May kaugnayan sa isyu ng hatian ng pera at ari-arian ang paglutang ng datos ng five-year income ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap.
Ito ang naging interpretasyon ni Atty. Lorna Kapunan, abugado ni James, nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang tanggapan kahapon ng tanghali, August 18, sa Philippine Stock Exchange building sa Ortigas Center, Pasig City.
Sa petition kasi na isinumite ng actress-television host sa Makati Family Court noong Agosto 9—kung saan hinihiling nitong ipawalang bisa ang kanilang kasal, o tinatawag na nullification of marriage—ay nakalakip ang isang dokumentong nagdedeklara ng kita nilang mag-asawa mula nang sila'y magsama noong 2005.
Nakasaad dito na si Kris ay kumita ng mahigit P300 million kumpara sa mahigit P20 million lamang na kinita ni James.
"There is probably an attempt here to show that she earns much more and therefore should get more of the properties. We had not made any statement yet on the properties, but James is thinking about it," sambit ni Atty. Kapunan.
Pagpapatuloy ng abugado: "But he is assuring Kris that all these rumors that he is demanding—meron na naman kaming narinig kahapon, hindi naman namin alam kung saan nanggagaling, na James daw is demanding P80 million from Kris. That's not true! We never made any demands for money and we never will. What James will file, when he's ready to file, is what is provided by law, which is that the properties be equally split."
Malaking usapin ang pera sa sitwasyong kinahaharap ngayon ng celebrity couple sa dahilang wala silang pinirmahang pre-nuptial agreement nang magdesisyong magpakasal noong July 10, 2005.
Ang pre-nuptial agreement ay legal contract na nagsasaad na nagkakasundo ang dalawang ikakasal na magkahiwalay ang kanilang mga ari-arian at walang karapatan ang isa't isa na makialam dito. Magkakaiba ang maaaring kondisyon na nakalagay sa isang pre-nuptial agreement, ngunit karaniwan ay clear division of money and properties ang pangunahing dahilan kung bakit ginagawa ito.
50/50 SHARING. Para kay Atty. Kapunan, sakop din ng usaping ito ang isa pang legal dispute ng mag-asawa ukol sa visitation rights ni James sa kanilang tatlong-taong-gulang na anak na si Baby James.
Nung Agosto 16 ay pormal na naghain si James ng Motion for Provisional Award of Visitation Rights sa Makati Regional Trial Court. (CLICK HERE to read related article.) Ang kinuha niyang abugado, si Lorna Kapunan, ay senior partner sa Kapunan Lotilla Flores Garcia and Castillo Law Offices. Kilala siya sa showbiz bilang abogado ni Hayden Kho.
Sinabi ng 28-year-old professional basketball player na July 30 pa nang huli niyang nakita ang anak. Matapos ang araw na 'yon, pinagbawalan na siya diumano ni Kris na bumisita at makita si Baby James.
Paliwanag ni Atty. Kapunan sa PEP: "It is sad that sometimes [in the] property issue, ang ginagamit na leverage, to get more or less property, are the children. We hope that's not the situation here. Property situation here is [that] ang regime of property is absolute community. In other words, what Kris and James had before their marriage, and what they acquired during the marriage, they share 50/50. It should be divided 50/50. That is the law."
BABY JAMES IS FOCUS NOW. Subalit nilinaw din agad ni Atty. Kapunan na, sa ngayon, hindi nakatuon ang atensyon ni James sa usapin ng pera at paghahati ng kanilang ari-arian. Mas prayoridad daw ng kanyang kliyente ang masigurong malaya niyang madadalaw at makakasama ang anak.
Itong darating na Linggo, August 22, ay nakatakdang lumipad si James patungong Estados Unidos para magbakasyon at magpahinga.
"He's very concerned and very hurt," paglalarawan ni Atty. Kapunan kay James. "If you heard him on TV, his focus right now is to be able to see Baby James because aalis 'yan, e. He's leaving for a scheduled two-week vacation on Sunday, so hinahabol namin 'yong visitation."





it remains to be seen how much money james wants. he is certainly entitled to half of their combined earnings, as long as he can take the stigma of taking money from kris. like it or not, it emasculates him in most pinoys' eyes.
GO GO GO James! ipaglaban mo ang karapatan mo!
P.S.
james, forget KA. she's nothin' but a piece of trash. fight for your rights. do not allow her to dictate you. she's been doin' that all along to you.
Gets ko ang point mo, pero di mo gets ang point ko. Regardless kung public figure o hindi ang mga anak or inanakan ni James, di ba dapat sa lahat ng anak kahit di na sa mga nanay nila niya ialay ang karangalan ng kanyang MVP award? Ang punto ko lang po, bakit kay Baby James lang? Parang siya lang ang anak. Ano naman ang kasalanan nung panganay niya. Dahil ba sa hindi sila public figure nung nanay niya di na kasali si panganay sa karangalang nakuha ni tatay? Anong masama sa pagbanggit niya sa panganay niya e sabi nga ni Aling Annie alam naman ito ni Kris at di na dapat ipakatago-tago. O baka naman kinahihiya niya? Nagtatanong lang po. Wag ka pong pikon.
different men pa at ang saya saya!