PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene Domingo on her success story: "I will not forget na hindi ko ito kinaya na mag-isa."

Uge: "Habang ganito nga ang nangyayari sa akin, yung mga kaibigan ko, lalong nagiging bastos sa akin!"
by Rose Garcia
Published Aug 13, 2010
"Kasi, ang isang bagay, kapag hindi natin kini-claim, paano ka magpapasalamat? Kung hindi mo ina-acknowledge ang blessing, papaano ka magpapasalamat? Kanino mo ia-address ang lahat ng mga biyayang ito kung hindi mo kinikilala?" says Eugene Domingo about claiming that she is now at the peak of her career.

Walang duda na umaalagwa nang husto ngayon ang career ng comedienne na si Eugene Domingo. Hindi lang sa pelikula siya nagbibida ngayon, kundi maging sa TV. Sa katunayan, siya ang title role sa bagong sitcom ng GMA-7 na JejeMom, na magsisimula nang umere bukas, August 14, pagkatapos ng Kaya ng Powers.

Bukod sa JejeMom ay napapanood pa rin si Uge, palayaw ni Eugene, sa stand-up comedy show na Comedy Bar at sa children's game show na Wachamakuliti ng GMA-7. Sa September naman ay magsisimula na rin ang show niya sa TV5 na Inday Wanda. Kasagsagan na rin ngayon ng promo para sa pelikula niyang Mamarazzi mula sa Regal Films.

VISIBILITY ON TV. Sa presscon ng JejeMom noong nakaraang linggo, may nagbiro kay Uge na tuwing bubuksan ang telebisyon ngayon ay siguradong nandoon ang komedyana at makikita araw-araw.

"Ay, hindi totoo 'yan!" pagkontra naman ni Uge. "Kasi, tuwing Friday lang naman ako napapanood sa Wachamakulit tuwing hapon. Napakaikli lang naman no'n, 30 minutes lang. Tapos itong comedy series namin, e, every Saturday lang, after ng Kaya ng Powers. Yung Comedy Bar naman, gabing-gabi na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tatlo lang naman yun. Yung dalawa pa, isang araw lang. So, hindi ako araw-araw nakikita. Siguro dahil yung plugging din naman ng aming JejeMom, e, araw-araw na nakikita. Pero sa totoo lang, kapag na-establish na lahat ng palabas, Saturday mo lang ako makikita."

JEJEMON. In character si Uge noong presscon ng JejeMom with matching cap pa that reminded the press of April Boy Regino. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Uge kung ganoon ba ang outfit ng mga jejemon, ang tawag sa mga kabataang may kakaibang lengguwahe sa cell-phone text at sa pananamit.

"Siguro hindi naman ganito," sabi niya. "Pero parang April Boy na may pagka-Geleen Eugenio ang outfit ko! Pero hindi, ito naman, kanya-kanya namang ano 'yan, e, taste ng pagbibihis ng jejemon. Basta ang importante, yung fashion nila, very colorful. Unafraid, fashionable, cute, cool.

"Di ba, kung minsan, parang ang boring na nating magdamit? Parang pare-pareho na lang tayong magdamit? Kaya natutuwa ako kapag nakakasuot ako ng makukulay na ganito. Ang kulit, e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COMEDY EQUALS UGE. Na-flatter naman si Uge nang may magsabi na sa Kapuso network, kapag sinabing "comedy," awtomatikong ang kasunod na nito ay "Eugene Domingo." Ibig sabihin, naging synonymous na ang pangalan niya sa comedy.

"Wow!" bulalas naman ni Uge. "Alam n'yo, hindi ko maintindihan kung gaanong pasasalamat ang nag-uumapaw sa puso ko. Kaya pala Kapuso, talagang may puso na nakikinig. Ngayon nga, naaalala ko kung paano nila prinisent sa akin ang JejeMom, nagdadalawang-isip pa ko.

"Kasi, parang wala na talaga akong maibigay na schedule. Pero sila, 'Sige, gawin mo.' Ako ay nagtiwala. Ako ay nagbigay ng panahon dahil alam ko na hindi ako pababayaan ng Kapuso, e. 'Eto nga, sa ipinakita nilang appreciation ngayon sa press launch, ako ay nagpapasalamat na tamang-tama ang mga pagod namin sa paggawa ng JejeMom, talagang nagpapasalamat ako."

AT THE PEAK OF HER CAREER. Siya ba mismo sa sarili niya ay puwede niyang masabi na nasa peak of her career na siya ngayon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yes, yes, kine-claim natin yun," sagot ng 40-year-old comedienne. "Kasi, ang isang bagay, kapag hindi natin kini-claim, paano ka magpapasalamat? Kung hindi mo ina-acknowledge ang blessing, papaano ka magpapasalamat? Kanino mo ia-address ang lahat ng mga biyayang ito kung hindi mo kinikilala?

