Hindi pinayagang makapagpiyansa ang suspect sa tangkang pangingidnap sa ama ni Sarah Geronimo na si Mr. Delfin Geronimo.
Base sa inquest proceeding kahapon para sa suspek na si Paul Mercado, sinabi ng Assistant City Prosecutor ng Quezon City na may matibay na ebidensiya na plano niya talagang kidnapin ang tatay ng Popstar Princess.
Ayon sa report ng Saksi kagabi, Agosto 9, bandang ala-una ng hapon noong Linggo, Agosto 8, nang imbitahan ng suspek ang ama ni Sarah sa basement ng ABS-CBN para ibigay ang isang regalo mula sa isang kumpanya ng shampoo. Subalit pagdating sa basement, puwersahan daw na pinapasok si Geronimo sa isang Hyundai van at tinangka pa siyang paralisahin sa pamamagitan ng stun gun.
Sa naunang pahayag ni Mr. Geronimo sa ABS-CBN News Channel (ANC) noong Linggo, mariin niyang sinabi na sinubukan talaga siyang kidnapin ng suspek.
Aniya, "Tingin ko kidnap ito kasi kung na-paralyze niya ako sa pagkakakuryente, puwede niya akong ikulong sa loob ng sasakyan. Tapos itatali niya ako sa cable tie. May cable tie siya. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin sa akin. Maaring ipatubos ako sa pamilya ko."
Itinanggi naman agad ito ng suspek at sinabing gusto lamang niyang nakawan ang ama ng singer-actress.
Sa ulat ng ABS-CBN, ito ang nasabi ng suspek: "Gipit lang po. Napilitan lang na gumawa ng hindi maganda. Hindi ko po kikidnapin... Kung ano 'yong nasa katawan niya, 'yon lang ang napag-interesan ko lang."
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang home network ni Sarah tungkol sa insidente. Hinihintay pa ng ABS-CBN ang kumpletong imbestigasyon ng pulisya ukol rito bago maglabas ng official statement.






As for others who are making stories about Sarah, as long as there is no proof to your stories we will never believe you...
isa sana sa pamilya mo madukot at ano kaya ang reaction mo. BALIW !!!!!!!!!
melight01
August 11, 2010
08:42 AM ...gimik nga, paano flop ang latest movie
nya
---------
62m in two weeks flop??? ang take note it's still showing and may international screening pa...teh isa ka rin ba sa nagkakakain ng apdo sa umaga...lol!
ang gulo ng storya mo, wag ka naman manira manira dyan kaya tingin ko sayo para ka na rin na bulok na salmon dyan sa ALASKA.
clinique10
August 11, 2010
06:17 AM sabi nga ni KC sa the buzz, pagka ganon dapat ibigay na lang ang kailangan ng holdapper, wag na maging sakim sa pera! buti di sya pinatay nung nagtatakbo sya, ay ewan! GIMIK nga siguro..hmp! move on, please!
----------
ikaw ang mag move on kasi mukhang wala ka sa tamang huwisyo...manood ka kasi para hindi ka puro dada..hindi ito tungkol sa pera teh..kc's comment was in general pero in sarah's case walang involve na pera kaya walang dapat ibigay...kinuryente siya kaya siya tumakbo...kung minsan bawasan ang pagkain ng apdo ha? try mo splenda baka sakai mabawasan ang pagka bitter mo.
nya