ABS-CBN issues statement refuting Willie Revillame's claims about  the network

Mark Angelo Ching
Saturday, August 21, 2010 @ 08:47PM  |  733 views

 

"Wala pong naging kasunduan ang management ng ABS-CBN at si Willie na babalik na siya sa Wowowee noong July 31. Ang suspensyon ni Willie ay matatapos po sa August 24 pa. Si Willie ang may gustong bumalik na siya sa Wowowee noong July 31. Ang totoo po, wala pang desisyon ang management noon," said ABS-CBN's senior vice president for TV entertainment production Linggit Tan on TV Patrol and SNN yesterday, August 20.

 

Photo By: Noel Orsal













Mariing pinabulaanan ng ABS-CBN ang ilang mga akusasyon ng TV host-comedian na si Willie Revillame laban sa network. Ito ay kaugnay sa pagkakatanggal ng noontime show ni Willie na Wowowee, na pinagharian din niya ng humigit-kumulang na limang taon sa nasabing network.

Sa isang sulat na nilabas ng ABS-CBN kahapon, August 20, na ini-report naman sa TV Patrol at SNN: Showbiz News Ngayon, isinaad ng network na walang katotohanan ang mga pahayag ni Willie na may malinaw na kasunduan na babalik siya sa Wowowee noong July 31, bago pa man matanggal ang naturang palabas sa ere.

Wala raw itong katotohanan dahil ang suspension ni Willie ay hanggang August 24 pa.

Ibinunyag din nito ang mga kondisyon ni Willie sa pagbabalik sa TV show, kasama na nga ang pagpapatanggal sa kanyang mga co-host na sina Mariel Rodriguez at Pokwang, at paghingi ng karampatang suweldo habang siya ay suspendido.

Ang nasabing sulat ay sagot umano sa isang sulat na ipinadala ni Willie kay Mr. Eugenio Lopez, chairman ng ABS-CBN, noong August 9 na nagpapahayag ng mga hinaing ni Willie sa mga naganap na pangyayari.

Matatandaang nag-"indefinite break" si Willie mula sa show noong May 24 matapos magbigay ng apology sa ABS-CBN para sa isang insidenteng naganap noong May 4, kung saan nagbanta ito sa ABS-CBN nang live on Wowowee na magre-resign sa show kung hindi tatanggalin sa network ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story)

Matapos ang nasabing "outburst" ay hindi na nakita si Willie sa Wowowee, hanggang sa mapalitan ang noontime show ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31. Inalok naman daw kay Willie ng isang weekly show ng ABS-CBN, kapalit ng Wowowee, subalit umugong ang bali-balitang ayaw raw nitong tanggapin ang offer.

Nagpa-presscon si Willie noong August 9 kung saan sinabi nito na "nagpapaalam" na ito sa ABS-CBN. Aniya, inasahan niyang nagkaroon na umano sila ng kasunduan ng ABS-CBN na babalik siya sa Wowowee noong July 31. Dagdag pa niya, ito raw ay pinarating umano sa kanya sa mga magkakasunod na meeting niya with ABS-CBN executives Ms. Linggit Tan and Ms. Charo Santos-Concio. (CLICK HERE to read related story)

Naglabas naman kaagad ang ABS-CBN noon ding August 9 ng statement na nagsasabing walang karapatan si Willie na ipawalang-bisa ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Si Willie raw ay "bound to ABS-CBN by contract until September 2011." (CLICK HERE to read related story)

ABS-CBN STATEMENT. Ngayon ay nagkaroon pa ng karagdagang pahayag ang ABS-CBN laban kay Willie Revillame.

Sa sulat na ini-report ni Mario Dumaual sa TV Patrol at SNN kagabi, August 20, sinabi ng ABS-CBN na hindi totoong nagkaroon ng kasunduan na babalik na si Willie sa Wowowee noong July 31.

Saad ng sulat, na ipinakita sa video ng report:

"Your letter dated 09 August 2010 addressed to Mr. Eugenio Lopez, Chairman and Chief Executive Office of our client, ABS-CBN Corporation ("ABS-CBN"), has been referred to the undersigned for reply.

"Regarding the allegations of fact in your letter, we wish to state the truth of the matter.

"There was never any agreement between ABS-CBN and yourself for you to return as Host of Wowowee on 31 July 2010."

1  2  Next »

Related Articles

338 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name