news

Jiro Manio admits past mistakes and says it's not too late to change

by Rose Garcia posted on August 13, 2010  STATS: 19312 Views | 15 Comments

 

"Inamin ko naman po na medyo nakatikim ako ng konti. Pero, hindi naman po na umabot sa point na nalulong ako. Kasi, kahit paano, may mga nakakausap pa rin akong tao na tumutulong sa akin," says Jiro Manio about taking drugs.

Photo By: Ruel J. Mendoza

Malaki na ang ipinagbago ng award-winning teen star na si Jiro Manio. Kapansin-pansin ito nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin noong August 11 sa Manila Zoo.

Binuksan na ng 18-year-old actor sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak at the age of 16 mula sa dati niyang girlfriend na mas matanda sa kanya. (CLICK HERE to read related story.).

Hindi rin naman itinanggi ni Jiro na may mga project siya noon sa ABS-CBN na hindi niya nagawang maayos. Ngayong nasa GMA-7 na siya, feeling niya, second chance na niya ito sa showbiz.

"Kung sa nararamdaman ko po, ganoon pa rin po. Medyo may konting bigat. May konting masaya. May konting hirap. Kasi nga, nagkaroon ako ng problema sa mga projects ko sa ABS-CBN, hindi ko napupuntahan. Pero pagdating ko rito [sa GMA-7], sa Pilyang Kerubin, medyo nanibago nang konti. Medyo konting ano lang, nakalimutan ko konti yung ginagawa katulad dati, like acting workshops ko."

More than a year din daw kung hibernation mang matatawag ang pagkawala niya sa showbiz. Ang lolo at uncle daw niya ang tumulong sa kanya noong panahong nawala siya, nagkaroon ng anak, at medyo naligaw ng landas.

SINGLE FATHER. Nasa poder ni Jiro ang kanyang two-year-old daughter. Kaya ang tanong sa kanya, unusual yata ang set-up nila ng ina ng kanyang anak dahil kadalasan pag gano'ng edad ay nasa ina ang bata?

"From the start naman po, napag-usapan namin na sa akin po talaga ang baby kahit na anong mangyari. Kasi, medyo gipit din sa work ang mother niya. Tapos, ako naman, gusto ko na sa akin talaga. Magwo-work ako kahit papaano. Itutuloy ko pa rin. Tapos, yun nga, nabigyan po ako ng second chance ni Direk [Maryo J. de los Reyes, his manager], tapos napasok po ako sa Pilyang Kerubin. So, medyo nakaluwag po ng konti," lahad ni Jiro.

May effort ba ang mommy ng baby niya na kumustahin ang anak nila?

"Meron naman po kahit papaano. Text-text, kamusta. Pero hindi na rin ka-open."

Ayon pa sa teen actor, hindi pa naman niya masasabing tapos na kung anumang meron sa pagitan nila ng ina ng anak niya.

"Luwag lang muna," aniya.

LESSONS LEARNED. Sa lahat ng mga nangyari sa kanya sa murang edad, ano ang mga natutunan niyang lessons?

"Marami, especially yung sa labas, in public. Kasi, maraming mga questions, maraming mga issues. Yung mga tinatanong sa akin tungkol sa anak ko, sa drugs..." saad ng Magnifico star.

Nalulong nga ba siya sa drugs gaya ng mga lumalabas na mga balita noon?

"Inamin ko naman po na medyo nakatikim ako ng konti," sabi ni Jiro. "Pero, hindi naman po na umabot sa point na nalulong ako. Kasi, kahit paano, may mga nakakausap pa rin akong tao na tumutulong sa akin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  careermuna

    08/15/2010 | 06:28 PM
    iho,,inuna muna ang lovelife mo,,so,,now focus sa career at work at pag iipon para sainyo ng anak mo,,hardworking ka dapat at maging nice para kalugdan ka ng tao at ni god,,si god lang makakatulong sa buhay mo,nadapa ka at tumayo na may lakas bilang anak ng dyos,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  careermuna

    08/15/2010 | 04:04 PM
    payo lang,,choose real frens na gud influence sayo,iwasan ang mga babae at bagay na ikakasira mo,,bata kapa,as in!!!!sobra!!!kaloka ka!!at ang magandang relasyon s aanak mo ,pamilya at higit sa lahat sa DYOS.na syang nagbigay ng second chance..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  careermuna

