PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes "inspired" by Ogie Alcasid's announcement about his wedding with Regine Velasquez

Dingdong considers his first international movie a new opportunity.
by Mell T. Navarro
Published Aug 13, 2010
"I'm just here to inspire, wala nang iba. Yun lang naman ang role ko, e, to inspire other people to do the same thing. Lahat naman tayo ay kailangang magtulungan. Hindi kailangang puro mga sarili lang natin ang iniisip natin," says Dingdong Dantes.

Nag-celebrate ng kanilang birthdays sa Party Pilipinas last Sunday, August 8, ang magkasintahang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kasabay nilang nag-celebrate sa show ang iba pang August celebrants na sina Iza Calzado, Mark Bautista, at Enzo Pineda.

Dingdong turned 30 last August 2, while Marian turned 26 last August 12.

Tradisyon na para sa magkasintahan ang i-celebrate ang kanilang mga kaarawan, kaya taun-taon ay masaya ang kanilang solid Dong-Yan fans dahil magkasama ang kanilang favorite love team, mula nang magkatrabaho sila noong 2007, celebrating this joint occasion.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong sa GMA Studios noong araw ring 'yon, nabanggit ng guwapong aktor na pinaghandaan nila ang production numbers na ginawa nila ni Marian sa Party Pilipinas.

"Kanya-kanya kaming songs ni Marian. Basta ang gusto namin, yung mga songs, luma, pati yung mga sayaw... Nag-rehearsal talaga kami, minu-minuto talaga, para makuha nang tama," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "My birthday has always been special. Ang dami ko nang birthdays na isinelebreyt sa GMA, and each celebration is special and almost close to perfect. And ngayon, talagang masasabi kong perfect na. Salamat, siyempre, sa trust ng GMA, kaya ako nandito ay dahil sa kanila."

Since special ang buwan ng August sa kanila, mayroon pa bang dapat abangan ang kanilang fans na isa pang "special" event na mangyayari sa kanilang mga buhay?

"Well, depende naman, e. Lahat ng ginagawa namin, special. Like sa Party Pilipinas, madalas, hindi kami nagpe-perform. Pag nandun kami, espesyal para sa amin. Yung Endless Love, matagal kaming hindi nagsama. Siguro yung next na pagsasamahan namin ay magiging special ulit yun. Ang dami pa!" saad ng matinee idol.

Ano ba ang wala sila na gusto nilang magkaroon sa nakaraang birthdays nila ni Marian?

"Simple lang: ang manood ng sine!" bulalas ni Dingdong. "Ang huling napanood namin ay yung sa amin [You To Me Are Everything], e. Hindi kasi kami talaga nakakatiyempo ng oras dahil sa conflict ng mga schedule namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang ginawa niya noong mismong birthday niya, August 2?

"Wala, dinner lang na gawa ni Marian, kasama ang family and mga kaibigan...some friends," aniya.

OGIE & REGINE WEDDING. That same day, August 8, sa Party Pilipinas, nag-announce si Ogie Alcasid na kanyang pakakasalan si Regine Velasquez bago matapos ang taong kasalukuyan. Ikinakilig ng lahat sa studio, maging ng maraming televiewers, ang announcement na ito ni Ogie.

Close friends nina Dingdong at Marian sina Regine at Ogie. Nagkasama pa nga ang dalawang pares sa abroad sa kanilang very successful concert tour sa U.S. at Canada early this year.

Going strong ang relasyong Dong-Yan at umaasa ang lahat ng kanilang supporters na sila ang magkakatuluyan in the end. Nakikita ba ni Dingdong na gano'n din ang mangyayari sa kanila ni Marian in the future—ang i-announce publicly na ikakasal na sila?

"You know," buwelo ni Dingdong, "I'm sure, hindi rin naman nila [Ogie and Regine] plinano ito noong panahong pinag-iisipan nilang gawin ito. So, siguro, what is important is, inspirasyon siguro sa amin yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang ipinakita nila ay yung magandang asal at magandang example ng pagmamahal nila sa isa't isa, na ipinakita nila noong hapong yun sa ating lahat. Hindi lang siguro para sa amin, kundi para sa lahat na rin, na, you know, possible talaga siyang mangyari. And, kailangang gawin sa tamang pamamaraan. So, di ba? Everyone should be inspired."

INTERNATIONAL MOVIE. During Dingdong's birthday celebration on Party Pilipinas, pormal na ring ini-announce ang ginawang international movie ni Dingdong. Ito ay ang Dance of the Steel Bars na ginawa sa Cebu Provincial Jail.

