JC Tiuseco refuses to talk about rumored ex-girlfriend Maxene Magalona

Mark Angelo Ching
Friday, August 20, 2010 @ 11:59AM  |  59 views

 

JC Tiuseco details how he has changed since he won the first season of Survivor Philippines: "Siguro pagbabago mas ngayon, feeling ko mas naging responsible, yung responsibility mas malaki na. I mean, siyempre kailangan pag may work ka, punctual ka palagi, you take care of yourself, siyempre hindi ka puwedeng mag-a-absent-absent na lang basta-basta sa mga commmitments mo." 

Photo By: Noel Orsal













Tatlong beses itinanong ng PEP (Philippine Entetainment Portal) kay JC Tiuseco na iklaro ang mga issue niya tungkol sa napapabalitang breakup niya Maxene Magalona. Tatlong beses din itong tumanggi.

"Hindi, tahimik na ako," sagot nito habang nakangiti. Nakausap ng PEP and young actor and TV host sa launch ng One Naturales sa SM Makati kagabi, August 19.

Ayon kay JC, masaya na siya sa pagiging single at "workaholic."

"Single na ko ngayon," saad niya. "Masaya namang maging single, e. Actually ngayon I can comment na siguro workaholic ako ngayon. Kasi ngayon every day wini-wish ko na may work ako. Kasi pag wala akong work at nasa bahay lang ako, para akong magkakasakit. Parang iba yung feeling ko kapag nasa bahay at walang ginagawa. Gusto ko laging may work."

Malamang ito ay sa dahilang nararamdaman ni JC na maganda ang takbo ng career niya ngayon. Kasama siya sa cast ng early primetime series sa GMA-7 na Langit sa Piling Mo, at host din siya ng QTV show na X-Life.

Aniya, "Oo naman. Super happy. Kasi I couldn't ask for more, like, yun nga, sabi ko nga, hindi pa ko ganun katagal, tapos nabigyan na ko ng stable show. Wala na kong mahihiling."

Nakasanayan na rin raw ni JC ang showbiz.

"Actually, mas comfortable na ako ngayon mag-acting sa Langit sa Piling Mo. Kasi sa crew, mga ibang actors din sa Langit, sobrang bait talaga. Sabi nga nila, yung buong cast ng Langit sobrang bait talaga. So, wala akong masabi talaga. Madaling magtrabaho," pagpupuri niya. Ang mga kasali sa teleserye ay sina Heart Evangelista, Mark Herras, Katrina Halili, Daniel Matsunaga, at iba pa.


Ngunit nang tanungin siya ay nilinaw niyang nararamdaman niyang isa pa rin siyang newbie sa industriya.

"Oo naman, kasi one yar pa lang ako sa showbiz, so ang dami ko pang kailangan matutunan, ang dami ko pang hindi alam. Ang dami ko pang dapat pagdaanan," sabi niya.

SURVIVOR PHILIPPINES. Nakilala si JC bilang unang winner ng reality show na Survivor Philippines. Nabanggit nga ng aktor sa PEP na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay nais niyang sumali muli sa naturang reality show.

"Gusto ko. Sana. Oh well, pag if ever naman na pag sumali ako ulit sa Survivor, I won't expect na manalo na ulit. It's a good experience na makalaro ulit, tumira ulit sa island," he said.

PEP asked JC what he thinks of the upcoming celebrity season. Of the 18 castaways, JC thinks both Akihiro Sato and Solenn Heusaff have the biggest potential of taking home the million-peso prize.

"Hindi naman spoiler 'to," he said. "Feeling ko kasi, si Solenn ha, kasi I've worked with Solenn before sa Penshoppe [a clothing brand]. Sobrang ano siya, tahimik. Tapos, sobrang bait. Wala kang masabing masama about Solenn. She's a silent worker."

On Akihiro, JC said, "Aki's the same. A jolly person, friendly. Smile, smile lang siya 'di ba? He can easily make friends with anyone. Likable naman sa Aki. Tapos malakas, siyempre Brazilian jujitsu. So malaki ang chance niya na makaabot sa finals."

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name