    08/15/2010 | 04:01 PM
    magaling syang actor gaya ni COGIE DOMINGO,PATRICK GARCIA,,na nagpakawala o nasira sa life in some point of their lives,,.mahlaga now,mahlaga may natutunan na sya,,mahlaga nagbago na sya at nag matured na,,ang mali kapag umulit na na naman sya at nagpakasira ulit,di ko alam kung san pa sya pupulutin,,well payo ko iho-focus sa work,career at sana matapos mo din ang college,maging mabuting ama ka sa anak mo,so young,napakabata para sa ganitong responsiblidad,di kapa pweding mag asawa tlaga kase im sure sa hiwalayan din ang bagsak,.iho,sa pagkakataong ito,alam kong di ka dapat pamarisan ng tao sa nagawa mo,wala kang self control,nagkulang ng guidance,,sana this tym,makilala mo ng malalim ang dyos.mag aral ka ng bibliya at para tumatag ka,para sayo iyan at sa anak mo na sana mpalaki ng maayos,na may values,breeding at takot sa dyos,..REBORN JIRO!!san din maging role model kana sa mga tao nw,para mahalin ka nila ulit,iwasan ang mga bagay na ikakasira mo gaya ng babae at iba pa,,choose real frens tlaga,,na gud infl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  queen_lotus

    08/14/2010 | 11:32 AM
    Sorry typo error..Hi gorgeous! peace
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  queen_lotus

    08/14/2010 | 11:30 AM
    Korek Georgeous!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  gorgeous_aleck

    08/14/2010 | 11:26 AM
    nagwo-workshop na ngayon ang GMA talents. in fact, gumagaling ang talents nila. pansin ko sa mga programs nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • queen_lotus

    08/14/2010 | 11:25 AM
    Kodus to Direk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gladyzg

    08/14/2010 | 11:18 AM
    You can't work in ABS-CBN without the discipline and professionalism it imposes on all its talents.

    Jiro knows this, and the article shows how apologetic he is.

    Same goes with Claudine. She couldn't keep up with the professionalism and discipline ABS-CBN requires of her rumor has it she needed to lose pounds for 'Magkaribal' but she couldn't or wouldn't and the project cannot be delayed further so instead of coming off as unprofessional, she left for GMA.

    Funny how Jiro mentioned he doesn't have to go through acting workshops for the role in GMA. Very unlike the working environment and practices in ABS-CBN.

    Claudine also mentioned how disciplined ABS-CBN talents are compared to GMA in previous interviews.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • louise09

    08/14/2010 | 09:13 AM
    i'm sure sa huli babalik din to sa abs.sana bigyan cya ng magandang project sa gma.sayang yung oppportunity nya b4 sa abs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chrysia

    08/14/2010 | 08:14 AM
    gud luck jiro...ur one of my favorite actor...it's not too late...kaya lang may consequenses lng tlga..just be responsible n lang s anak mo..sana makabalik k ulit sa abs,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    08/14/2010 | 05:57 AM
    iyan ang napapala nang mga artistang nagiging matigas ang ulo at naging spoiled brat. akala kasi nila ay wala nang katapusan ang kasikatan nila. ang bata bata pa ay kung ano ano na ang naranasan. mabuti at hanggang maaga ay natauhan at nagising ka. sana nga ay hindi pa huli ang lahat sa iyo. ang mga ganito kasing mga bata hanggang di nadadapa ay hindi matatauhan. mag silbing aral sa lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • makiemak

    08/14/2010 | 12:15 AM
    Gi Jiro, tama yan..everyone has hope and chance to change,in fact if changing is concern there's no such thing as quot;too latequot;. Kailangan nga lang natin ang tulong ng Panginoon para magtagumpay tayo kasi we cannot do it on our own human endeavor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • satotoolangpo7

    08/13/2010 | 09:21 PM
    may talent ka....go go jiro...we support u
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • onetut

    08/13/2010 | 08:34 PM
    base sa mga interviews nung mga nanggaling sa kabila na naggma na, parang parehong lumalabas na may difference talaga sa paghahandle nila sa mga artista. like si claudine nung namention nya mga difference ng 2 network, sa abs, sobra silang humawak ng mga stars nila na parang super strict to the point na nadedicipline yung mga artist, ganon din sinasabi ni jiro na before nasanay sya na may taping na, pero may mga workshops pa na which is good kasi nahahasa yung mga artist, kaya siguro lumalabas na magaling din yung mga artist, pero happy itong mga nagtransfer sa gma kasi nagiging open na sila sa public, nakakapagexpress sila ng mga saloobin na walang nagbabawal na huwag mong sabihin ito or whatever. sana lang yung gma, dagdagan din nila mga workshops para lalong maging magaling yung mga exclusives nila. anyway, its for the good of the network na maging known na home of magagaling and happy artist.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chrisia

    08/13/2010 | 05:49 PM
    Go Jiro! your experience may guide you along your journey! One of the best actor in the making.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About