For the record, nanliligaw ba sa kanya si Gerald?
"Uy, bakit ako ang sasagot niyan, hindi naman ako..." bitin na sagot ni Bea, sabay pakiusap na huwag na lang pag-usapan sina Gerald at Kim.
Pero may basehan nga ba ang mga lumalabas o nabibintang sa kanya?
"Hindi ko po alam kung ano ang basehan nila..."
Hindi na natapos ni Bea ang sagot sa tanong dahil isang taga-Star Cinema ang sumingit at nagsabing wala raw sa posisyon ang young actress na sagutin ang mga tanong tungkol kina Gerald at Kim. Una, hindi raw involved ang young actress sa dalawa. Pangalawa, wala raw si Gerald sa pelikulang ipinu-promote ni Bea. Dagdag pa ng taga-Star Cinema, kung puwedeng tungkol sa Sa 'Yo Lamang ang pag-usapan.
ENCHONG DEE. Pagkatapos nito ay hindi na inusisa ng press si Bea tungkol kina Gerald at Kim. Bagkus ay tinanong na lang siya sa pagli-link sa kanila ng co-star niya sa Sa 'Yo Lamang at Magkaribal na si Enchong Dee.
Hindi nakadalo ng presscon si Enchong; naka-confine pa rin ito sa hospital dahil sa sakit na dengue. Inamin ni Bea na dinalaw na niya ang young actor sa hospital.
"Super kawawa ang hitsura niya. Galing po ako ng taping, naka-on-call ako sa Greenhills. E, nasa Cardinal [Santos Medical Center] siya. So, pinuntahan ko siya. Maga ang mata niya. May allergy rin siya sa gamot. Kawawa po... So, nahihirapan din kami sa schedule ng Magkaribal," lahad ni Bea.
Sinasabi raw ni Enchong na type na type niya si Bea, ano ang masasabi ng dalaga rito?
"Naku, magkaibigan po kaming matalik. Sobra!" mabilis na sagot ng young actress. "At saka, kapatid ko siya dito [Sa 'Yo Lamang]. Hindi naman po siguro crush. Sinasabi niya, 'ina-admire.' Palagi niyang sinasabi sa akin, 'May kapatid ka pa ba?' Ganoon lang si Enchong, pero magkaibigan kami."
May mga fans din daw ng love team nina Enchong at Erich Gonzalez na nagtatampo sa kanya. Ano ang masasabi ni Bea rito?
"Siyempre, naiintindihan ko naman yun. Kahit naman sa mga fans namin ni John Lloyd [Cruz], kapag may napapabalita, understandable kasi nagmamahal sila. So, yun siyempre, all I can do is to say kung ano talaga ang totoo at yung point of view ko. Hindi ko rin naman puwedeng sabihin sa kanila na huwag silang magalit sa akin or huwag nilang maramdaman ang nararamdaman nila. Basta ako, gusto kong mag-focus sa mga good things," saad ni Bea.






si kapamilya4ever yan sa ibang site na panutsa ni bea na k_b_t ng tomboy a.k.a. lilli chonin. k_b_t din yan ng pulis na may tb na wala ng ginawa kundi laitin si angel locsin....
pero sana mapanood ko sila Bea at Gerald kahit sa MMk lang ba...
KimErald fan aq..
pero nd nmn aq warfreak..
pero sna wg nting sbhan cla an KimErald ng msama..
cgurado aq..cna Kim at GE p rn s huli..
go Kimerald!!!!
Yung mga fans ni kim, palagi niyang nakakausap kaya sana lang ano pagsabihan niya na huminahon at marunong rumespeto sa ibang artista kung gusto siyang respetuhin ng ibang fans.
May article si Cristy Fermin tungkol kay kim na nagsasaad na si kim at umuusok sa selos pag may nalilink kay gerald ngunit dahil sa inaalagaang image, pinapaubaya na lang sa mga warfreak na mga fans.
Sa mga nangyayari, sabihin na nating questionable ang credibilidad ni CF, sa aking opinyon, di malayo ito sa katotohanan . Isang fan ni kim na rin ang nakapagsabi na nagkita sila ni kim at sinabi na ganito kaya umusok mga ilong nito.
Ang ginawa pa ng mga kimeralds ay magkalat sa twitter, itweet pa ang mga artista at may pa email email pa sa mga tabloid reporters. They vowed na pabagsakin si bea. Kay gerald naman, madami silang nacreate na videos sa youtube laban kay gerald.
Last HT tours, nakita ko yung mga pictures, wala namang masama kasi group pics naman ang mga yun. Ang hirap sa kimerals, ang galing gumawa ng kwento para lang masiraan ang ibang artista.