Elmo Magalona welcomes comparison to late dad, Francis M

Bong Godinez
Thursday, August 12, 2010 @ 04:59PM  |  70 views

 

Pilyang Kerubin mainstay Elmo Magalona admits feeling nervous when it comes to criticisms about his work both as actor and singer. "Pero kung sa tingin ko tama 'yong ginagawa ko at nakakabuti naman sa akin at sa family ko, okay naman ako," the son of the late OPM icon Francis M tells PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Photo By: Noel Orsal













Malaki ang naitulong ng Pilyang Kerubin para tumaas ang kumpiyansa ni Elmo Magalona pagdating sa kanyang kakayahan sa pag-arte.

Nagsilbing launching vehicle kasi ni Elmo ang nasabing primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. June 7, 2010 nang mag-debut ang show sa ere, at itong darating na August 27 ay mamamaalam na si Charity (Barbie's character) sa mga masugid nitong tagasubaybay.

"May feeling na I'm accomplishing something because of their [fans and viewers] comments na nag-improve ako when it comes to my acting. It shows na nade-develop ako not just as an actor but as a person. I'm learning a lot from the people around me, marami akong natutunan sa kanila," masayang pahayag ni Elmo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters nang bisitahin namin ang set ng Pilyang Kerubin kahapon, August 11, sa Manila Zoo.

MAKING HIS OWN NAME. Masuwerte si Elmo dahil bagamat baguhan pa lamang sa showbiz ay nabigyan na agad siya ng GMA-7 ng isa pang proyekto. Kasama ang batang aktor sa cast ng comedy sitcom na Kaya Ng Powers, kung saan kasama niya sina Joey Marquez, Rhian Ramos, Sheena Halili, at Rufa Mae Quinto.

Sa ngayon daw ay hindi muna iniisip ni Elmo kung saan niya gusto mag-concentrate bilang isang aktor. Maganda nga naman siyempre kung masubukan niya ang iba't ibang karakter para mapalawak din ang kanyang range sa pag-arte.

Wala rin naman daw dahilan para maikumpara siya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Maxene Magalona. Sa kasalukuyan ay napapanood si Maxene sa afternoon soap ng GMA-7 na Trudis Liit.

Paliwanag ni Elmo, "Kasi, parang mas iba 'yong route niya [Maxene]. Ako, parang iba 'yong forte ko. Kumbaga sa music, iba 'yong genre namin, so hindi puwedeng magtapat. Mas doon siya sa acting part, ako naman mas doon ako sa singing and acting."

At dahil kilala rin si Elmo bilang isang singer-rapper, hindi rin maiwasan na ikumpara siya sa kanyang namayapang ama na si Francis Magalona. Tanggap naman daw ni Elmo na madalas siyang maihambing sa kanyang tatay na itinuturing na isang OPM legend.

Pumanaw si Francis noong March 6, 2009 dahil sa sakit na leukemia. Ilan sa mga iniwan nitong tanyag na awitin ay ang "Mga Kababayan," "Girl Be Mine," "Meron Akong Ano!" "Mga Praning," "Three Stars & A Sun," at "Kaleidoscope World."

"Okay lang din sa akin na magkaroon ako ng sariling identity," sabi ni Elmo nang tanungin kung may balak ba siyang kumawala sa anino ng sikat na magulang.

Dagdag niya, "Pero kahit naman anong gawin ko, ganun pa din ang mangyayari kasi ginagawa ko 'yong rapping. E, pag sinabi mong rapping, sino ba ang maiisip mo? Francis M."

Natanong din si Elmo kung sa palagay ba niya ay papayagan siya ng kanyang ama na pasukin ang show business kung nabubuhay pa ito.

"Hindi ko rin po alam, e," sagot ni Elmo. "Gusto ko rin naman [pumasok sa showbiz] and hindi naman ako pinilit. Nabigyan ako ng offer and in-accept ko lang po."

IN LOVE AND WAR. Hiningi na rin namin ang opinyon ni Elmo kaugnay sa balitang nagtampo raw ang pamilya nila sa Sony Music Philippines dahil hindi sila nasabihan tungkol sa paglabas ng posthumous album ni Francis na may pamagat na In Love and War.

Ang nabanggit na album ay collaboration sa pagitan ni Francis at ng matalik nitong kaibigang si Ely Buendia, dating bokalista ng bandang Eraserheads. Matatandaang ginagawa ng dalawa ang proyekto noong nasa gitna si Francis ng kanyang chemotherapy.

1  2  Next »

Related Articles

26 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name