Pormal nang nagsampa ng reklamo sa korte ang TV host na si Willie Revillame laban sa ABS-CBN kaugnay ng pagkakatanggal niya at ng noontime show niyang Wowowee sa ere noong July 31.
Mahigit-kumulang P11.5 million ang hinihinging danyos-perwisyo ni Willie sa formal complaint na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong hapon ng Biyernes, August 20. Ngayong Lunes, August 23, ay nai-raffle na ang kaso sa sala ni Judge Luisito Co ng Branch 84, ayon sa lawyer ni Willie na si Atty. Leonard de Vera.
Sa pamamagitan ng nasabing formal complaint, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpawalang-bisa ng kontrata niya with ABS-CBN, na matatapos pa sa September 2011.
Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.
Ang nasabing kasunduan ay personal daw umanong ipinarating ng ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio (President) at Ms. Linggit Tan (SVP for entertainment TV) kay Willie sa ilang mga meeting. May mga dokumento raw na magpapatunay sa kasunduan, partikular umano ang job order ng ABS-CBN sa mga tauhan nito, tulad ng mga karpintero, para ihanda ang bagong set ng Wowowee bago mag-July 31.
Pero mariin namang pinabulaanan ng ABS-CBN sa isang statement noong August 20 na nagkaroon nga ng ganitong kasunduan. (CLICK HERE to read related story)
Sa kanyang isinampang reklamo, naglatag si Willie ng hindi bababa sa sampung halimbawa ng paglabag umano ng ABS-CBN sa kontrata. Kasama na rito ang pagsuspinde raw sa kanya ng ABS-CBN nang walang bayad, at ang pagbibigay sa kanya ng isang "pre-recorded" weekly TV program kapalit ng Wowowee.
Hinayaan din daw umano ng network ang ilang mga show nito na magbigay ng "hayagang paninira" sa pagkatao ni Willie. Pinuna rin ng TV host ang paglalagay umano sa kanya sa "probationary status," at sa pagtanggal ng oportunidad na siya'y kumita mula sa "in-show" advertisements.
Sinabi naman ni Willie na handa siyang isantabi ang isinampang reklamo kung magkakaroon sila ng ABS-CBN ng matiwasay na paghihiwalay ng landas.
Humigit-kumulang limang taon ding pinagharian ni Willie ang Wowowee sa ABS-CBN, bago ito napalitan ng Pilipinas, Win Na Win!, na hinu-host nina Kris Aquino at Robin Padilla.
Ang pagkawala ng Wowowee ay bunsod ng isang insidente kung saan nagkaroon ng "outburst" si Willie sa live episode ng Wowowee noong May 4. Pinagbantaan niya ang ABS-CBN na magre-resign siya mula sa show kung hindi aalisin sa network ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story.)
ABS-CBN STATEMENT. Kinunan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang ABS-CBN tungkol sa paghahain ng reklamo ni Willie laban sa kanila.
Ayon sa text message na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio sa PEP ngayong hapon, August 23, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kasong isinampa ni Willie. Agad daw silang magbibigay ng pahayag kapag nakuha na nila ang detalye ng kaso.
Pero diin ng ABS-CBN, "If it is about his contract with ABS-CBN, we would like to reiterate that Willie was the one who violated the behavioral provisions of his contract and thus has no right to have it unilaterally invalidated."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
503 sweet_chilli
kadabarkads
August 27, 2010
09:44 AM
ngayon lang ako napadpad dito nang mabasa ang article ni yabang boy. No, hopeless nutcase, este hopeless case na yang si sisa kaya di ko na papatulan. Umaarangkada nga. tingnan mo naman, true ka dyan kinakausap nga ang sarili. haha
502 Janiska
501 kadabarkads
sweet_chilli
August 26, 2010
18:35 PM
ikaw nang bahala dyan kay SISA, hahaha...hayan kinakausap uli ang sarili. Tuloy ang arangkada in the name of papi willie willie wanker.
500 kadabarkads
499 Janiska
498 Janiska
Kung ano man ang pinag po post jko dito, imagine binabasa nyo pala lahat? FYI mga teh, posts nyo di ko binabasa para di ako mainis bwahahahahaha.
Pakialam ko sa mga Posts nyo ako ewnjoy lang sa life ko na mang inis ng taga Kamuning at New York Cubao QC na hambogera masyado. Feelingera pa, akala mo kasing yaman ni willie. diskarte buloksin hehehehehehehe.... Pretenders, anyone?????????
497 sweet_chilli
486
indiahenretta
isama mo na rin si sisa aka janiska sa anger management mo kasi manang mana sa sinungaling nyang idol
496 indiahenretta
SUPER ang attitude mo!
Bigyan mo naman ako ng TIP kung papano ko hamunin or bigyan ng THREAT ang mga BOSS ko?
Sabagay HAPPY na rin ako kahit bagoong lang ang ulam ko. Ikaw hindi ka pa rin ba HAPPY kahit marami ka ng PERA and POWER?
YOU ARE SUCH A GOOD EXAMPLE.
I LOVE YOUR ANGER MANAGEMENT STYLE!
495 arawoh
Almost 50 ang panig sa ABS
23 lang ang panig kay Willie
Mga keber...
494 ChristieMarie
1 Call Direct tv to cancel TFC-check/done.
493 Janiska
492 lodomayan340
491 kadabarkads
Janiska
August 26, 2010
08:26 AM
grabe na itong pgka wild ni SISA, ang hilig pa sa hollywood ng hitad! hahaha....why not talk about hollywood gossip ba? lukring, yang gossip mo, knina pa yan naisingit sa today show that started 5.30. kaya late na iyang chismax mo dyan sa Payatas.
Nga pala yung di mo type na chismax, inde chismax yun, tv show yun. hahaha... Ang yabang nito eh hanggang cable lang pala, asus! kaloka talaga...
cge ilusyon lang muna sa hollywood and if you want, prove it na SISA ka nga - magwala ka dito, hahaha...cause i'll be watching NY yankees vs. blue jays in Toronto live via OneHD, cge lukring, kausapin mo ang sarili mo dito, hahaha...
490 Janiska
489 Janiska
Sagot ni Willie R.... I' ve been through HEAVEN wowowee.....
488 Janiska
487 Janiska
Local ka ng local di gumagana utak mo, nasa news na local lahat makikita mo. why not talk about hollywood gossips? BTW di ko type yang chismaks mo hehehehe...
Miley Cyrus at Liam Hemsworth nag split.
Demi Lovato at Joe Jonas nag split.
Selena Gomez at Nick Jonas nag split...
Lindsay Lohan kalalabas sa detention.
Timbaland Missing.... 911 call reported he cant be seen hahahaha.....
hayan willie mas dinaig ka ni Lindsay Lohan... bawat kembot news agad. i love LL.
486 Janiska
Mistress no. one Rachel Uncthel flaunts her Bikini body... Tiger hunting???? hang saya saya....
go go go willie.
485 kadabarkads
sino ba ang DELUSIONAL? mahilig ka ata dyan. andun sa tv ko o, si Kerri Anne wearing apple green showing Matt Preston's workout. nyahaha... si ateng na nanglalait ng lokal, wlang masabi. Gusto mo mag TMZ uli para may pambato ka na nmang hindi local?
484 kadabarkads
nilait mo pa yung panonood ko ng lokal, what's wrong with watching local? kwawa nman yung mga local correspondents dyan, laiterang feeling international, hahaha...
more comments