"So, at this point of my career, tama ka. Kung tatawagin nating prime, lalong-lalo na sa TV career ko, lalo na sa paggawa ng pelikula, yes, I acknowledge, and I am very, very thankful, and I will not forget na hindi ko ito kinaya na mag-isa. Ang dami-raming tumulong, sumuporta, at gustong makisaya sa 'yo. Yun ang importante."

Na-imagine ba niya, especially during the start of her showbiz career, na maaabot niya ang ganitong estado ng kanyang career sa dami ng pinagdaanan niya?

"No, no..." sabi ni Uge. "Sa akin kasi, kung ano ang project na ibinigay, pagbubutihan ko. Hindi ko talaga inisip na isang araw yung parang ganoon na isang araw, gagawa ako ng comedy series. Ang iniisip ko lang palagi, kapag nakakapanood ako ng magagandang palabas, 'Ay, ang ganda naman ng ganyang palabas. Sana makasali ako sa ganyan.' Ganoon lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHANGES. Sa kasikatan niya ngayon, may nararamdaman ba siyang mga dati niyang kasama o kaibigan na parang yun naman ang unti-unting nawala sa buhay niya?

"Hindi, wala... Halos lahat ng mga kaibigan ko, wala. Dyusko, habang ganito nga ang nangyayari sa akin, yung mga kaibigan ko, lalong nagiging bastos sa akin!" natatawa niyang sabi. "Parang hindi kami naapektuhan ng ganito dahil yung mga kaibigan ko, nakakaintindi ng propesyon. Wala sa amin 'to, e. Kapag nagkita-kita na kami, para lang kaming normal na tao. Wala ito. Parang ang trabaho ay trabaho. Ang kaibigan ay kaibigan. Ang normal na tao, normal na tao."

Diretsahan din naming tinanong si Uge kung wala bang isa sa mga kaibigan o nakapaligid sa kanya ang nagsabi sa kanyang nagbago na siya?

"Wala. Siguro, ang pagbabago lang na sinasabi nila, 'Uy, parang gumaganda ka na!" biro niya.

O, baka naman "ang yaman-yaman" na niya?

"Ay, hindi uso sa amin yun. At saka yung yaman-yaman, parang biro-biro ko lang, kinagat naman ng lahat. Alangan naman kasi na sabihin ko na kapos na kapos ako ngayon, para namang hindi totoo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, gusto ko lang ipaliwanag, gusto ko lang i-share na kapag nagtatrabaho ka naman talaga nang mahusay at nag-iipon ka, naturalmente, aangat ka naman, di ba? Nagpapasalamat ka at ibinabahagi mo yun," saad ni Uge.

Pero naiisip ba niyang any time ay puwedeng mawala ang lahat ng ito o pansamantala lang din ang tinatamasa niyang kasikatan?

"Oh, yes," sambit niya. "Una, sinabi ko, kung meron man akong natutunan sa mga veteran actors na nakasama ko, like Ms. Gloria Romero, Ms. Maricel Soriano, Dolphy...lahat sila, ang unang ibubungad sa 'yo, 'Ingatan mo ang trabaho mo, mahalin mo ang trabaho mo. Kasi, mamahalin ka niyan habambuhay kahit matanda ka na. At ang kasikatan, natatapos. Lahat naman ng bagay, natatapos, e.'"

Pinaghahandaan ba niya ang time na yun?

"Pinaghahandaan natin yun," sagot ni Uge. "Pero siyempre, kapag hindi mo pa masyadong maramdaman, kapag sa tingin mo hindi na ako malalaos, ganyan-ganyan, ang pang-gising mo diyan, kapag nakita mo ang mas nauna pa sa 'yo, di ba, kung gaano sila kababang-loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya noong nakasama ko si Comedy King Dolphy, yung puso ko, nag-uumapaw sa pasasalamat. Hindi lang ako na-inspire kung hindi yung katotohanan, you will see in front of you na lahat tayo, tatanda. Pero kung tulad ka ni Dolphy na hindi ka nagbabago, hindi ka napapagod, hindi ka mawawala."

Read Next
Read More Stories About
Eugene Domingo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi, ang isang bagay, kapag hindi natin kini-claim, paano ka magpapasalamat? Kung hindi mo ina-acknowledge ang blessing, papaano ka magpapasalamat? Kanino mo ia-address ang lahat ng mga biyayang ito kung hindi mo kinikilala?" says Eugene Domingo about claiming that she is now at the peak of her career.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results