PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Party Pilipinas celebrates several Kapuso birthdays

Hollywood actor gives Dingdong Dantes puckish birthday greeting.
by Rommel R. Llanes
Published Aug 8, 2010
Iza Calzado, Enzo Pineda, Mark Bautista, and Marian Rivera and Dingdong Dantes (in photo), performed to dance hits that were top of the charts in the years they were born.

Espesyal ang Party Pilipinas kanina dahil limang Kapuso stars ang nag-celebrate ng kanilang kaarawan. Sa opening video clip ng show, unang lumabas si Iza Calzado na nakasuot ng costume niya bilang si Reyna Amihan ng Encantadia.

Sumunod na lumabas si Mark Bautista bilang si Lastikman. Pagkatapos ay si Dingdong Dantes bilang Haring Ybrahim, mula sa Encantadia rin.

Huling lumabas si Marian Rivera, na matapos lumunok ng bato ay naging si Darna!

DANCING TO TOP HITS. Sa mismong presentation ng Party Pilipinas, unang sumalang sa opening dance number si Enzo Pineda sa tugtog na "Pump It Up" na sumikat noong 1990, taong ipinanganak ang StarStruck V First Prince.

Sumunod na sumayaw si Marian na 1984 ipinanganak, noong kasikatan ng kantang "Karma Chameleon" ng Culture Club at "Wake me Up Before You Go-Go" ng duo Wham!

Si Iza naman ay taong 1982 isinilang at ang hit songs noon ay ang "Mickey" ni Toni Basil at "Centerfold" ng J. Geils Band.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mark ay 1981 ang birth year, kung kailan hit ang "Don't Stop Believing" ng grupong Journey.

Si Dingdong ay 1980 ipinanganak kaya ang kantang "We've Got The Beat" by the Go-Go's (na number 35 sa US Hot Dance Club Play Charts noong taong iyon) ang itinugtog sa portion niya.

Sa pagpapatuloy ng Party Pilipinas, kumanta naman si Mark (na binansagang Pop Heartthrob) with Rochelle Pangilinan as his dancing partner.

Nakasama rin ni Mark sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs na kumanta ng "What I Did For Love."

DONGYANATIC'S WISH. Sumunod na nagkaroon ng sariling number si Enzo na humataw sa pagsasayaw kasama ang kapwa niya StarStruck V alumni na sina Steven Silva, Sarah Lahbati, Diva Montelaba, Sef Cadayona, at mga PP mainstays na sina Yassi, Mayton at Wynwyn Marquez.

Limang audience members ang nakatanggap ng regalong TM cellphones at Goldilocks loot bags from Dingdong.

Sumunod na portion ay ang Marian's Big Dream, kung saan nakasakay sa isang scooter na nag-grand entrance si Marian at sumayaw sa "Street Beat" ni Toni Basil kasama ang apat na female backup dancers. Endorser si Marian ng Honda Beat Scooter kaya may regalo siyang scooter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang portion naman, isang audience member ang nahilingan ng wish para sa kaarawan ni Dingdong at ang sinabi nito ay wish niya na mahalin nang mabuti ni Dingdong si Marian.

Sinagot naman ito ni Dingdong ng, "Napakadali, napakadali, wish granted!"

JUST LIKE DAD. Ang birthday girl naman na si Iza ay sumayaw kasama ang kanyang kapatid na si Dash Calzado na mahusay ring sumayaw. Di naman siguro kataka-taka dahil may pinagmanahan, ang ama nilang choreographer na si Lito Calzado, na kasama rin sa dance number ng magkapatid. Maliksi at mahusay pa ring gumalaw si Ginoong Calzado, na tila nagpapatunay na malakas pa siya at hindi totoong may malubhang karamdaman.

Ang wish ni Daddy Lito para sa anak ay continued success, and "always stay as sweet as you are!"

Ang Kuya Dash naman niya ay nag-wish ng more success in life para sa kapatid. "Nung maliit pa lang si Iza, alam ko na na magiging artista siya at magiging successful," ayon kay Dash. Nagpasalamat naman si Iza sa GMA-7, kunsaan walong taon na siyang Kapuso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang sumunod na August birthday celebrator na nag-perform ay ang Primetime Queen ng GMA na si Marian.

