Aminado ang komedyana at TV host na si Pokwang na nagulat at nasaktan siya nang mabalitaan niya ang tungkol sa kagustuhan daw ni Willie Revillame na matanggal siya at si Mariel Rodriguez sa dating noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.
Ayon kasi sa interview ng ABS-CBN news kay Ms. Linggit Tan, senior vice president for entertainment TV ng Kapamilya network, ito raw ang isa sa demands ni Willie kung sakaling natuloy ang pagbalik nito sa Wowowee noong July 31. Gusto raw ng TV host na mawala na sa show sina Pokwang at Mariel sa gagawin nilang pagre-reformat. (CLICK HERE to read related story.)
Kahapon, August 22, sa live interview sa kanya ni Charlene Gonzalez sa The Buzz ay nag-react na si Pokwang sa naturang isyu. Hindi nga naiwasang maging emosyonal ni Pokwang sa interview na ito.
"Siyempre po nagulat ako. Kasi bilang ginagawa lang naman po namin yung trabaho. At saka sa dami po ng mas maliliit pa ang suweldo sa amin sa Wowowee, mas kailangan po nila ng trabaho talaga," malungkot na sabi ni Pokwang.
Sa tatlong taon nilang magkasama ni Willie sa Wowowee, bakit umabot sa ganito ang sitwasyon?
"Siguro dahil na rin po sa mga nasa paligid niya, pilit na pinaglalayo yung landas namin," sagot ng komedyana. "Ako, yung totoo lang, wala akong ano kay Kuya. Hindi po totoo na wala akong utang na loob, na ingrata ako. Marunong po akong tumanaw ng utang na loob. Kaya lang, kasi magsalita ako't hindi, isa lang ang magiging husga sa akin ng mga malapit sa kanya talaga.
"Pero nagpapasalamat po talaga ako sa lahat, lalung-lalo po sa ABS-CBN management. Salamat po at hindi n'yo kami pinabayaan. Dahil alam n'yo naman po na ginagawa lang po namin ang trabaho namin."
Sabi ni Pokwang, hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon ni Mariel na makipag-usap kay Willie nang lumabas ang statement na ito mula sa ABS-CBN executive. Pero ano ang gusto niyang sabihin kay Willie?
"Nagkasakitan tayo, nasaktan kita, nasaktan din ako sa mga nangyayari. Pasensiya na, Kuya. Pero isa lang talaga ang wish ko sa birthday ko [August 27] na mawala na lahat ng mga ito. Yun lang ang gusto ko talaga, yung makapag-move on na ako nang maayos, makapagtrabaho na ako nang maayos. Wala na akong maririnig na kung anu-anong paratang. Alam ko naman na napakaliit lang ng industriyang ito. One of these days magkakaharap din kami," saad ni Pokwang.
WILLIE'S TAMPO. Matagal nang may usap-usapan na gusto na raw talagang matanggal ni Willie sina Pokwang at Mariel sa Wowowee, lalo na nung sumuporta ang dalawang babaeng TV hosts sa kampanya noon ng ngayo'y Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino. Si Senator Manny Villar kasi ang sinuportahang presidential candidate ni Willie noong nakaraang May 10, 2o10 elections. Diumano'y dito nagsimula ang pagtatampo ni Willie sa kanila.
Nadagdagan daw ang tampo ni Willie nang sa isang interview ni Pokwang sa SNN (Showbiz News Ngayon) ay sinabi nitong kay Robin Padilla lang daw nila naramdaman na "babae" pala sila at trinato sila nito ng may "respeto." Si Robin kasi ang humalili pansamantala sa pagho-host sa Wowowee nang mawala si Willie. Bakit niya ba sinabi ito?
"Siguro dahil sa sobra-sobra na yung pananakit din sa akin talaga. Hindi mo rin naman ako masisisi siguro kung sa araw-araw ba naman na tirahin ka nang tirahin, tapos makakaramdam ka sa isang tao na talaga kinu-comfort ka, di ba?" paliwanag ni Pokwang.
INTRIGUES & NEGATIVE ARTICLES. Ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit siya tinitira ng ilang tao at may mga lumalabas na negative articles tungkol sa kanya?
"Ang alam ko, sa pagkakaalam ko talaga, sa pagkakatanda ko...wala akong ginawang masama sa kanila. Dun sa mga tumitira sa akin, wala akong ginawang masama sa inyo. Sa pagkakaalam ko nga po, nakatulong pa nga po ako kahit papaano sa kanila. Pero kung kinakailangan na tulungan ko pa rin sila sa darating na panahon, hindi ako magdadalawang-isip na tulungan pa rin sila," sagot ni Pokwang.
May nakarating sa The Buzz na may isang taong umutang ng malaki sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa nito nababayaran. Totoo ba ito o hindi?






aleckU44
August 24, 2010
17:43 PM
fyi only, a woman has no balls unless she is a shemale...bwahahaah
btw, why dont you start wearing pokeys fashion to your school, work or a night out or just hanging out with your frens sa kanto!
-----------
do you know the word IDIOM?
and why dont you start educating yourself about fashion..and arts-for you to understand that powkey are wearing those for arts' sake..
start now, coz u'r missing half of your life..
------------------------
guess what...? she doeant like you too...ohaaa???
-------------------
nagtext si pokwang, ewan nya din daw sayo. sino ka daw ba? hahaha
----------------------
natanong mo ba kung gusto ka nila? lol!
palitan na si willie! masyado siyang nawiwili!