman ako umuuwi na wala na ako sa wisyo, na hindi na ako maayos. Pag gumigimik ako kasama ang mga kaibigan ko, paminsan-minsan! E, ano namang masama no'n kung sa gano'ng paraan natatanggal ang stress ko?"

Nagsimula sa drama ang young actress na si Jennica Garcia pero tila nalilinya na siya ngayon sa mga comedy roles. Una siyang nasabak sa comedy na Ako si Kim Samsoon ni Regine Velasquez at pangalawa sa Adik Sa 'Yo na pinagbidahan ni Dennis Trillo.

Ngayon naman ay nasa latest sitcom siya ng GMA-7 na JejeMom starring Eugene Domingo.

Hindi raw niya maipaliwanag nang husto ang sayang naramdaman niya nang malamang kasama siya sa bagong TV project ng nagrereyna ngayong Comedy Queen. Iba raw kasi si Uge. "Wala talagang ka-ere-ere," sabi ni Jennica, na marami-rami na rin daw ang nakatrabaho na beterano sa showbiz.

"'Tapos yung punchline niya, sobra pang nakakatawa... Yung mga sinasabi niya kay Chariz [Solomon] natutuwa talaga ako," kuwento pa niya.

LEARNING FROM UGE. Kung nai-intimidate ba siya sa batuhan nila ng comedy ni Eugene, "Hindi," ang mabilis na sagot ng young actress.

"Sa totoo lang, wala nga akong maramdaman sa kanyang gano'n, e. Hindi ko pa napi-feel yung gano'n. Kasi so far, yung mga nakakatrabaho ko naman very accommodating, very hospitable. Siguro kung yung iba na may aura na, 'Ay, scary!', yun siguro, mahihiya ako, matatakot ako. Pero yung kay Ate Uge, wala talaga. Walang star factor!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong pagko-comedy ang natututunan niya kay Uge?

"Yung ano, may variations. Hindi puwedeng palagi kang hyper. Hindi palaging malakas lahat ng bitaw mo ng salita. Puwedeng relax ka lang tapos sa dulo mo lang isusundot yung mga nakakatawa mong hirit," sabi ni Jennica.

Ganoon daw ang ginagawa ni Eugene para hindi maging predictable ang kanyang comedy.

"Minsan nga sa rehearsal ginagawa na niya, 'tapos magugulat ka lang pag take na biglang may mababago. Tatawa ka na lang na tatawa. Pero hindi niya yun ginagawa para gulatin ka or ma-intimidate ka. Kasi minsan sa rehearsal, 'Ay! Bago ito, idadagdag ko ito.' 'Tapos iisipin niya uli at pag nag-take saka niya uli gagawin," patuloy pang kuwento ni Jennica.

NO ESCAPE FROM ALWYN QUESTIONS. Si Carl Guevarra ang ka-love team ni Jennica sa series pero napunta ang tanong tungkol sa rumored boyfriend niyang si Alwyn Uytingco.

"Yung kay Alwyn, ilang beses ko na pong sinabi na ayoko na po na sanang pag-usapan, kasi may mga tao na rin akong nasasaktan na nakakahiya... At saka wala rin naman akong kinu-confirm. Basta, ibalato na lang ninyo sa akin," pakiusap ng dalagang anak ni Jean Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya ba siyang kasama si Alwyn?

"Masaya akong kasama si Alwyn. Kung yun po, oo. Ayoko na lang po talaga na masama siya lagi sa usapan, pasensya na po," paliwanang ni Jennica.

Natatakot ba siya na maintriga sila at tapos ay mauwi lang sa wala?

"Hindi po gano'n. Basta, ayoko lang talaga. Kay Mommy wala namang problema. Kakausapin naman niya ako kung meron.

"Basta, paulit-ulit ko lang pong sasabihin na masaya ako pag kasama ko si Alwyn at espesyal siya sa akin, yun na lang po yun. At yung dahilan kung bakit ayaw kong pag-usapan siya at matanong tungkol sa kanya ay dahil nahihiya rin ako sa tao. Magkaiba kami ng network na pinagtatrabahuhan. Hindi kami love team at hindi kami magkasama sa show. Ayoko na lang pong palaging masama ang pangalan niya dahil nahihiya po ako talaga sa kanya," paglilinaw pa ni Jennica.

