PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zanjoe Marudo is tired of answering questions about his breakup with Mariel Rodriguez

The actor-model still gets hurt by negative comments about Mariel.
by Rose Garcia
Published Aug 20, 2010
"Kasi, parang naka-move on na ho lahat. Ang dami na naming prinoblema, pero yung mga questions, gano'n pa rin. Hindi pa rin nakaka-move on. Hindi na ho tama. Hindi na ho maganda na magko-comment pa ako about do'n. Kung dati, e, hindi ako nagsasalita tungkol sa amin, ang pangit naman tingnan kung nagsasalita naman ako ngayon kung kailan tapos na," says Zanjoe Marudo on non-stop question about his breakup with Mariel Rodriguez.

Matagal nanahimik sina Zanjoe Marudo tungkol sa naging breakup nila ni Mariel Rodriguez noong June ng taong kasalukuyan. Kaya sa press conference ng Sa 'Yo Lamang, ang bagong movie ng Star Cinema kunsaan kasama sa cast si Zanjoe, ay sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters na tanungin at mapagsalita ang actor turned model tungkol dito at sa relasyon ngayon ni Mariel kay Robin Padilla.

Tinanong ng PEP si Zanjoe kung wala ba siyang naramdamang panghihinayang na kinailangang magtapos ang relasyon nila ni Mariel.

"Ako kasi, sa lahat ng bagay na ginagawa ko, sa lahat ng bagay na pinipili ko, handa ako lagi. Kumbaga, handa ako kung ano ang magiging mangyayari. At saka, kapag ako ang nagdedesisyon, pinag-iisipan kong mabuti," sagot ni Zanjoe.

Dagdag niya, kahit wala na sila ni Mariel ay hindi pa rin maiaalis na masaktan siya kung may pangit o negative na bagay siyang nalalaman o sinasabi tungkol sa kanyang ex-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, masakit na pinag-uusapan. At pangit yung mga sinasabi sa mga tao. Siyempre, naaapektuhan din ako dahil hindi naman siya iba sa akin, may pinagsamahan naman kami. So, kung ano ang mga naririnig kong pangit, siyempre, hindi rin ako natutuwa," saad niya.

ROBIN & MARIEL. Masaya ba siya kung anuman ang meron si Mariel ngayon with Robin?

"Paulit-ulit ko nang sinasagot 'yan," diin ni Zanjoe. "Oo, masaya ako para sa kanila. Masaya ako kung anuman ang meron sa kanila."

May lumabas na kesyo out of respect, plano pa raw sana siyang kausapin ni Robin noon para magpaalam na liligawan nga si Mariel. Pero ayon kay Zanjoe, "Wala naman siyang dapat ipagpaalam, ano ba kayo!" at sinundan niya ng tawa.

Mismong si Robin na ang nagsabing matagal na niyang gustong makausap si Zanjoe. Kung sakali, okay lang ba sa kanya?

"Walang problema sa akin. Kaya lang, wala namang pagkakataon na puwede kaming magkita or magkasama," sagot ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halata namang medyo nairita si Zanjoe nang sabihin sa kanya na parang hindi siya masyadong nasaktan sa breakup nila ni Mariel. Aniya, "Ayoko na pong magsalita tungkol sa... Kasi, parang naka-move on na ho lahat. Ang dami na naming prinoblema, pero yung mga questions, gano'n pa rin. Hindi pa rin nakaka-move on. Hindi na ho tama. Hindi na ho maganda na magko-comment pa ako about do'n. Kung dati, e, hindi ako nagsasalita tungkol sa amin, ang pangit naman tingnan kung nagsasalita naman ako ngayon kung kailan tapos na."

Dugtong pa niya, "Maging masaya na lang tayo sa lahat."

KRISTINE/CRISTINE. Sa ibang balita, natutuwa naman si Zanjoe sa magandang feedback para sa primetime series na pinagbibidahan nila ni Cristine Reyes, ang Kristine. Pero hindi makapaniwala ang model-actor na sinabi raw ni Cristine sa isang interview na "hinihintay" lang siya nito.

"Sabi niya? Kami kasi ni Cristine, nag-enjoy kami sa trabaho namin. Yung tandem namin, yung love team namin. So, yun, siguro ayaw muna naming pasukan ng kahit anong bagay. Ang sarap kasi ng feeling na may ginagawa kaming dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun naman sa soap, e, mag-nobyo at mag-nobya naman kami. So, ine-enjoy muna namin yung soap, yung trabaho. Gusto naming gawing tama, gusto naming gawing maganda para sa mga viewers."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi, parang naka-move on na ho lahat. Ang dami na naming prinoblema, pero yung mga questions, gano'n pa rin. Hindi pa rin nakaka-move on. Hindi na ho tama. Hindi na ho maganda na magko-comment pa ako about do'n. Kung dati, e, hindi ako nagsasalita tungkol sa amin, ang pangit naman tingnan kung nagsasalita naman ako ngayon kung kailan tapos na," says Zanjoe Marudo on non-stop question about his breakup with Mariel Rodriguez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results