PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes closes communication with Rayver Cruz to stop talks about their rumored relationship

The young sexy actress says she's not yet ready for another relationship.
by Glen Sibonga
Published Aug 11, 2010
"Lumalabas na sinungaling ako. Kasi patuloy pa rin kaming nag-uusap. Ngayon, para lang patunayan na wala talaga kaming relasyon, e, di wala na lang talaga. Pati komunikasyon wala na. Unfair din naman sa akin dahil ako yung nasasabihang sinungaling," says Cristine Reyes on the negative reaction she gets after her revelation about her and Rayver Cruz.

Masayang-masaya si Cristine Reyes dahil balik-primetime na naman siya kasama sina Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, at Denise Laurel sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Martha Cecilia's Kristine, na mapapanood na simula sa Lunes ng gabi, August 16. Ito ang magiging kapalit ng Rubi, na magtatapos na sa Biyernes, August 13.

"Siyempre, masaya ako kasi after ng Eva Fonda, may bagong primetime series na naman ako. Happy ako kasi pinagkatiwalaan ako ulit ng ABS na gawin itong Kristine. Maganda ang story, magagaling ang cast at magaling ang director namin na si Direk Rory [Quintos]," pahayag ni Cristine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Kristine kahapon, August 10, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ang Kristine ay hango sa best-selling series sa pocketbook history, ang Martha Cecilia's Kristine, published by Precious Pages Corporation under its book imprint Precious Hearts Romances Presents. Ginagampanan ni Cristine ang role ni Jewel Fortalejo, na kapatid ni Emerald (Denise). Kapwa sila iibig sa mga lalakeng mula sa kalabang pamilya ng mga Fortalejo, ang mga De Silva (Rafael and Zanjoe).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung Kristine kasi is about the story ng dalawang pamilya, De Silva at Fortalejo. At umiikot yung story niya sa pag-iibigan ng apat na characters. Hindi siya tungkol sa puro intimate scenes. Love story siya at labanan ng dalawang pamilya," sabi ni Cristine.

Gaano ito kaespesyal kumpara sa Eva Fonda niya noon?

"Magkaibang-magkaiba," sagot ng young sexy actress. "Siyempre, unang-una, sobrang special sa akin ng Eva Fonda dahil yun ang unang primetime series ko. 'Eto namang Martha Cecilia's Kristine, special din siya sa akin dahil, number one, napakalaking production, napakalaking serye, at maraming nag-aabang, lalo na iyong mga fans ng Martha Cecilia's Kristine. And dun ako natsa-challenge. So, special siya sa akin dahil natsa-challenge ako sa lahat ng mga tao na naghihintay at nag-aabang ng Kristine."

Ano ang pagkakapareho nila ng character niyang si Jewel?

"Ang pagkakapareho namin... 'ika nga sa tagline ng Kristine: 'Ano ba ang mas matimbang, ang lukso ng dugo o pintig ng puso?' Kasi sa totoong buhay naman, lahat tayo dumadaan sa ganun. Kapag dumating ang pag-ibig mo, hindi mo alam kung sasama ka na ba dun o hindi. Pipiliin mo ba yung responsibility mo sa family mo? So, feeling ko, ganun. Kasi one time, dumating na rin ako sa ganun, e. Pareho kami ni Jewel magmahal pagdating sa pamilya at pagdating sa pag-ibig."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil kilala bilang isa sa sexy actresses ng industriya si Cristine, may mga sexy scenes rin daw siya sa serye, pero more implied, sabi nga ni Direk Rory Quintos.

RAYVER CRUZ. Siyempre, hindi rin pinaligtas ng mga press si Cristine para sagutin ang mga intrigang ipinupukol sa kanya. Gumawa kasi ng ingay ang revelation niya sa SNN (Showbiz News Ngayon) last week tungkol sa estado nila ni Rayver Cruz kung saan inamin niya na nanligaw sa kanya ang binatang aktor. Kumusta na ba sila ni Rayver ngayon? (CLICK HERE to read related story.)

"Magkaibigan na lang kami ngayon. Kasi yung tanong sa akin ni Tito Boy [Abunda], kung nanligaw. Sinabi ko, 'Oo, nanligaw noon, pero ngayon hindi na.'"

Lumalabas din sa SNN interview niya na tila nabasted si Rayver. Pero nakita pa sila na magkasama sa Cebu kung saan sinamahan pa ni Cristine si Rayver sa isang doktor. So, ano ang ibig sabihin nito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magkaibigan po kami. Alam ko po mahirap intindihin yun," sabi ng dalaga. "Pero para sa akin, siyempre naging malapit na sa akin yung tao. And at the same time, meron naman kaming pinagsamahan. Kaya ganun siya kahalaga sa akin."

Ikinagulat daw ni Cristine ang iba't ibang reaksiyon ng mga tao sa kanyang revelations at ang pinakamatindi nga ay ang pagsasabing sinungaling siya. Dahil dito, nagdesisyon si Cristine na putulin na ang komunikasyon niya kay Rayver.