"Siyempre, bilang artista pag natanong ako kailangan kong sumagot. Pero siguro meron rin naman akong right kung ano ang kaya kong sabihin at hindi ko kayang pag-usapan. Ako mismo ang ayaw. Walang nagsabi na kahit na sino, kahit yung sa network na pinagtatrabahuhan. Ako po mismo," diin niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Balitang nagsalita na rin ang dating kasintahan ni Alwyn na si Princess Ryan. Ang sabi raw nito ay hindi raw magtatagal ang relasyon ng kanyang ex at ni Jennica.

"Ay, hindi ko alam yan! Hahahahaha!" napatawa na lang sa gulat si Jennica.

"Ayoko pong magpadala sa mga naririnig ko lang. Kasi baka mam'ya wala naman sinasabi talaga yung tao."

Nagkakilala na ba sila ni Princess Ryan?

"Nakita ko 'ata siya once mga two years ago. Pero hindi 'ata kami na-introduce personally," tugon ni Jennica na umiwas na nang tuluyang pag-usapan pa ang anumang may kinalaman kay Alwyn.

"Kasi may mga tao nang involved katulad niyan. Buti sana kung ako lang."

NOT BAD INFLUENCE. Naparatangang bad influence si Alwyn dahil sa pagdala-dala daw nito kay Jennica sa kung saan-saang bars at nakita pa raw silang naghahalikan sa isang bar sa Quezon City.

"Kaya ayoko nang mapag-usapan yung kay Alwyn. Kasi nahihiya ako sa mga ipinaparatang sa kanya. Kasi binabansagan siyang bad influence... Dahil importante siya sa akin, nahihiya ako doon sa tao... Hangga't kaya ko talagang umiwas sa mga tanong tungkol sa kanya gagawin ko. Kasi at the same time, pag nabasa ng papa ko [Jigo Garcia] yung mga nakasulat sa newspaper, siyempre, hindi ko naman kontrolado yun, ayoko siyang masaktan. Kahit alam kong maniniwala ang papa at mama ko sa kung anong sasabihin ko. Gusto ko talagang umiwas," eksplika pa ni Jennica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit kasi dinadala siya sa mga bar na posibleng makasira sa image niya?

"Alam mo, matagal na kasi kaming magkaibigan ni Alwyn kasi iisa kami ng manager. So, matagal na kaming magkaibigan. Ang sa akin lang, bago pa, lumalabas na talaga ako. Ano namang masama ngayon kung lumalabas ako?... Hindi naman ako umuuwi na wala na ako sa wisyo, na hindi na ako maayos... Pag gumigimik ako kasama ang mga kaibigan ko, paminsan-minsan! E, ano namang masama no'n kung sa gano'ng paraan natatanggal ang stress ko?...

"Siguro kung lumalabas ako, dalawang beses lang sa isang buwan o di kaya isang beses sa dalawang linggo. Pag may panahon at wala rin lang naman akong ginagawa. Hindi naman masama yun. Hindi nila makikita sa kung saan-saang lugar o bar. Isa lang ang pinupuntahan ko at kaibigan pa ng mommy ko yung may-ari no'ng bar na yun. Pag nandoon ako, safe ang feeling ng mommy ko at safe rin ako kasi lahat ng mga tao roon, magmula sa may-ari, sa manager, sa mga waiters, inaalagaan talaga nila ako kasi nga kaibigan nila ang mommy ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On being seen in bars with rumored boyfriend Alwyn, Jennica has this to say: "Alam mo, matagal na kasi kaming magkaibigan ni Alwyn kasi iisa kami ng manager. Bago pa, lumalabas na talaga ako. Ano namang masama ngayon kung lumalabas ako? Hindi naman ako umuuwi na wala na ako sa wisyo, na hindi na ako maayos. Pag gumigimik ako kasama ang mga kaibigan ko, paminsan-minsan! E, ano namang masama no'n kung sa gano'ng paraan natatanggal ang stress ko?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results