Ito nga ang naging usap-usapang "secret" international film ni Dong, na ang sabi'y bawal ma-leak sa press noong ginagawa pa lamang ito ng aktor. Nakasaad kasi sa kanilang contract ang confidentiality clause muna—o bawal pang pag-usapan—dahil may proper timing o oras nga para sa announcement na yun. At ang tamang oras nga ay sa birthday celebration na yun ng isa sa top leading men ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Dingdong sa Dance of the Steel Bars ang Hollywood actor na si Patrick Bergin (co-star ni Julia Roberts sa Sleeping With the Enemy). Kinunan ito sa Cebu Provincial Jail, with directors Cesar Apolinario and Marnie Manicad.

Ayon kay Dingdong, sa Dubai muna ipalalabas ang Dance of the Steel Bars at iikot ito sa iba't ibang bansa.

"Yeah, pero yung mga detalye, hindi pa puwede dahil hindi pa tapos ang movie... Ang plano, basta definitely, iso-showing muna ito sa Dubai. Then, sunud-sunod na 'yan. Wala pang specific date sa Dubai, pero inaayos pa kung kailan," sabi niya.

Nabanggit ni Dong sa kanyang speech sa Party Pilipinas na proud siya na i-represent ang Pinoy culture sa pamamagitan ng Dance of the Steel Bars. "Kasi, it will show kahit na papaano yung kung ano ang Pilipinas in the eyes of a foreigner, inside something in Cebu," sabi niya.

Ano ang espesyal sa international movie niyang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, ibang opportunity ito. Bago sa akin, sa mga ginagawa ko as a leading man [in movies]. Iba naman ang role ko dito sa mga ginagawa ko. Hindi siya romantic na romantic comedy o romantic drama na karaniwang mao-offer sa akin sa movies. Tapos, may pagka-truth dito and I'm so excited about it talaga," saad ni Dingdong.

Mismong ang Hollywood actor na si Patrick Bergin ay nagbigay rin ng VTR message kay Dong: "I'm very thankful. He's [Dingdong] good in his work. It's fun... He's a great actor. Go and see this movie when I come down. You're going to enjoy. It would be wonderful... I love you!"

PROUD OF THE MOVIE. Produced ng Marnie Manicad Productions at Portfolio Films International, ang concept ng Dance of the Steel Bars ay "Filipino culture through the eyes of a foreigner."

Ani Dingdong, "It's the chance na makagawa ako ng isang role aside from being a leading man, so talagang excited na akong mapanood nila ito. It's something about our Filipino culture through the eyes of a foreigner."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang excited, kundi proud din si Dingdong sa panibagong yugto ng career niyang ito—ang makagawa ng isang international film.

"Sabi ko nga, kung meron lang isang bagay na proud na proud ako, e, yung ma-represent ko kahit na papaano yung kultura natin, na makikita nila sa pelikula. Ang kaibahan nito, yun nga, hindi ako romantic dito. That's all I can say, e."

Tagalog o English ang dialogue ng characters?

"Mixed siya. Maiinitindihan ng lahat. Both. Maiinitindihan pa rin ng mga tao," sagot ng aktor.

Ayon kay Dong, pinag-isipan nila ng kanyang manager na si Perry Lansigan ang pagtanggap ng nasabing film offer ilang buwan na ang nakakaraan.

"Oo, siyempre. As long as isa siyang opportunity that will make me grow as an actor, siyempre, game ako diyan."

Kumusta ba ang makipagtrabaho sa isang foreigner actor?

"Okey, kasi talagang hot na hot lahat ng mga katrabaho ko na, you know, magkaroon kami ng isang magandang movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na sa dinami-rami ng Filipino lead actors ay siya ang na-consider ng film producers upang gampanan ang natatangi niyang role bilang dance instructor na makukulong.

"Marami rin namang Pinoy actors ang kasama dito," sabi ni Dong. "Ricky Davao is there, Mon Confiado, Joey Paras... Marami pa, e, baka hindi ko masabi lahat."

Nailihim daw ito sa press dahil nga sa contract stipulations?

"Sa lahat, actually, hindi lang sa press. Sa lahat talaga," pag-amin niya. "May contract, yeah, there's a certain period kasi talaga kung kailan puwedeng i-release."

YES PINOY. Bukod sa public launching ng Dance of the Steel Bars, masaya rin si Dingdong dahil during his birthday celebration sa Party Pilipinas ay ipinaalam din sa publiko ang mga kabutihang ginagawa ng kanyang Yes Pinoy Foundation (YPF).

