Dingdong Dantes "inspired" by Ogie Alcasid's announcement about his wedding with Regine Velasquez


 
"I'm just here to inspire, wala nang iba. Yun lang naman ang role ko, e, to inspire other people to do the same thing. Lahat naman tayo ay kailangang magtulungan. Hindi kailangang puro mga sarili lang natin ang iniisip natin," says Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes "inspired" by Ogie Alcasid's announcement about his wedding with Regine Velasquez

Mell T. Navarro

Rating

Nag-celebrate ng kanilang birthdays sa Party Pilipinas last Sunday, August 8, ang magkasintahang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kasabay nilang nag-celebrate sa show ang iba pang August celebrants na sina Iza Calzado, Mark Bautista, at Enzo Pineda.

 

Dingdong turned 30 last August 2, while Marian turned 26 last August 12.

 

Tradisyon na para sa magkasintahan ang i-celebrate ang kanilang mga kaarawan, kaya taun-taon ay masaya ang kanilang solid Dong-Yan fans dahil magkasama ang kanilang favorite love team, mula nang magkatrabaho sila noong 2007, celebrating this joint occasion.

 

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong sa GMA Studios noong araw ring 'yon, nabanggit ng guwapong aktor na pinaghandaan nila ang production numbers na ginawa nila ni Marian sa Party Pilipinas.

 

"Kanya-kanya kaming songs ni Marian. Basta ang gusto namin, yung mga songs, luma, pati yung mga sayaw... Nag-rehearsal talaga kami, minu-minuto talaga, para makuha nang tama," sabi niya.

 

Dagdag niya, "My birthday has always been special. Ang dami ko nang birthdays na isinelebreyt sa GMA, and each celebration is special and almost close to perfect. And ngayon, talagang masasabi kong perfect na. Salamat, siyempre, sa trust ng GMA, kaya ako nandito ay dahil sa kanila."

 

Since special ang buwan ng August sa kanila, mayroon pa bang dapat abangan ang kanilang fans na isa pang "special" event na mangyayari sa kanilang mga buhay?

 

"Well, depende naman, e. Lahat ng ginagawa namin, special. Like sa Party Pilipinas, madalas, hindi kami nagpe-perform. Pag nandun kami, espesyal para sa amin. Yung Endless Love, matagal kaming hindi nagsama. Siguro yung next na pagsasamahan namin ay magiging special ulit yun. Ang dami pa!" saad ng matinee idol.

 

Ano ba ang wala sila na gusto nilang magkaroon sa nakaraang birthdays nila ni Marian?

 

"Simple lang: ang manood ng sine!" bulalas ni Dingdong. "Ang huling napanood namin ay yung sa amin [You To Me Are Everything], e. Hindi kasi kami talaga nakakatiyempo ng oras dahil sa conflict ng mga schedule namin."

 

 Ano ang ginawa niya noong mismong birthday niya, August 2?

 

"Wala, dinner lang na gawa ni Marian, kasama ang family and mga kaibigan...some friends," aniya.

 

OGIE & REGINE WEDDING. That same day, August 8, sa Party Pilipinas, nag-announce si Ogie Alcasid na kanyang pakakasalan si Regine Velasquez bago matapos ang taong kasalukuyan. Ikinakilig ng lahat sa studio, maging ng maraming televiewers, ang announcement na ito ni Ogie.

 

Close friends nina Dingdong at Marian sina Regine at Ogie. Nagkasama pa nga ang dalawang pares sa abroad sa kanilang very successful concert tour sa U.S. at Canada early this year.

 

Going strong ang relasyong Dong-Yan at umaasa ang lahat ng kanilang supporters na sila ang magkakatuluyan in the end. Nakikita ba ni Dingdong na gano'n din ang mangyayari sa kanila ni Marian in the future—ang i-announce publicly na ikakasal na sila?

 

"You know," buwelo ni Dingdong, "I'm sure, hindi rin naman nila [Ogie and Regine] plinano ito noong panahong pinag-iisipan nilang gawin ito. So, siguro, what is important is, inspirasyon siguro sa amin yun.

 

"Ang ipinakita nila ay yung magandang asal at magandang example ng pagmamahal nila sa isa't isa, na ipinakita nila noong hapong yun sa ating lahat. Hindi lang siguro para sa amin, kundi para sa lahat na rin, na, you know, possible talaga siyang mangyari. And, kailangang gawin sa tamang pamamaraan. So, di ba? Everyone should be inspired."

 

INTERNATIONAL MOVIE. During Dingdong's birthday celebration on Party Pilipinas, pormal na ring ini-announce ang ginawang international movie ni Dingdong. Ito ay ang Dance of the Steel Bars na ginawa sa Cebu Provincial Jail.

 

Ito nga ang naging usap-usapang "secret" international film ni Dong, na ang sabi'y bawal ma-leak sa press noong ginagawa pa lamang ito ng aktor. Nakasaad kasi sa kanilang contract ang confidentiality clause muna—o bawal pang pag-usapan—dahil may proper timing o oras nga para sa announcement na yun. At ang tamang oras nga ay sa birthday celebration na yun ng isa sa top leading men ng Kapuso network.

 

Kasama ni Dingdong sa Dance of the Steel Bars ang Hollywood actor na si Patrick Bergin (co-star ni Julia Roberts sa Sleeping With the Enemy). Kinunan ito sa Cebu Provincial Jail, with directors Cesar Apolinario and Marnie Manicad.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  4  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
47 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement