Nakabalik na sa Pilipinas ang TV host at eventologist na si Tim Yap makaraang mawala ng isang linggo nang magpunta siya sa New York para sa ilang trabaho at bakasyon na rin. Kaagad din siyang nag-report kahapon, August 19, sa trabaho niya bilang host sa Q-11 showbiz program na Tweetbiz para patunayan na rin sa mga tao na hindi totoo ang napapabalitang tampuhan o awayan daw nila ng co-host niyang si Mr. Fu.
May pasalubong pang t-shirt at coffee mug si Tim para kay Mr. Fu at biruan nga nilang dalawa, para "magkape" na raw silang magkasama nang maging super close na sila. Nakunan pa ng litrato ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa na magkasama habang hawak ang kanilang coffee mugs.
NO TENSION WITH MR. FU. Nauna nang na-interview ng PEP si Mr. Fu tungkol sa kanilang tampuhan isyu. (CLICK HERE to read related story.) Kaya kahapon nga ay si Tim naman ang hiningan namin ng paglilinaw para once and for all ay matuldukan na ang isyung ito.
Kumusta ang muling pagkikita nila ni Mr. Fu matapos pumutok ang intrigang may tampuhan sila?
"Wala, e, di harapan. Gaya pa rin ng dati, okay kami. Walang naging tensiyon. Wala namang problema at all," sunud-sunod na sabi ni Tim. "Kasi nung nalaman ko kaagad yun, tinext ko na siya agad. Nag-explain na kaagad siya sa akin via text. And ako naman yung taong hindi mahirap explain-an.
"Sabi ko naman, 'Mr. Fu, alam ko where you're coming from. Your words were misquoted and your perceptions were twisted. Pero alam ko yung pinanggagalingan mo. Hindi ka naman ganyang klaseng tao na hindi mo naman ako ipu-put down para lang sa ikasisikat ng kung anumang pino-promote mo at that time.'"
Nagulat daw si Tim sa isyu dahil hindi niya alam kung paano ito nagsimula.
"Alam mo, hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling 'yang tungkol sa haka-haka, doubting our closeness," sabi niya. "Kasi ako, may sinabi sa akin si Gretchen [Barretto] dati, na when you're doing a show, mahirap maging close ang mga tao kasi parang lahat nandiyan lang and pagkatapos ng trabaho, they don't keep in touch.
"You know, ako, I beg to disagree. Para sa akin, pag kasama ko sa trabaho... Ang buhay ko puno ng trabaho. So, habang nagtatrabaho ako, gusto ko yung mga kasama ko, kaibigan ko talaga sila. Hindi ako yung tipo ng tao na porke nagtatrabaho tayo, hanggang dito lang yun. Dahil bago tayo mag-shoot, we share secrets with each other, we share moments with each other. Mismong pag nagtatrabaho tayo, magkasama tayo on-cam or off-cam, a moment with each other. And that's what friends share yung moment."
NOT COFFEE BUDDIES? Nagsalita rin si Tim tungkol sa hindi raw nila "pagkakape" na magkasama ni Mr. Fu.
"Hindi kailangang magkape para sa akin. Hindi kailangan na magkasama kayo pagkatapos. Dahil pagkatapos naman ng taping, marami naman akong iba pang ginagawang trabaho. Ganun ang buhay ko. Hindi naman kailangang gumimik magkasama para maging magkaibigan, di ba?
"Para sa akin, hindi yun ang basehan. Kasi hindi naman siya magimik, paano kami gigimik? Ako magimik ako, e, siya hindi naman gumigimik. Siya hindi nagkakape, ako hindi rin nagkakape. So paano, kami magkakape together?" natatawang sabi ni Tim.
Ano ang masasabi niya sa statement ni Mr. Fu na friends sila pero hindi sila super close friends?
"Actually, yun ang pagkakaiba siguro namin. Para sa akin, close kami, sa totoo lang."
So, na-hurt ba siya rito?






siguro maraming naiinsecure sa tweetbiz kaya merong naglalabas ng mga nega.
close or not close, basta ok on screen, GO!!!!