Willie Revillame: "Tinatapos ko na po ang kontrata ko sa ABS-CBN."

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Monday, August 09, 2010 @ 07:14PM  |  151127 views

 

"Wala po akong masasabing masama sa kanila. 'Eto lang po ay sarili kong desisyon para makapag-move on na po at makagawa po ako ng programa ko para sa sarili ko at gusto ko. Hindi na po ako puwedeng magkaroon ng isang show na once a week dahil sa kontrata ko po, sa pagkakaalam ko, every day po ang aking dapat gagawin hanggang September 2011," says controversial TV host Willie Revillame about his decision to rescind his contract with ABS-CBN.

Photo By: Noel Orsal













"Ako po ay nagpapaalam na sa ABS-CBN. Tinatapos ko na po ang kontrata ko sa ABS-CBN na naging kapamilya ko."

Ito ang buod ng mensahe ng controversial TV host na si Willie Revillame sa presscon na ipinatawag niya kaninang tanghali, August 9, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Punung-puno ang main hall ng venue ng press, TV crew, mga abugado, at supporters ni Willie. Bukod sa legal counsels ni Willie na sina Atty. Leonard de Vera at Atty. Ferdinand Domingo, nagpakita rin ng suporta kay Willie ang Team Pacquiao, sa pangunguna ng business manager ni Congressman Manny Pacquiao na si Mr. Eric Pineda; ang big boss ng Viva Entertainment na si Mr. Vic del Rosario; ang columnist at TV host na si Cristy Fermin; ang singer-composer na si Lito Camo; ang dating aktres na si Daisy Romualdez; at ang talent manager na si Annabelle Rama.

Bago magtanong ang press kay Willie ay ikinuwento muna niya ang mga kaganapan bago siya nauwi sa desisyong tapusin na ang kontrata niya sa ABS-CBN.

"Pinag-isipan ko ho 'tong mabuti, ipinagdasal ko at ako po'y nakipag-usap sa mga taong talaga namang nagmamahal sa akin, kapamilya ko, sa mga kaibigang malalapit sa akin, at sa akin pong mga pinagkakatiwalaang abogado, at sa akin pong pinagkakatiwalaan sa business po ng industriya," simula ng TV host.

Ayon kay Willie, babalik na siya dapat sa Wowowee noong July 31, 2010. Pero nagulat na lamang siya nang mabago ang usapan at palitan ng panibagong programa ang kanyang noontime show.

"Marami na pong pag-uusap na nangyari, naghanda na po kami," sabi niya. "Magsisimula po ako sa unang pangyayari dahil ako po'y humingi na naman ng tawad sa pangyayari, nung unang pangyayari na ako'y umalis sa Wowowee. Tinanggap naman po 'yon ng buong pamunuan ng ABS-CBN.

"Noon pong bago mag July 10, si Ms. Linggit Tan, ang production head po ng ABS-CBN, she's been texting me at siya po'y tumawag sa 'kin para mag-usap. Dahil po nung mga panahon na 'yon, parang ayaw ko na ho sanang lumabas sa telebisyon muna. Sabi ko, aayusin ko muna yung sarili ko kung bakit nangyayari sa akin 'tong ganito."

THE FIRST MEETING. Ang unang meeting nila ay nangyari nga noong July 10, 2010, Sabado ng hapon, sa bahay ni Willie sa Tagaytay. Nagkataon daw kasing may event doon sa Tagaytay ang mga business unit head ng ABS-CBN. Kasama rin daw sa meeting na iyon ang business unit head ng Wowowee na si Jay Montelibano, ang abugado ni Willie na si Atty. Domingo, at ang kaibigan niyang si Roy Reyes.

"Ang napag-usapan po namin nila Ms. Linggit Tan ay yung pagbabalik ko ng July 31 sa ABS at sa Wowowee," sabi ni Willie. "Napag-usapan na po naming lahat kung ano ang mga bagong segment, kung ano po ang gagawin sa bagong programa...bagong mga games po. At the same time, ibinigay ko yung mga ideas ko sa mga bagong games. Meron akong mga sinabi sa kanila 'ganito ang gawin natin, 'eto ang gawin natin.' Okay naman po yun. Meron akong mga segments na sinabi... 'Gusto ko yung '1-2-3 Go!' Meron akong sinabi na 'Spin A Wheel'...so, mas marami.

"At the same time, nakipag-usap na rin po ako sa pamunuan ng ibang mga sponsors para magbigay ho ng bahay at lupa. Para sa araw-araw na pagbalik ko, gusto ko mas maraming matulungan at mas maraming mapasayang kababayan natin. Ibinigay ko sa kanila yung concept. Pati yung music, pinadinig ko lahat. That was July 10."

Dagdag niya, "Pagkatapos po ng pag-uusap namin, okay na ang lahat, naging kampante na ako. Nai-announce na 'ata sa staff na ako'y babalik na at naging masaya ang staff. Naging okay naman ho sa feedback."

THE SECOND MEETING. Pagkatapos ng meeting ni Willie kay Ms. Linggit ay nakipag-meeting din siya sa mismong Presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio. Naganap ang meeting nina Willie at Ms. Charo sa opisina ng huli noong July 13 (Tuesday). Kasama rin sa meeting na iyon ang dating manager ni Willie na si Arlene de Castro, misis ni dating Vice President Noli de Castro; ang creative director ng Wowowee na si Edgar "Bobot" Mortiz; at si Ms. Linggit ulit.

"So, napag-usapan po dun yung pong sinasabi nilang babalik na ako, okay na lahat," sabi ni Willie. "Binanggit na ni Ma'am Charo lahat ng mga ideas, okay naman sa kanya. Sabi nga niya, 'Ngayon, dapat mas maganda na, mas marami tayong mapasaya, matutulungan sa pagbabalik mo.'

"Ibinigay ko na rin po yung concept nung bagong mga games. Kung ano yung napag-usapan namin ni Ms. Linggit, yun din ho ang napag-usapan namin at napagkasunduan namin ni Ma'am Charo at sa mga kasama namin do'n, ni Direk Bobot, ni Miss Linggit Tan.

1  2  3  Next »

Related Articles

479 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name