Isang non-government organization ang YPF na itinatag ni Dingdong noong August 21, 2009—death anniversary ni Ninoy Aquino—upang magbigay ng educational scholarships sa mga nararapat tulungan na mga kabataang mahihirap .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilunsad ito last year sa Dantes' Peak birthday special ng aktor sa GMA-7. Umulan man o umaraw, walang nakapagpigil sa pag-abot nito ng kalinga sa mga nangangailangan ng tulong.

Sa Party Pilipinas ay nagbigay ng kanilang pledge of support via VTR messages para sa YPF sina Eugene Domingo, Direk Joyce Bernal, John Lapus, Richard Gomez, Lucy Torres-Gomez, at iba pa. Ganoon din ang representative ng Philippine Marines na sumusuporta sa advocacy ni Dingdong.

Mensahe ni Goma para kay Dingdong: "Madali siyang katrabaho. Masarap siyang kasama. Dingdong deserves lahat ng success na nakukuha niya ngayon, para sa kanya lahat yun."

Ayon naman kay Lucy, "I'm very happy na at your age, you're very young, namumuno ka na."

Sabi naman ni Kris, "Isang Dingdong Dantes na makakatulong sa ating bayan, magbibigay-inspirasyon sa ating kabataan. Handa siyang magbigay ng selfless service. In any way na kakailanganin mo na tumulong ako sa Yes Pinoy Foundation, o doon sa mga layunin mo na magbigay ng school books and school supplies, maaasahan mo ako doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang isa si Dingdong sa naging all-out ang campaign at endorsement sa ngayo'y Pangulo na ng Pilipinas na si Noynoy Aquino, kapatid ni Kris.

Masaya si Dong sa kanyang mga narinig sa VTR messages tungkol sa PYF.

"Nagpapasalamat talaga ako sa mga nagsalita sa VTR na yun. Pati yung mga tao behind it, nagsalita. I just guarantee all the supporters na that's not yet everything and marami pa ang kailangang makita diyan," pahayag niya.

Anong mga latest sa Yes Pinoy Foundation?

"Mag-a-announce kami sa August 21," pagbabalita niya. "May binubuo kami. We're fixing something that we will announce. Isa siyang event, wala pang detalye, pero magkakaroon na soon, wala pa ngayon."

Ano ang reaction niya sa message ni Kris na tipong kailangan siya ng bansa para magbigay-inspirasyon sa mga kabataang Pinoy?

"Lahat naman tayo, kailangan, e. Depende na lang kung sino ang tumutugon sa tawag na 'yon. And me, being in the position like this, na puwede naman, hindi naman masakit sa akin na magkawanggawa... In fact, lahat naman tayo puwedeng gawin yun, so, bakit hindi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay niya, ano ba ang puwede niyang gawin para sa mga kabataang Pinoy?

"Basically, I'm just here to inspire, wala nang iba. Yun lang naman ang role ko, e, to inspire other people to do the same thing. Lahat naman tayo ay kailangang magtulungan. Hindi kailangang puro mga sarili lang natin ang iniisip natin."

Ngayong Pangulo na ng bansa ang "manok" niya sa nakaraang May 2010 elections na si P-Noy, may mga offer o alok na ba sa kanya para sa anumang posisyon sa pamahalaan?

"Wala pa rin talaga ngayon," diretsong sagot ni Dingdong. "Tingnan natin, when the day comes, kung sakali man. But you know, whether or not may posisyon ka man o wala, ito naman ang parati kong sinasabi: we always have to be on our toes to serve itong Presidente na niluklok natin sa puwesto. Saka, talagang kailangang magkaisa na!"

Aminado si Dingdong na hindi niya napanood ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino dahil may trabaho siya, pero napanood naman niya ang ilang footages sa news on TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, nakita ko naman na if this is just one part, marami pa 'yan... Then again, yung panawagan niya sa private sector at sa government, that's where we will participate," sabi niya.

Lastly, ano ba ang birthday wish niya?

"Na bigyan ako ng strength na matupad lahat ng mga plano ko, kasi sobrang dami. So, siguro, I just need clarity of mind and strength. Yun lang. Siguro, magkaroon lang ng tamang direksiyon para matupad lahat yun," pagtatapos ni Dingdong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm just here to inspire, wala nang iba. Yun lang naman ang role ko, e, to inspire other people to do the same thing. Lahat naman tayo ay kailangang magtulungan. Hindi kailangang puro mga sarili lang natin ang iniisip natin," says Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results