Bea Alonzo on involvement in rumored breakup of Kim and Gerald: "Wala naman po akong ginagawa. Wala naman akong dapat ikabahala."

Rose Garcia
Friday, August 20, 2010 @ 02:01PM  |  227 views

 

"Sobrang nakakataba ng puso. Sabi ko nga, kung puwede ko lang i-record yun ng every moment, every word na sinabi niya, gagawin ko. Kasi siyempre, yung masabihan ka ng isang Lorna Tolentino na talagang tinitingala mo, sobra-sobra yung respeto mo, dun ka lang natuto, ang sarap ng pakiramdam. Para bang yung boss mo, may nasabing maganda sa 'yo," says Bea Alonzo about the good words of Lorna Tolentino about her.

Photo By: Noel Orsal













Puro papuri ang tinanggap ni Bea Alonzo mula sa kanyang co-star sa pelikulang Sa 'Yo Lamang na si Lorna Tolentino. Unang nagkasama ang dalawa sa teleserye ng ABS-CBN na Kay Tagal Kang Hinintay (2002 to 2003).

Sa presscon ng Sa 'Yo Lamang kahapon, August 19, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay sinabi ni Lorna na noon pa lang ay nakitaan na niya ng lalim sa pag-arte si Bea.

Ito naman ang naging reaksiyon Bea sa tinuran ng grandslam-winning actress: "Sobrang nakakataba ng puso. Sabi ko nga, kung puwede ko lang i-record yun ng every moment, every word na sinabi niya, gagawin ko. Kasi siyempre, yung masabihan ka ng isang Lorna Tolentino na talagang tinitingala mo, sobra-sobra yung respeto mo, dun ka lang natuto, ang sarap ng pakiramdam. Para bang yung boss mo, may nasabing maganda sa 'yo."

Sabi rin ni Lorna ay "fan" siya ng young actress. Ano ang masasabi niya rito?

"Fan?" tila hindi naman makapaniwalang sabi ni Bea. "Sa kanya lang po kami natuto. Sa kanya lang kami na-inspire dahil nga, noon pa man, noong nag-uumpisa pa lang kami, nakita ko kung paano ang totoong artist sa kanya."

Ang Sa 'Yo Lamang ay 17th anniversary presentation ng Star Cinema. Mula sa direksiyon ni Laurice Guillen. Tampok din dito sina Christopher de Leon, Diether Ocampo, Coco Martin, Zanjoe Marudo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Empress, Miles Ocampo, at Lauren Young.

Ipalalabas ang Sa 'Yo Lamang sa September 1.

GERALD-KIM RUMORED BREAKUP. Siyempre pa, hindi rin pinalagpas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang invited media ang pagkakataon na tanungin si Bea tungkol sa mga kinasasangkutan niyang isyu ngayon. Una na rito ang balitang siya diumano ang dahilan ng rumored breakup nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Ito ay sa kabila ng hindi naman umamin ni minsan ang dalawang ex-PBB Teen housemates na naging sila.

Kinumusta muna namin kay Bea ang lagay ng kanyang puso.

"Okay naman. Pero sa dami ng ginagawa ko ngayon, ito muna ang iniisip ko," nakangiti niyang sagot.

Bakit sila nali-link ni Gerald?

"Hindi ko rin po alam!" natatawa niyang sabi.

Aware daw si Bea na may mga nagagalit o "hate campaign" laban sa kanya ang fans ng tambalan nina Kim at Gerald. Pero ano ang reaksiyon niya rito?

"Siyempre, nakakalungkot," sagot ni Bea. "Sino ba naman ang hindi malulungkot kung maraming taong hindi ka gusto, di ba? Yun nga, ang sinasabi ko lang, wala naman po akong ginagawa. Wala naman akong dapat ikabahala."

Dagdag niya, "Sa point of view ko lang po, ha, ngayon po, nagtatrabaho po ako. Masaya ako sa ginagawa ko. Ang dami ko pong blessings. So, mas gusto ko pong mag-concentrate do'n."

1  2  Next »

Related Articles

165 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name