They first worked together in the year-long drama Kay Tagal Kitang Hinintay when Bea was just 13. The veteran actress was already impressed: "Bata pa lang siya noon, ewan ko kung natatandaan pa niya ang eksena. Minsan nagugulat ako. Yung pag-arte, teamwork na magkaeksena kayo. So, kung nararamdaman mo ang ibinibigay ng kapwa mo artista sa 'yo, si Bea, talagang parang buong-buo, ibibigay niya ang sarili sa eksena at mararamdaman mo yun."

 

Photo: Noel Orsal

Taong 2000 nang ilabas ng Star Cinema ang Tanging Yaman, ang last family-oriented picture na ginawa nila. Ngayon, 10 years later, balik-family movie ang Star Cinema with Sa 'Yo Lamang, kunsaan muli ring bumabalik sa big screen ang mahusay na aktres na si Lorna Tolentino.

Isang ina ang role ni Lorna dito at very thankful daw siya sa mga ganitong pelikulang nagagawa niya.

"Nagpapasalamat ako kasi mahirap naman na mga paatras yung mga ginagawa mo. Kailangan talaga kumbaga, nagpa-follow lang siya sa totoong edad ko. Hindi ko naman itinatago kung ano ang edad ko. Puwede ko naman silang maging anak na lahat. Wala namang problema sa akin yun.

"And since it's after five years at after three years, ngayon lang ulit ako nakagawa ng pelikula. Si Kuya Ricky Lee naman, after five years naman, ngayon lang din siya ulit sumulat ng pelikula. So, alam mo na nandoroon ang fire, yung passion, hunger to really do something great."

Alam naman ng publiko ang pinagdaanan ni Lorna, mula sa pagkakaroon ng malubhang sakit ng asawang si Rudy Fernandez hanggang sa pumanaw na ito. In a way, masasabi ba niyang nakaka-relate siya sa character niya sa pelikula, although ang pag-iwan sa kanya ng asawang ginagampanan ni Christopher de Leon ay hindi dahil nagkasakit ito kundi dahil nambabae?

"Maraming eksena na kung minsan, kapag nagbibigay sa amin ng instruction si Direk, nagagamit namin ang sarili naming ekperiyensa sa buhay. Maraming eksena na talagang masasabi ko na hinuhugutan ko yung talagang nakaraan ko.

"Yung mga trials at siguro lahat ng mga sakit, kasi kailangang lumabas 'yan dahil kung minsan, doon ko kailangang humugot sa isang particular na eksena."

BEA THEN AND NOW. Reunion ito para kina Lorna at Bea Alonzo, na gumaganap sa isa sa anak ni LT sa pelikula. Unang silang nagkasama sa Kay Tagal Kang Hinintay (2002-2003), ang Kapamilya teleserye kunsaan unang minahal ng manonood ang love team nina Bea at John Lloyd Cruz.

Giliw ngang sinabi ni LT tungkol kay Bea, "Dalaga na siya. Noong una kong nakasama si Bea, 13 siya... Siyempre, iba na ang usapan namin ngayon ni Bea, mas mature na at siguro, mas naging personal yung pagiging close namin ngayon ni Bea than before kasi nga, baby pa siya noon."

May na-recall pa si Lorna tungkol kay Bea, tungkol sa pagiging aktres naman nito.

Aniya, "Bata pa lang siya noon, ewan ko kung natatandaan pa niya ang eksena. Minsan nagugulat ako. Like yung pag-arte naman, teamwork na magkaeksena kayo.  So, kung nararamdaman mo ang ibinibigay ng kapwa mo artista sa 'yo, si Bea, talagang parang buong-buo, ibibigay niya ang sarili sa eksena at mararamdaman mo yun.

"So, malaking bagay na nagkakatulungan. Hindi lang yung pagiging generous niya as an actress, pero siyempre, malaking bagay rin sa aming mga artista na yung personal side, nalalaman mo and she's open now...

"Fan ako ni Bea. Baligtad," natatawa niyang sabi. "Kasi noong araw, napapanood ko yung mga pelikula nila ni John Lloyd. Dahil nga nakasama ko sila, talagang ganoon ako kainteresado sa kanilang dalawa. And I feel na sila naman talaga ang hahangaan mo ngayon na mga artista na nasa drama."