DEFENDING HIS MOTHER. Samantala, bilang depensa naman sa mga naging pahayag na kanyang ina na si Mrs. Anni Yap kamakailan sa isang TV interview, sinabi ni James na wala itong masamang nabanggit laban kay Kris. (CLICK HERE to read related article.)
"Wala namang sinabing masama ang mama ko, e. Kahit paulit-ulit na panoorin mo 'yon, wala," sabi ni James.
Ayon kay James, hindi niya alam na nagpaunlak ng panayam ang kanyang ina sa Showbiz Central. Gayunman, para sa basketbolista, "Kaya lang naman nagsalita ang mom ko, siyempre, as a mother, talagang nasasaktan din naman siya. Nag-react lang siya sa lahat ng mga sinasabi ni Kris."
Kaugnay nito, pinatototohanan ni James ang pahayag ng kanyang ina na noong una ay hindi siya boto kay Kris para kay James. "Hindi siya boto dahil kung saan ang pinanggalingan namin. Di ba, mahirap lang kami, magkaiba kami. Naging okay naman dahil minahal ko rin naman talaga si Kris, so naging okay kami," sabi ni James.
Alam din ba ni Kris na mayroon siyang nabuntis bago pa ang kanilang relasyon?
"Alam niya. Even before, sinabi ko na. Hindi ko itinago sa kanya, before kami maging kami," sagot ni James.
Inamin ni James na dahil sa mga pangyayari, hindi lamang siya ang nasasaktan. Aniya, "Ang family ko, to be honest, talagang nasasaktan din sila. Basta ang sinasabi lang nila, 'Nandito lang kami sa likod mo whatever happens, sumusuporta sa 'yo. At least, malakas naman ang loob ko sa family ko, mga kaibigan ko, lahat nandiyan para sa akin."
Nangako si James na mananatili siyang tahimik at hindi magbibigay ng anumang pahayag na maaaring makasakit sa kanyang asawa.
"Ever since naman, talagang quiet ako. Kahit anong pinag-awayan namin, talagang wala kayong naririnig sa akin," sabi ni James.






---
Naku may away pala dito dahil ka Kris and James.....India vs. Mystic
Hmmmmmmm isang pro Kris at isang against Kris....well kanino kaya ako kakampi.......... kung kayong dalawa na lang kaya ang magsama? O kaya I-threesome ninyo si Vicon.......Talbog...he he ehe
-----
It's Obvious that you did not get enough sleep over the IGIT issue, mag Jejemon ka na lang kaya, baka magets namin. Make sure you take ur high blood pressure med. b4 u get back to us. Baka matulyang kang maging Jejemonster... Breath...and s l o w to anger please. And most of all R E A D AND comprehend b4 making bad comments.
tahimik c James at madaldal c Kris, sino sa tingin nyo ang nagger sa loob ng bahay nila????obviously si K R I S ang sanay sumigay at gustong underin c james.
Kris Aquino-Yap
at pls lang Kris,wag mong ipagkait o ipaalis yang Yap sa name ni beybi James baka makarma ka pagdating ng araw.