"I grew up na inspired, na parang lumalaki pa lang ako, nakikita ko na ito yung gusto kong gawin. So, I think, 'yon yung pinakamalaking advantage. Help-wise, Tito Robin is the one who introduced me to Tita Claire [dela Fuente], who is my manager now," says newcomer Bela Padilla.

Photo: Noel Orsal

Una siyang nakilala bilang si Krista Sullivan noong nasa ABS-CBN pa siya. Pero ngayong nasa GMA-7 na siya, kilala na siya bilang si Bela Padilla.

Siya ang gumaganap bilang si Yumi, ang girlfriend ni Johnny, sa primetime series na Endless Love, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Dennis Trillo.

SHOWBIZ TIES. Kamag-anak ni Bela ang action superstar na si Robin "Binoe" Padilla.

Kuwento ni Bela sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Actually, Cariño side, kamag-anak ko si Tito Robin. Sa mom's side, Mama Eva [Cariño-Padilla, ina ni Robin] and my lola are sisters. First cousin siya ni Mommy, so parang second uncle ko na siya [Robin].

"I grew up with his daughters, so medyo close-knit yung family namin. Kapag Christmas, kami-kami din yung magkakasama. Kaya we're kinda close-knit po, yung family namin. Sina Kylie [Padilla, Robin's second daughter with ex-wife Liezl Sicangco], nakakasama ko sa Party Pilipinas ngayon. So, happy po ako ngayon."

Nakausap ng PEP si Bela sa taping ng Endless Love sa Trinoma Mall sa may North Edsa, Quezon City, kahapon, August 11.

Last year, napanood na si Bela sa huling primetime series ng Tito Robin niya sa GMA-7, ang Totoy Bato. This year naman siya ipinakilala bilang party jock sa musical-variety show na Party Pilipinas at nasundan nga ito ng role niya sa Endless Love.

Ano ang advantage na maging kamag-anak ng isang Robin Padilla?

"Well, more of tulong yung advantage. I grew up na inspired, na parang lumalaki pa lang ako, nakikita ko na ito yung gusto kong gawin. So, I think, 'yon yung pinakamalaking advantage. Help-wise, Tito Robin is the one who introduced me to Tita Claire [dela Fuente], who is my manager now," banggit ng dalaga.

Kumusta naman ang relasyon nila ng "tita" niyang si BB Gandanghari? Si BB ang bagong katauhan ng aktor na si Rustom Padilla.

"Well, may style tips kami!" natatawang sagot ni Bela. "Yung recent birthday ni Tito Robin...maraming beses na po [kaming nagkakasama]. Pero ngayon, nasa States kasi siya. Birthday po ni Tito Robin, magkakasama po kami."

Pinuri raw ni BB ang hitsura ni Bela.  

"Parang happy daw siya na nag-mature ang histura ko, ganyan. So, sabi niya, okay yung look ko ngayon. Natutuwa naman ako."

Proud din daw siya na kamag-anak niya si BB.