"I shouldn't admit weakness, but I'm falling apart because ending a marriage is hell."
Ito ang bahagi ng magkakasunod na tweets ni Kris Aquino sa kanyang Twitter account ngayong gabi, August 19. Ibinahagi ng TV host-actress sa Twitter ang kanyang saloobin tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa asawang si James Yap at ang pag-uusisa sa kanya ng kanilang three-year-old son na si Baby James o Bimby.
Sa unang tweet ni Kris ay inamin niyang "totally heartsick" at wala raw siyang tigil sa pag-iyak ngayong araw. Hindi rin siya nakasipot sa live episode ng Pilipinas, Win Na Win! kaninang hapon dahil may sakit siya.
Sabi ni Kris sa kanyang Twitter post: "Yes I was sick today, totally heartsick & crying nonstop. I shouldn't admit weakness, but I'm falling apart because ending a marriage is hell. Bimby gave me kleenex & asked what's wrong mom? I was honest & said mama & papa r fighting. Then he said wise words na super wake up call for me, u r brave mama ko. I asked him if he wanted his papa to come back to live w/ us & he said mama dito tayo (then he said name of condo where we live), papa ko sa other house pero friends tayo no more away-away."
Sa sumunod na tweet ni Kris ay sinabi niyang mag-o-offer siya ng "friendship" sa ama ng kanyang anak sa kanilang paghaharap sa korte bukas, August 20. Bukas ang unang araw ng hearing kaugnay ng petition ni Kris upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni James, two-time Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association. Nakasaad din sa petition ni Kris ang pagbabawal na makita ni James ang kanilang anak. (CLICK HERE to read related story.)
Aniya, "And so I face tomorrow's hearing w/ that intention, for bimby's sake, I'll offer friendship to his papa. Somebody text me, may angels tread before u sa path u'll go thru tomorrow. My angel baby james already did."
Bilang sagot naman sa inihaing petisyon ni Kris, humingi ang kampo ni James ng visitation rights para kay Baby James. (CLICK HERE to read related story.) Pero base sa ikatlong tweet ni Kris ay mukhang hindi na kailangang idaan pa sa korte ang kagustuhan ni James na makapiling ang anak.
Sabi ni Kris, "That is the truth in my heart & all that I feel. I know I failed as a wife & james also failed as a husband. But we still have a chance to succeed as parents. And our son deserves the best effort I can give. Di ko man nabigyan si bimby ng complete family, but I can still make sure he'll always feel the love of both his parents for him. Good night. Say a prayer for our hearing tomorrow."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
549 enrileme
And find someone who always be there for you and to your lovely kids.
Tama yun your still grieving kaya mahirap ang bounce back relationship.
At pumili ka ng classy at smart like your late wife kennely.
God Bless and more power for Makati.
I am a voter in Makati.
548 jaime66
547 artwork
546 jaime66
545 ynahkim
Boy: don't worry Kris ako bhala sau..control natin damage ng hair mo, lagay ko na sa akin pra mgkaron at humaba hair ko! bka mpunta skn c papa James!..hahahhaha
544 Janiska
543 pinaySG_18
542 spalin
541 lollipop2010
540 enrileme
I'm sure naiirita narin mga close friend mo.Di lang makapgsabi kasi di kanga nakinig sa magulang mo noon.
What more sa kanila?
539 lollipop2010
538 Janiska
ang sympathy ng mga tao na kay James. Hay Kris lulubog ka rin....
537 missPsycho
536 lollipop2010
535 Mirain
534 enrileme
Go home and rest.
Diba sabi mo you should priorities your family lalo at nag aaral na ang mga anak mo.Do it now..Stay home malayo sa intriga at makakasira ka kasi kay Pnoy..
I like you,but please stop bragging bb james for this issue.
Kaya nagagalit mga tao sayo kasi pati ba naman pag iyak mo broadcast????
Hay super ksp kana ba? mahiya ka sa mga kapatid mo at lalo na sa mga anak mo.
533 artwork
532 kfanalways
531 jyllas
530 ChristieMarie
more comments