"Kuya Manny has been a big brother to me. And he's very supportive lalo na noong sumali ako sa StarStruck. Marami na siyang naipayo sa akin, at isa na ang mahalin ko ang trabaho at huwag mawala ang respeto sa parents ko. Lagi ko raw silang mamahalin," says Enzo Pineda about athlete-politician Manny Pacquiao, who attended his birthday party last night, August 11.
Enzo Pineda takes on more responsibilities now that he's 20
Thursday, August 12, 2010
03:47 PM
Rating
Masayang-masaya ang StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda nang mag-celebrate siya ng kanyang 20th birthday kagabi, August 11, sa Sofra Lounge Bar sa The Fort, Taguig City. Pero ngayong araw, August 12, ang actual birthday niya.
Special guest ni Enzo sa kanyang birthday party ang Pambansang Kamao at Sarangani congressman na si Manny Pacquiao. Sa mga hindi nakakaalam, ang ama ni Enzo na si Eric Pineda ang business manager ni Pacman.
"Kuya Manny has been a part of our family for such a long time, at hindi raw siya puwedeng hindi dumating sa birthday ko. Nag-promise siya na darating siya despite his busy schedule," sabi ni Enzo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Dagdag niya, "Kuya Manny has been a big brother to me. And he's very supportive lalo na noong sumali ako sa StarStruck. Marami na siyang naipayo sa akin, at isa na ang mahalin ko ang trabaho at huwag mawala ang respeto sa parents ko. Lagi ko raw silang mamahalin."
Dumating din sa party ni Enzo ang ka-batch niya sa StarStruck V na sina Sarah Lahbati, Rocco Nacino, at Rox Montealegre; StarStruck alumni Stef Prescott, Dion Ignacio, and Alvin Aragon; choreographer Geleen Eugenio and son Miggy Tanchangco; fashion designer Pepsi Herrera; at ilan pang kaibigan niya mula sa showbiz. Naroon din ang ilang kaibigan at classmates ni Enzo sa University of Asia and the Pacific.
FIRST BIG PARTY. First time daw na magkaroon ng malaking birthday celebration si Enzo, kung saan ang naging punong-abala ay ang kanyang ina na si Mrs. Macy Pineda.
"Never naman akong nagkaroon ng ganitong party talaga kapag birthday ko," sabi ni Enzo. "Kadalasan, kami-kami lang sa bahay. Or, mag-a-out of town kami. Simple lang talaga ako mag-celebrate ng birthday. Ngayon lang na ganito. Kasi nga, sabi ng Mommy ko, hindi na ako teenager. Twenty years old na raw ako kaya mag-celebrate na ako na medyo malaki na. Lalo na't nasa showbiz na ako, mas marami na akong mga kaibigan at katrabaho.
"Kaya parang treat ko na ito para sa mga friends ko, old and new, at sa mga taong naniniwala sa akin. It's about time na raw na subukan kong mag-party na ganito kasi ako naman daw magbabayad!" sabay tawa niya.
BEING RESPONSIBLE. Since kumikita na si Enzo dahil sa kanyang pag-aartista, mas nagkakaroon na raw siya ng responsibilidad, lalo na sa mga gastusin sa bahay nila.
"Kusa naman po akong nagbibigay," nakangiting sabi ni Enzo. "Hindi naman ako inoobliga nina Mommy at Daddy, e. Pero ako na yung nagbibigay talaga. Kasi nga, kumikita naman na ako, and I like to share my blessings in my own little way. Siguro simulan ko muna sa sarili kong bahay, di ba? Tumutulong na ako sa pagbayad ng kuryente, tubig, telepono at sa kung anu-ano pang kailangan sa bahay.
"Nagugulat nga sina Mommy at Daddy sa ginagawa ko. Natutuwa rin sila kasi marunong na raw ako at hindi na ako kailangang pagsabihan pa. But they always tell me to save. Meron naman akong tinitira for myself. Masarap lang ang feeling na may iba kang pinapasaya na mga tao at hindi lang ang sarili mo."
Regular na napapanood si Enzo sa musical-variety show na Party Pilipinas at sa sitcom na Kaya ng Powers. Naging part din siya ng cast ng Diva at sa Lovebug Presents Exchange of Hearts. Dahil sa maraming blessings niya ay magkakaroon siya ng outreach program para sa ilang kabataan.
"Birthday wish ko ay ang magtayo ng isang foundation," sabi ni Enzo. "Gusto kong makatulong sa kabataan, lalo na yung mga hindi nakakapag-aral. Importante kasi ang edukasyon sa kabataan.
"This Saturday [August 14], may gagawin kaming charity work somewhere sa Quezon City for underprivileged children. Magbibigay kami ng food, medicines, clothes, at marami pang ibang kailangan nila. This is my own way of sharing my blessings with them sa birthday ko. Gusto kong makapagbigay ng kasiyahan sa maraming tao and magandang simula itong sa mga bata."
ABOUT SARAH. Sa personal life naman ni Enzo, masaya siyang close sila ni Sarah Lahbati. Hindi pa raw niya girlfriend si Sarah dahil priority raw nila ang kanilang career.
"Kami ni Sarah, we're very good friends pa lang," ngiti niya. "Yung ligaw-ligaw, hindi pa naman nangyayari talaga. We are taking our time at ayokong malagyan ng pressure ang pagkakaibigan naming dalawa.
"We are still both young at marami pa kaming puwedeng gawin in our careers. May usapan naman kami ni Sarah, e, kaya yun ang pinanghahawakan ko. Kung ano 'yon, sa amin na lang 'yon."
Pero boto naman daw ang parents ni Enzo kay Sarah kung sakaling maging girlfriend niya ito.
"That's nice to hear," sabi ng binata. "Kasi siyempre, kailangan mo rin ng approval ng parents mo. Kumbaga, blessing nila 'yon. Alam ko naman na magugustuhan nila si Sarah. Pero I tell them na magkaibigan pa lang naman kami. But Sarah is always welcome sa family namin because everyone likes her."
Ano naman ang birthday gift sa kanya ni Sarah?
- Enzo Pineda admits crying when Louise delos Reyes had an accident; not bothered by never-ending gender issue
- Enzo Pineda on real score with Louise delos Reyes: "Ganun pa rin kami, super-duper-mega special sa isa't isa."
- Enzo Pineda says Louise delos Reyes is close to his family
- Enzo Pineda respects the Louise delos Reyes-Alden Richards loveteam despite courting the young actress
- Enzo Pineda on Louise delos Reyes: "We consider each other special."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
- Mikael Daez keeps his shirt on in new series
- For Jennica Garcia, it's career first before love life
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
-
Big Shot
Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
Anne will bring Annebisyosa to different countries in the next few months.
-
Indie
PEP REVIEW: Pintakasi : How art saves
Pintakasi will have February 8 and February 29 screenings in select SM cinemas.
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

