Matagal ding nagpahinga ang award-winning child actor na si Robert "Buboy" Villar pagkatapos ng kanyang telefantasya sa GMA-7 na Panday Kids, na ang huling episode ay ipinalabs noong June 4, 2010.
Kaya naman kinuha ni Buboy ang pagkakataon na ito upang asikasuhin ang kanyang pag-aaral muli. Kasalukuyan siyang Grade 5 sa Academia de San Faustina sa Quezon City.
BACK TO SCHOOL. Sa presscon ng bagong dramedy series ng GMA-7 na JejeMom noong Biyernes, August 6, ay masayang ikinuwento ni Buboy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang experience niya ngayong nakapag-aral ulit siya sa isang regular na eskuwelahan. Marami na raw siyang mga kaibigan at kasundo niya lahat ng classmates niya.
"Noong first day sa school, kinabahan po ako kasi first time ko ulit na naka-uniform, tapos may dala akong school bag at mga libro. Parang nanibago po ako sa paligid ko. Pero noong nasa classroom na ako, mababait po ang classmates ko. Nakipagkilala sila sa akin at happy daw silang classmate nila ay isang artista. Sinabi ko naman sa kanila na huwag nila akong ituring na artista sa classroom. Ituring nila ako na normal na classmate nila," lahad ni Buboy, na magse-celebrate ng kanyang 11th birthday sa August 17.
Officer din si Buboy sa kanilang klase. Hawak niya ang posisyon na sergeant-at-arms.
"Yun na lang ang pinili ko kasi hindi ako puwedeng maging president ng class. Minsan kasi, wala ako sa classroom dahil sa taping ko. Nakakahiya naman na parating wala ang president, di ba?" sabay tawa niya.
Dagdag ni Buboy, "Kaya sergeant-at-arms na lang para ako ang magbabantay ng magugulo at maiingay sa classroom. Kapag kinausap ko kasi sila, nakikinig naman sila sa akin. Para rin kasi 'yon sa ikabubuti naming lahat sa loob ng classroom."
JEJEMOM. Bukod sa kanyang pag-aaral ay busy rin ulit ngayon si Buboy sa kanyang showbiz career. Nagsimula na kasi siyang mag-taping ng bago niyang show na JejeMom. Ginagampanan niya rito ang papel ng anak ni Eugene Domingo na si G-Boy. Sa taping na nga raw siya minsan nag-aaral; dala-dala niya ang modules ng dapat niyang pag-aralan.
"Maluwag naman po sa akin yung school kasi alam nilang nagtatrabaho rin po ako," sabi ni Buboy. "Binibigyan nila ako ng modules na pag-aaralan ko. Kaya sa set, doon ako nagbabasa at gumagawa ng assignments kapag di ako maka-attend ng klase ko." .
Tama na muna raw kay Buboy ang once-a-week na taping niya para sa JejeMom dahil sa kanyang pag-aaral. Wala raw muna siyang drama series dahil baka mapabayaan niya ang kanyang pag-aaral.
Paliwanag niya, "Kapag may drama series po kasi tulad ng Darna, Dyesebel, at Panday Kids, tatlong beses sa isang linggo ang taping. Marami na po akong mami-miss sa school. E, gusto ko pong mag-aral talaga, pero gusto ko may trabaho pa rin. Kaya okey lang ang JejeMom kasi isang beses lang ang taping ko sa isang linggo. Hindi pa po ako masyadong napupuyat at nakakapasok ako sa school kinabukasan. Kaya okey lang po muna itong sitcom para may time ako sa pag-aaral ko."
DIREK MARYO. Naikuwento rin ni Buboy sa PEP na okay na sila ng kanyang dating manager na si Direk Maryo J. de los Reyes. Nagkaroon kasi ng hindi pagkakaunawaan ang child actor at ang direktor noon.
Ayon kay Buboy, tinawagan siya ng award-winning director at kinumusta ang pag-aaral niya. Natuwa naman daw si Buboy dahil alam niyang hindi na galit sa kanya si Direk Maryo.
"Nagkausap na kami ni Direk Maryo at friends na ulit kami," nakangiting sabi ni Buboy. "Matagal ko na rin po siyang gustong kausapin kaso nahihiya akong tawagan siya. Nagkataon na si Direk ang tumawag at natuwa akong nagkausap kami. Okey na po ang lahat sa aming dalawa."






naku kung d ka mag aaral ang makukuha mo lang mabababang ratings tulad nung panday kids mo.. mag aral k n lang..
Good decision, Buboy. Para mas normal and childhood mo:- Kasi you'll gain friends outside the industry:-
Good luck sa iyo sana kasama ka Super Inday.
tama yan bata.. aral muna! tutal nakaipon ka naman na cguro!