Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marian Rivera sa Trinoma Mall noong Miyerkules, August 11, sa taping ng Endless Love, isa sa mga napag-usapan namin ay tungkol sa gagawin niyang remake ng Maricel Soriano starrer, Super Inday and the Golden Bibe.
May pressure ba kay Marian ang paggawa nito?
"Actually noong una, oo! Kasi lahat ng tao na makarinig na gagawin ko ang Super Inday, although sobrang excited sila... siyempre parang nako-compare kay Ms. Maricel.
"Sabi ko talaga, hindi ako puwedeng ikumpara kay Ms. Maricel kasi tinitingala ko siya, e. Kumbaga, 'eto na siya, 'eto pa lang ako... Kaya hindi puwedeng i-term na pantayan kasi naniniwala pa rin ako na hindi ko siya mahihigitan," saad ni Marian.
MARICEL'S BLESSING. Patuloy pa niya, "Nakakatuwa yung mga interview niya na sinasabi niya... alam daw niya na kaya ko... Parang sabi yata niya na anak niya ako, 'tapos nakikita din niya yung sarili niya sa akin. So sabi ko, dun pa lang kukuha na ako ng lakas sa kanya, na may tiwala talaga siya na kaya kong gawin ang Super Inday.
"Nakakatuwa lang kasi para manggaling sa kanya na anak niya ako, di ba? Na parang basbas niya yun, e, na, 'Anak, kaya mo 'yan.' Ang laking bagay nun sa akin."
Hindi rin imposible na magkatrabaho sila ng Diamond Star sa isang project ng GMA-7.
"Sana!... Nanay ko siya 'tapos pareho kaming ano, mataray! Ha! Ha! Ha! O, di ba, ang ganda? Wala kaming effort! Ha! Ha! Ha!"
Nag-suggest kami kay Marian na bagay nilang gawin ang isang pelikula na parang Anak ni Waray. May pelikula noong 1984 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbidahan nina Maricel at ng yumaong aktres na si Ms. Nida Blanca (bilang mag-inang Waray) at nina Snooky Serna at Ms. Gloria Romero bilang mag-inang Biday.
Na-excite si Marian sa aming suhestiyon. "Maganda iyan, sige, sige!... Tarayan, wala kaming effort parehas... I-request nga natin iyon!"
Pero, pagdidipensa ni Marian sa mataray image ni Maricel, "Sa totoong buhay naman hindi naman siya ganun, e. Basta gusto ka niya, e. Parang katulad din na... hangga't hindi mo kilala ang isang tao, ang hirap mo naman i-judge, di ba? Ako rin mataray, e, iyon ang paniniwala nila, e, di fine, di ba?"
"Nahihiya nga ako sa kanya, parang gusto niyang itawag ko sa kanya Inay, ang tawag ko pa rin sa kanya Ms. Maricel... Lahat naman yata ng bakla gusto niya Inay [ang itawag], e parang sabi ko nahihiya akong tawaging Inay, parang naano ako. Kaya Ms. Maricel talaga."
NO NEED TO GET JEALOUS. Sa Endless Love, gumaganap na magkasintahan sina Bela Padilla bilang Yumi at Dingdong Dantes bilang Johnny. Kapag may eksenang sweet sina Bela at Dingdong ay nagseselos ba siya?
"E, ano ba ginagawa nila? Wala naman silang ginagawa. May kategorya ako, e, para pagselosan ang isang tao. Masyadong mataas ang standard ko... Pag nagselos ako, talagang may dahilan.
"Bakit, ganito ba? Ganito ba siya, nilalandi ba, malandi ba?... Alam mo yung ganun? E, nakikita ko naman hindi, e... at saka ang bata pa nun [ni Bela], ano ba?"






ang sakit talaga sa dib dib
pang best actress na talaga...
pati mga pinsan kong lalake maka dongyan na rin
gustong gusto nila ang endless love
kawawa ka nman ... kung may galit ka kay marian wag ka d2 sa article nya... bka magka mild stroke ka!
Ang pagiging frank ni Marian ay hindi ibig sabihin magaspang ang ugali.
Ang magaspang ang ugali ung nagbait baitan pero masama pala ang tunay na ugali
Nananaginip ata ang nagsabi nun hehehe.'
SMDC pa lang 20M ang binayad for 6 months na ads.
Grabe!!!!!!
ginagamit ka na naman para pasikatin ang artista ng gmaac
hay wala na silang ginawang matino
mabasa sana to ng mga walang magawa ng puro selos alam na ibalita