Chavit Singson cries "setup" in son's Hong Kong drug bust

Rose Garcia
Sunday, August 22, 2010 @ 02:13PM  |  14342 views

 

"Confirm na may nagsulsol dito, naglagay, at pagkatapos, pinahuli rin do'n. Isang bagay lang 'yan—pulitika, negosyo, or yung mga taong naiinggit sa kanya," says Ilocos Sur Governor Chavit Singson, who brought Lovi Poe (inset) to son Ronald Singson's (right) August 19 bail hearing in Hong Kong.

 

Photo By: Mark Pimentel (Ronald, Chavit) / Noel Orsal (Lovi)













Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang madakip si Ronald Singson sa Chek Lap Kok international airport sa Hong Kong nang makitaan ito ng 26 grams of cocaine sa kanyang mga gamit noong July 11.

Pinahintulutan na ang Ilocos Sur representative na makapag-bail ng HK$1 million, katumbas ng P5.7 million, noong Thursday, August 19.

Nakapanayam ng Startalk si Ronald sa Hong Kong, at ipinalabas ito kahapon, August 21.

Hinaing ng congressman, "Kailangan bang maging mahirap ako para mabigyan ng tamang hustisya? Nagulat din kami do'n sa amount."

Doon din sa bail hearing nagkaroon ng pagkakataon na magkita sina Ronald at ang sinasabing girlfriend na si Lovi Poe. Kasama si Lovi ng ama ni Ronald na si Luis "Chavit" Singson, ang gobernador ng Ilocos Sur.          

LOVI SHOWS SUPPORT. Nandoon daw si Lovi para ipakita ang kanyang suporta. "Kasi, ever since naman, he knows that naman, na nandito ako para suportahan siya," ang sabi ng aktres.

Sa umpisa pa nga ay akalang si Lovi ang sumigaw ng "Yes!" nang ma-grant ang bail ni Ronald at napagalitan tuloy ng judge. Pero agad namang nalaman na ang sumigaw pala ay isang nagngangalang Annie Shek, na isa sa dalawang Hong Kong residents na nag-secure ng cash surety bond para ma-release si Ronald sa kanilang custody.

Tungkol sa kasong kinasasangkutan niya ngayon, ang sabi ni Ronald: "Hayaan po nating umandar ang gulong ng hustisya dito sa Hong Kong. Mabuti naman po ang patakbo dito ng hustisya. Wala naman whitewash."

Umaasa ngayon ang kampo ni Ronald na posibleng maibaba ang kasong drug trafficking na unang isinampa sa kanya to drug possession, matapos lumabas sa laboratory test na 6.7 grams lang ang actual weight ng cocaine na nakumpiska sa kanya.

CHAVIT CRIES "SETUP." Suspetsa naman ng ama ni Ronald na si Governor Singson na baka na-set up ang kanyang anak.

"Tingin ko nga, e, parang sinet-up lang siya," sabi ni Singson na nakausap din ng Startalk habang ito'y nasa Hong Kong. "Ilang beses na akong pumupunta sa Hong Kong, wala namang sumisita. Para bang inabangan na lang siya ro'n, so, may possibility na may nag-set up. Either political or business 'to."

Confiscated ang mga travel documents ni Ronald, kaya kahit na nakapagpiyansa na siya ay mananatili pa rin siya sa Hong Kong. Sa September 7 ang susunod na hearing.

Ang sabi ng congressman tungkol sa kanyang release: "I can do anything except that to talk to witnesses of the prosecution. And, of course, not to leave Hong Kong. Hopefully, humihingi ako ng pasensiya. Unang-una sa lahat, sa pamilya ko. Lalong-lalo na sa aking ama."

Pahayag naman ni Chavit: "Yun ang consequence ng nangyari, so, bahala na kung ano ang mangyayari. Hintayin na lang sana nila na matapos ang kaso."

Sa Startalk pa rin kahapon, nakapanayam nang live ni Ricky Lo ang gobernador by phone pagkauwi nito sa Pilipinas.

1  2  Next »

Related Articles

42 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name