PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera relishes intense confrontation scenes with Endless Love villains

She can't wait for her character to meet boyfriend's "matapobre" mother played by Kuh Ledesma.
by Rommel R. Llanes
Published Aug 14, 2010
"Gusto ko yung mga ganung eksena, e. Meron nga kaming dalawa ni Nadine [Samonte], tinutulak niya ako, hindi niya ako maitulak. Sabi ko, 'Itulak mo ako, itulak mo ako!' Sabi niya, 'Sige itutulak kita, ha?' Ayan, kakatulak, nagkapasa ako," said Marian, proudly showing her bruised knee. "Ha! Ha! Ha! Wala iyon. Trabaho, di ba?"

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marian Rivera sa Trinoma Mall noong Miyerkules, August 11, sa taping ng Endless Love, isa sa mga napag-usapan namin ay tungkol sa gagawin niyang remake ng Maricel Soriano starrer, Super Inday and the Golden Bibe.

May pressure ba kay Marian ang paggawa nito?

"Actually noong una, oo! Kasi lahat ng tao na makarinig na gagawin ko ang Super Inday, although sobrang excited sila... siyempre parang nako-compare kay Ms. Maricel.

"Sabi ko talaga, hindi ako puwedeng ikumpara kay Ms. Maricel kasi tinitingala ko siya, e. Kumbaga, 'eto na siya, 'eto pa lang ako... Kaya hindi puwedeng i-term na pantayan kasi naniniwala pa rin ako na hindi ko siya mahihigitan," saad ni Marian.

MARICEL'S BLESSING. Patuloy pa niya, "Nakakatuwa yung mga interview niya na sinasabi niya... alam daw niya na kaya ko... Parang sabi yata niya na anak niya ako, 'tapos nakikita din niya yung sarili niya sa akin. So sabi ko, dun pa lang kukuha na ako ng lakas sa kanya, na may tiwala talaga siya na kaya kong gawin ang Super Inday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakatuwa lang kasi para manggaling sa kanya na anak niya ako, di ba? Na parang basbas niya yun, e, na, 'Anak, kaya mo 'yan.' Ang laking bagay nun sa akin."

Hindi rin imposible na magkatrabaho sila ng Diamond Star sa isang project ng GMA-7.

"Sana!... Nanay ko siya 'tapos pareho kaming ano, mataray! Ha! Ha! Ha! O, di ba, ang ganda? Wala kaming effort! Ha! Ha! Ha!"

Nag-suggest kami kay Marian na bagay nilang gawin ang isang pelikula na parang Anak ni Waray. May pelikula noong 1984 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbidahan nina Maricel at ng yumaong aktres na si Ms. Nida Blanca (bilang mag-inang Waray) at nina Snooky Serna at Ms. Gloria Romero bilang mag-inang Biday.

Na-excite si Marian sa aming suhestiyon. "Maganda iyan, sige, sige!... Tarayan, wala kaming effort parehas... I-request nga natin iyon!"

Pero, pagdidipensa ni Marian sa mataray image ni Maricel, "Sa totoong buhay naman hindi naman siya ganun, e. Basta gusto ka niya, e. Parang katulad din na... hangga't hindi mo kilala ang isang tao, ang hirap mo naman i-judge, di ba? Ako rin mataray, e, iyon ang paniniwala nila, e, di fine, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nahihiya nga ako sa kanya, parang gusto niyang itawag ko sa kanya Inay, ang tawag ko pa rin sa kanya Ms. Maricel... Lahat naman yata ng bakla gusto niya Inay [ang itawag], e parang sabi ko nahihiya akong tawaging Inay, parang naano ako. Kaya Ms. Maricel talaga."

NO NEED TO GET JEALOUS. Sa Endless Love, gumaganap na magkasintahan sina Bela Padilla bilang Yumi at Dingdong Dantes bilang Johnny. Kapag may eksenang sweet sina Bela at Dingdong ay nagseselos ba siya?

"E, ano ba ginagawa nila? Wala naman silang ginagawa. May kategorya ako, e, para pagselosan ang isang tao. Masyadong mataas ang standard ko... Pag nagselos ako, talagang may dahilan.

"Bakit, ganito ba? Ganito ba siya, nilalandi ba, malandi ba?... Alam mo yung ganun? E, nakikita ko naman hindi, e... at saka ang bata pa nun [ni Bela], ano ba?"

Kailan siya huling nagselos? "'Tagal na."

Hindi siya selosa?

"Hindi ko sinasabing hindi ako selosa. Ang hirap namang sabihing hindi ka selosa, di ba? Ikaw, yung boyfriend mo, may nanlalandi, nilalandi, 'tapos ganyan-ganyan, di ba? Depende pa rin sa sitwasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So, nagseselos pa rin siya, kahit papaano?

"Ano ka ba? May interview nga ako, sabi ko nga, 'Ano ba 'yan? Porke sinabi ko dati selosa ako, forever selosa na ako?' Wala nang isyu!" natatawang pahayag ng aktres.

Pero kapag si Dingdong na ang nagselos, kinikilig ba siya?

"Hindi! Ayoko ng problema, e, kaya hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ipagseselos niya. Aware ako sa ganun, kasi ganun din siya sa akin, so wala kaming magiging problema talaga.

"Kasi bakit kailangan mong kiligin kapag nagseselos yung partner mo? Ibig sabihin sinasaktan mo siya. Dapat nga gumawa ka ng way para hindi siya masaktan, e, di ba? Anong klaseng relationship yung, 'Pagseselosin ko ito para may kinikilig ako!' Ay hindi na uso yun! Dapat, di ba, maging aware ka, maging conscious ka sa mga dapat mong gawin?"

GETTING READY FOR MS. KUH. Sa Endless Love ay tampok si Ms. Kuh Ledesma bilang si Mrs. Tantoco, ang matapobreng ina ni Andrew (Dennis Trillo) na kasintahan ni Jenny (Marian).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman raw tensyonado si Marian sa paghaharapan nila ni Kuh.

"Excited nga ako, e. Once ko lang siya nakaeksena, yung parang nagpupunas ako ng floor 'tapos nagdaan siya. Nagdaan lang siya."

Isang matinding eksena ng pagtataray at panlalait sa kanya ng Pop Diva ang magiging unang eksena talaga ng dalawang aktres.

"Ang ganda ng eksena namin, kasi ipinakilala ako ni Andrew na ako yung girlfriend niya, 'tapos mamata-matahin niya ako."

Sabi pa ni Marian, "Gusto ko nga yung mga ganung eksena, e. Meron nga kaming dalawa ni Nadine [Samonte bilang Shirley], tinutulak niya ako, hindi niya ako maitulak. Sabi ko, 'Itulak mo ako, itulak mo ako!'... Sabi niya, 'Sige itutulak kita, ha?'

"Ayan, kakatulak, nagkapasa ako," sabay pagpapakita sa amin ni Marian ng pasa niya sa may tuhod. "Ha! Ha! Ha! Di ba, wala iyon, e, trabaho, e, di ba?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto ko yung mga ganung eksena, e. Meron nga kaming dalawa ni Nadine [Samonte], tinutulak niya ako, hindi niya ako maitulak. Sabi ko, 'Itulak mo ako, itulak mo ako!' Sabi niya, 'Sige itutulak kita, ha?' Ayan, kakatulak, nagkapasa ako," said Marian, proudly showing her bruised knee. "Ha! Ha! Ha! Wala iyon. Trabaho, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results