Actress-singer Lovi Poe and Ilocos Sur Governor Chavit Singson were photographed leaving the Tuen Wan law court in in Hong Kong after the arraignment of Ilocos Sur Representative Ronald Singson. The congressman has been allowed by a Hong Kong judge to post a HK$1-million bail after the lawmaker pleaded guilty to bringing cocaine into the former Crown Colony last July 11.

Photo: AP/AFP photo

Pinayagan ng Hong Kong Court na makapagpiyansa ng HK$1 million (o humigit-kumulang P5.7 million) si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, matapos siyang arestuhin noong Hulyo 11 sa Hong Kong International Airport dahil sa diumano'y drug trafficking. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa report ni Joseph Morong ng GMA News, pinagbigyan ng isang Hong Kong judge ang petisyon ng kampo ni Singson na makapagpiyansa siya nang lumabas sa pagsusuri ng government laboratory sa HK na 6.7 grams na lang ang kabuuang 26.1 grams ng cocaine na unang nahuli sa kongresista.

Kaya ang depensa ng kampo ni Singson ay "illegal possession of drugs" na lang imbes na "drug trafficking" ang ikaso sa kanya. Mas mababa kasi ang parusa sa illegal possession kumpara sa drug trafficking.

Bukod sa HK$1 million na piyansa ay inatasan ng korte ang kongresista na maglabas ng HK$500,000 (o P2.8 million) bilang surety bond, na manggagaling sa dalawang negosyante mula sa Hong Kong—sina Annie Shie at Derrick Wong—na mga kaibigan daw ni Ronald.

Ayon sa investorwords.com, ang isang surety bond ay "bond issued by an entity on behalf of a second party, guaranteeing that the second party will fulfill an obligation or series of obligations to a third party. In the event that the obligations are not met, the third party will recover its losses via the bond."

Ang arraignment ni Singson ay ni-reset para September 7.

Dumalo rin sa arraignment ni Ronald sa Hong Kong kaninang umaga ang kanyang amang si Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang nababalitang girlfriend ng kongresista na si Lovi Poe, para magbigay ng suporta.

Bagamat pinayagan siyang makapagpiyansa, hindi pa rin maaaring makauwi ng Pilipinas si Ronald. Pina-surrender ng Hong Kong court ang lahat ng travel documents niya upang matiyak na hindi siya makaalis ng bansa hangga't wala pang favorable final decision sa kaso niya.

Sa ilalim ng Hong Kong law, maaaring makulong si Ronald nang hanggang tatlong taon at kalahati kapag napatunayang guilty siya sa drug possession.