PEP EXCLUSIVE: Liezl Sicangco wants son back, says Robin has no time for the kid

Anna Pingol
Thursday, August 12, 2010 @ 08:27PM  |  140399 views

Liezl Sicangco, the mother of Robin Padilla's four children, tells the action star that if he can't find time for their son, she will take him back. "Willing akong kumuha ng lawyer para sa custody ni Ali, kasi hindi normal ang buhay na binibigay sa kanya ni Robin diyan," she tells PEP.

Photo By: courtesy of YES! magazine (Main); Noel Orsal (inset)













Kahapon, Agosto 11, pasado alas tres ng hapon, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) via long distance si Liezl Sicangco, na naka-base ngayon sa Gold Coast sa Australia.

Si Liezl ay ang naging kabiyak ni action star Robin Padilla sa loob ng 20 taon. Ang pagsasama nilang iyon ay nagbunga ng apat na anak—sina Rose Elizabeth (Queenie), 18; Kylie Nicole (Kylie), 17; Sherileen Zel (Zhen-Zhen), 16; at Robinhood Fernando (Ali), 10.

Sinikap ng PEP na muling makuha ang panig ni Liezl sa biglaang pagkakasangkot ng pangalan niya sa kontrobersyang dulot ng magandang pagtitinginan ngayon nina Robin at Mariel Rodriguez.

Ang pinag-ugatan ng lahat ay ang pagpapa-interview ni Liezl sa reporter na si Joey Sarmiento hinggil sa bagong romansa sa buhay ni Robin. Sa interview, nakapagbitiw si Liezl ng ilang maaanghang na salita laban sa ama ng kanyang mga anak.

Inilabas ni Sarmiento ang kanyang report noong August 8 sa Aksyon Weekend, isang pang-gabing news program ng istasyong TV5. Ang nasabing report ay nailathala rin dito sa PEP kahapon. (CLICK HERE to read related story.)

Nang direktang tumawag ang PEP kay Liezl kahapon, sinabi naming marami pa kaming nais malinawan sa isyu kaya namin siya hinagilap. Iyon ay kanya namang ikinatuwa.

"Oo, kasi, wala na akong koneksyon diyan..." bungad niya sa PEP. "Hindi ko alam sino kakausapin. Buti tinawagan mo ako. 'Yon kasing interview sa akin [ni Joey Sarmiento], putol-putol...hindi naman nilabas lahat."

DI GALIT KAY MARIEL. Ang unang gustong linawin ni Liezl ay ang tungkol kay Mariel. Baka raw ma-misinterpret ng mga tao ang mga sinabi niya at akalaing galit siya o di kaya'y insecure sa TV host na tahasang nililigawan ni Robin sa telebisyon.

Paliwanag ni Liezl: "After kasi ng interview ko, may mga anonymous na nagte-text sa akin, na kesyo bitter daw ako, naghahabol....masaya na raw sina Robin at Mariel...Sabi pa nga, magpapa-interview lang din daw ako, sa hindi pa sikat.

"Ako, walang kaso sa akin kung sila.  Noon ko pa alam na sila. Hindi ako galit kay Mariel. Kaya ko siyang kausapin any time.

"The problem is between me and Robin. Nagkataon lang talaga na nakapag-air ako ng side ko, habang pinag-uusapan sila ni Mariel diyan. Kaya ang dating siguro diyan, bitter daw ako.

"God knows, hindi ako bitter. Tahimik na ako dito at masaya—ang ikinalulungkot ko lang is wala dito si Ali."

Si Ali ay ang sampung-taong gulang na anak nila ni Robin na ipinanganak sa Australia, at naka-base ngayon sa Pilipinas. Nakatira ang bata kasama ni Robin sa bahay nito sa Fairview, Quezon City.

Si Ali at ang kalagayan nito ngayon ang puno't dulo raw ng mga hinaing ni Liezl.

"Okay naman kami ni Robin," paunang paliwanag ni Liezl. "Nag-uusap kami lagi niyan sa phone tungkol sa mga bata. Ako pa ang nagsabi sa kanya noon na, 'Mag-asawa ka na para may mag-alaga sa 'yo.' Sabi niya noon, hindi na raw siya mag-aasawa para maka-focus siya kay Ali. Until nga lately..."

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

256 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name