Nagpakasal na ang aktres na si LJ Moreno sa basketball player na si Jimmy Alapag noong Huwebes, August 19.
Kahapon, August 22, ay ipinalabas sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz ang ilang exclusive footage ng kanilang kasal na kinunan ng correspondent ng programa na si Monet Lu.
Ang private at simple beach wedding ay ginanap sa Laguna Beach sa California. Dinaluhan ito ng mga pamilya at malalapit na mga kaibigan nina LJ at Jimmy, kabilang na ang kapatid ni LJ na si Francis Ricafort, na dati ring nag-artista sa Pilipinas. Isa sa close friends ni LJ na lumipad pa ng U.S. para dumalo sa kasal ay ang sexy actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto.
Matatandaang matapos ang apat na taong pagsasama, taong 2008 ay isang matinding pagsubok ang pinagdaanan nina LJ at Jimmy. Isang di-pagkakaintindihang humantong sa hiwalayan. Pero sadya yatang sila ang magkapalad dahil makalipas ang mahigit isang taon ay nagkabalikan sila at muling nagsimula ng isang relasyon na pinalalim at pinatatag ng kanilang mga pinagdaanan. Hanggang sa tuluyan na nga silang magpakasal.
Sa interview ni Monet kay LJ, sinabi ng aktres na naramdaman niyang si Jimmy talaga ang makakatuluyan niya.
"We've been together for such a long time and we broke up. And then we got back together, parang yun na, e. We both think na kami na. I'm glad that I waited this long, I know it's right and this is just meant to be. Baby, this is it, finally we are here. I'm gonna make our home a happy place to come home so you will always gonna want to come home and I promise to be a great mom to our kids, I love you," sabi ni LJ kasabay ng pangako niya kay Jimmy.
Masayang-masaya naman si Jimmy na nauwi rin sa kasalan ang pagsasama nila sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila.
Aniya, "I think in any relationship, there are always challenges but it made us stronger. I'm honored to have all our families and friends here to share the day with LJ and I."
Ang most recent project ni LJ as an actress ay ang Cinemalaya 2010 entry na The Leaving. Siya ang tinaguriang "Daredevil Chick" ng Pinoy Fear Factor ng ABS-CBN noong 2008.
Si Jimmy naman ay professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA). He currently plays as point guard for Talk 'N Text Tropang Texters. Pinarangalan siya bilang Rookie of the Year sa PBA noong 2003.