Nakasuot ng eleganteng red gown, kumanta muna siya ng "Blue Bayou," bago pumasok sina Lovi Poe at Heart Evangelista na umawit ng "Looking Through the Eyes of Love." Kasama rin sa naturang medley ang kantang "I Will Survive" na kung saan kasama ni Marian na kumanta sina Rochelle Pangilinan, Katrina Halili at Roxanne Barcelo.

Sa portion na ito, pinatunayan nina Marian at Katrina na maayos na maayos na ang sitwasyon sa pagitan nila, matapos ang isyu na di raw sila nagkakasundo. Sa ilang bahagi ng kanilang song number ay magka-holding hands at magkaakbay pa ang dalawa. At matapos ang number, muling inakbayan ni Marian si Katrina sabay-sabi sa audience, "O, akala ninyo, ha?"

Isang VTR ang ipinalabas kung saan binati si Marian ng mga ilang nagmamahal sa kanya, tulad ni Kris Aquino, at nina Dennis Trillo, Janice de Belen at Nadine Samonte (na mga kasama nina Marian at Dingdong sa Endless Love ng GMA-7), Mart Escudero, Rita Avila, Roxanne Guinoo, at ang ina ni Marian na si Mommy Francisca at ang pinakamamahal na lola ng aktres, si Lola Amalia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mensahe ni Marian sa kanyang pinakamamahal na si Dingdong ay, "Ito ang dahilan kung bakit ako masaya, kung bakit ako nakumpleto. Gasgas man ang salitang ito, pero siya ang pinakamamahal ko. Siya ang dahilan kung bakit ako maganda!"

Nagpasalamat rin, of course, si Marian sa Panginoong Diyos, na kung wala ang ating Panginoon, wala raw siya sa harapan natin ngayon.

DANCE OF THE STEEL BARS. Ang birthday boy naman na si Dingdong ang sumunod na nag-perform ng 98 Degrees song na "Because Of You," na sinundan ng number niya with Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Carl Guevara. Kumanta sila ng Backstreet Boys song na "As Long As You Love Me."

Kasunod ay kasama ni Dingdong sina Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann at ang best friend niyang si Paolo Contis sa kantang "Picture Of You" ng BoyZone.

After the number, inihayag naman ang tungkol sa forthcoming movie ni Dingdong na Dance of the Steel Bars, kunsaan kasama niya ang Hollywood actor na si Patrick Bergin, na nakilala sa pelikulang Sleeping With the Enemy ni Julia Roberts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May VTR rin si Bergin (na sinabihan pa si Dingdong ng "I love you!"), at ang international choreographer na si Cindera Che na bahagi rin ng naturang pelikula.

Produced ng Marnie Manicad Productions at Portfolio Films International at ni Dingdong mismo, ang pelikula na kinunan sa Cebu ay tungkol sa "Filipino culture through the eyes of a foreigner."

Ayon kay Dingdong, happy siya na nag-represent niya ang kultura ng Pilipinas na makikita sa pelikula na idinirehe nina Cesar Apolinario at Marnie Manicad.

MESSAGE FOR MARIAN. Ang mensahe naman ni Dingdong para kay Marian ay, "Sa nagbibigay sa akin ng inspirasyon, kung bakit ako ginaganahan sa araw-araw kong ginagawa, to Marian, thank you very much, I love you so much!"

Isang VTR naman ng Yes Pinoy Foundation (YPF) ang ipinalabas, kung saan bumati ang mga natulungan at ang mga supporters ng naturang foundation ng aktor.

Nasa VTR rin ng YPF sina Eugene Domingo, John "Sweet" Lapus, director Joyce Bernal, ang mag-asawang Richard at Lucy Gomez, Direk Mark Reyes, boxing champ Manny Pacquiao, at si Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa finale ng kanilang birthday celebration, kasama ang Maneuvers, humataw ng sayaw sina Marian at Dingdong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado, Enzo Pineda, Mark Bautista, and Marian Rivera and Dingdong Dantes (in photo), performed to dance hits that were top of the charts in the years they were born.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results