"Lumalabas na sinungaling ako. Kasi patuloy pa rin kaming nag-uusap. Ngayon, para lang patunayan na wala talaga kaming relasyon, e, di wala na lang talaga. Pati komunikasyon wala na. Unfair din naman sa akin dahil ako yung nasasabihang sinungaling," saad niya.

SARAH GERONIMO. Inihayag din ni Cristine sa SNN interview niya na habang nanliligaw sa kanya si Rayver ay nalaman niyang may karelasyon na nga that time si Rayver, at ang tinutukoy rito ay si Sarah Geronimo. Hindi na raw sila nag-usap ni Rayver matapos ang kanyang revelations. May kinalaman ba ang natuklasan niyang ito sa desisyon niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagsalita na ako tungkol doon kay Tito Boy, sana tapos na po yun doon. Wala nang questions about it. Ayoko nang magsalita about it," iwas ni Cristine.

Simula nang i-launch siya bilang Kapamilya sa ASAP XV, nagkita na ba sila ni Sarah?

"Oo naman. Binati naman niya ako."

Okay ba sila at walang ilangan sa isa't isa?

"Wala naman."

Napag-usapan ba nila ang tungkol sa isyu about Rayver?

"Hindi, never."

Nagkita na rin daw ulit sila ni Rayver sa ASAP din.

"Civil naman kami. Nagbabatian ganun lang."

Willing ba siya na magsama sila sa isang production number with Sarah and Rayver?

"Ayoko, kasi hindi naman talaga ako performer, e," sagot ni Cristine. "Hindi naman talaga ako magaling kumanta at sumayaw para makipagsabayan. Ayoko, hindi ko kaya. Ako nga lang sa sarili ko, solo, kinakabahan na ako, e. What more pa kung meron akong kasabayan na magagaling? Hindi ko kaya yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang message niya sa mga fans ni Sarah na umaalma sa revelations niya?

"Ayoko na lang magsalita para wala na lang gulo. Basta para sa akin, hindi naman ako nagsalita para manira. Kumbaga, nagsalita lang ako kung ano ang katotohanan. Hindi ko intensiyon na makasakit o manira dahil dun sa interview na yun. Kumbaga, natanong lang naman ako at sumagot lang naman ako."

Marami rin ang curious kung sino nga ba ang nagsabi sa kanya na nagkarelasyon sina Rayver at Sarah?

"Non-showbiz siya, e. Huwag na nating banggitin ang pangalan," sagot ni Cristine.

ZANJOE MARUDO. Hindi ba posibleng ma-develop siya sa kanyang kapareha sa Kristine na si Zanjoe?

"Ano, darating tayo diyan. Ayoko munang magsalita ng tapos."

Sa isang interview ni Cristine, sinabi niyang "malabo" si Zanjoe. Ano ang ibig sabihin niya nito?

"Hindi ko alam. Siguro kasi tahimik siya. Hindi ko siya mabasa. Unlike si Raf [Rafael Rosell], alam mo yung madaldal kaya kilala ko na," sagot ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang interview kay Cristine, sinabi niyang kung isang pagkain si Zanjoe, "porkchop" daw ito. During the presscon, si Zanjoe naman ang tinanong at ang sinagot nito ay "bangus" daw si Cristine dahil matinik sa lalake. Ano ang masasabi niya rito?

"Sinasabi niya lang 'yan dahil sinabihan ko siyang porkchop," buwelta niya.

Matinik ba talaga siya?

"Hindi ko alam. Friendly lang ako!" natatawang sagot ni Cristine.

NO TO LOVELIFE. Sa ngayon daw ay ayaw munang ma-involve sa isang relasyon ni Cristine.

"Hindi pa ako ready," sabi niya. "Ayoko munang magkarelasyon. Siguro mas gusto ko kapag alam kong sigurado na rin ako sa sarili ko na makipagrelasyon. Siguro mas okay pag solo muna ako dahil pansin ko, pag solo ako, maganda yung career ko. So, saka na 'yang mga lovelife na 'yan."

Mas careful ba siya ngayon dahil sa mga past relationships niya ay nagkaroon siya ng mga kaaway?

"Hindi dahil doon. Pero mas careful ako dahil ayoko na ngang masaktan ulit," sagot ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa mga learnings in the past, anong katangian ng lalaki ang hinahanap niya ngayon?

"Wala akong hinahanap. Kumbaga, darating na lang 'yon. Siguro kahit sino na magpapakita na mabait at totoong tao. Ayoko kasing maghanap, e. Darating 'yan. Napakabata ko pa para, alam mo yun."

Sinisigurado niya ba ngayon na yung lalake ay walang sabit?

"Siyempre, dapat talaga ganun," sagot ni Cristine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Lumalabas na sinungaling ako. Kasi patuloy pa rin kaming nag-uusap. Ngayon, para lang patunayan na wala talaga kaming relasyon, e, di wala na lang talaga. Pati komunikasyon wala na. Unfair din naman sa akin dahil ako yung nasasabihang sinungaling," says Cristine Reyes on the negative reaction she gets after her revelation about her and Rayver Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results