"Bimby gave me kleenex & asked what's wrong mom? I was honest & said mama & papa r fighting. Then he said wise words na super wake up call for me, u r brave mama ko. I asked him if he wanted his papa to come back to live w/ us & he said mama dito tayo (then he said name of condo where we live), papa ko sa other house pero friends tayo no more away-away," says Kris Aquino on Twitter.

Photo: Noel Orsal

"I shouldn't admit weakness, but I'm falling apart because ending a marriage is hell."

Ito ang bahagi ng magkakasunod na tweets ni Kris Aquino sa kanyang Twitter account ngayong gabi, August 19. Ibinahagi ng TV host-actress sa Twitter ang kanyang saloobin tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa asawang si James Yap at ang pag-uusisa sa kanya ng kanilang three-year-old son na si Baby James o Bimby.

Sa unang tweet ni Kris ay inamin niyang "totally heartsick" at wala raw siyang tigil sa pag-iyak ngayong araw. Hindi rin siya nakasipot sa live episode ng Pilipinas, Win Na Win! kaninang hapon dahil may sakit siya.

Sabi ni Kris sa kanyang Twitter post: "Yes I was sick today, totally heartsick & crying nonstop. I shouldn't admit weakness, but I'm falling apart because ending a marriage is hell. Bimby gave me kleenex & asked what's wrong mom? I was honest & said mama & papa r fighting. Then he said wise words na super wake up call for me, u r brave mama ko. I asked him if he wanted his papa to come back to live w/ us & he said mama dito tayo (then he said name of condo where we live), papa ko sa other house pero friends tayo no more away-away."

Sa sumunod na tweet ni Kris ay sinabi niyang mag-o-offer siya ng "friendship" sa ama ng kanyang anak sa kanilang paghaharap sa korte bukas, August 20. Bukas ang unang araw ng hearing kaugnay ng petition ni Kris upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni James, two-time Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association. Nakasaad din sa petition ni Kris ang pagbabawal na makita ni James ang kanilang anak. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "And so I face tomorrow's hearing w/ that intention, for bimby's sake, I'll offer friendship to his papa. Somebody text me, may angels tread before u sa path u'll go thru tomorrow. My angel baby james already did."

Bilang sagot naman sa inihaing petisyon ni Kris, humingi ang kampo ni James ng visitation rights para kay Baby James. (CLICK HERE to read related story.) Pero base sa ikatlong tweet ni Kris ay mukhang hindi na kailangang idaan pa sa korte ang kagustuhan ni James na makapiling ang anak.

Sabi ni Kris, "That is the truth in my heart & all that I feel. I know I failed as a wife & james also failed as a husband. But we still have a chance to succeed as parents. And our son deserves the best effort I can give. Di ko man nabigyan si bimby ng complete family, but I can still make sure he'll always feel the love of both his parents for him. Good night. Say a prayer for our hearing tomorrow."