Bilang na bilang ni Carl Guevara ang regular shows na nagawa na niya magmula nang lumipat siya from ABS-CBN to GMA-7. Halos kalahating taon pa lang ang nakalilipas mula nang magdesisyon siya to move to Kapuso network last year, pero nakagawa na siya ng limang shows dito: SOP, Dear Friend: My Stalking Heart, The Last Prince, Pilyang Kerubin, at ang bagong sitcom na JejeMom.
At dito nga sa JejeMom ay magpapatawa naman siya.
"Nakaka-tatlong taping days na kami," banggit ni Carl sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong presscon ng JejeMom last week. "Noong unang taping namin, medyo nahiya ako. At saka ano, e, yung mga binibitawan ko kasing linya rito, isang barangay tanod na nagpupumilit na mag-English.
"Si Jennica [Garcia] kasi rito, nagtatrabaho sa call center. So, English siya nang English. Tapos ako, parang Bisaya na barangay tanod. So, minsan, may mga linya na kapag binabasa mo, nakakatawa. Pero parang kapag dineliver mo na, hindi nakakatawa, e."
Ayon pa kay Carl, mas relaxed na siya sa comedy ngayon.
"Yung ikatlong taping namin, kuwentuhan na nang kuwentuhan," banggit ng Be Bench winner. "At kapag eksena na, hindi ka puwedeng masapawan nila. Kailangan mong bitawan nang maganda. Kailangan mo talagang tapatan."
Hindi raw "jejemon" ang character niya sa JejeMom dahil si Eugene Domingo lang daw yun. Pero may encounter na siya sa tinatawag na "jejemon" dahil mismong driver daw niya ay ganoon ang style ng pagte-text.
Ang JejeMom ay magsisimula bukas, August 14, sa GMA-7 pagkatapos ng Kaya ng Powers.
JENNICA GARCIA. During the press conference of JejeMom, nagbiro si Jennica Garcia na crush niya raw si Carl. Pero biro naman namin kay Carl, wala kaming narinig na pagsegunda mula sa kanya. Bakit kaya?
"Sa totoo lang, maganda talaga si Jennica at isa sa mga crush ko 'yan," nakangiting sabi naman ni Carl.
Yung hindi ba niya pag-segunda sa sinabi ni Jennica ay dahil sa balitang may boyfriend na ang dalaga in real life, ang young actor na si Alwyn Uytingco?
"Oo naman, at saka siyempre, sa akin, kapag totoong buhay, respeto yun, e. Respeto ko na yun sa kanila. Kapag trabaho, trabaho lang," paliwanag ni Carl.
Hindi ba mahirap na ang ka-love team niya ay may nababalitang boyfriend in real life?
"Ay, hindi naman," sagot niya. "Kasi, sa akin, trabaho, trabaho. Yung pagkaka-crush ko naman kay Jennica, more on paghanga talaga. Kasi si Jennica, sa totoo lang, kapag kaeksena ko siya, nadadala ako sa eksena. Ibinibigay niya ang todo."






hehehe
ano ba pep?!
title palang quot;Carl Guevara respects screen partner Jennica Garcia's lovelifequot;
anung issue dun eh yan naman ang dapat! at dapat ginawa ni Mariane Rivera dati harhar