Pormal nang nagsampa ng reklamo sa korte ang TV host na si Willie Revillame laban sa ABS-CBN kaugnay ng pagkakatanggal niya at ng noontime show niyang Wowowee sa ere noong July 31.
Mahigit-kumulang P11.5 million ang hinihinging danyos-perwisyo ni Willie sa formal complaint na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong hapon ng Biyernes, August 20. Ngayong Lunes, August 23, ay nai-raffle na ang kaso sa sala ni Judge Luisito Co ng Branch 84, ayon sa lawyer ni Willie na si Atty. Leonard de Vera.
Sa pamamagitan ng nasabing formal complaint, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpawalang-bisa ng kontrata niya with ABS-CBN, na matatapos pa sa September 2011.
Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.
Ang nasabing kasunduan ay personal daw umanong ipinarating ng ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio (President) at Ms. Linggit Tan (SVP for entertainment TV) kay Willie sa ilang mga meeting. May mga dokumento raw na magpapatunay sa kasunduan, partikular umano ang job order ng ABS-CBN sa mga tauhan nito, tulad ng mga karpintero, para ihanda ang bagong set ng Wowowee bago mag-July 31.
Pero mariin namang pinabulaanan ng ABS-CBN sa isang statement noong August 20 na nagkaroon nga ng ganitong kasunduan. (CLICK HERE to read related story)
Sa kanyang isinampang reklamo, naglatag si Willie ng hindi bababa sa sampung halimbawa ng paglabag umano ng ABS-CBN sa kontrata. Kasama na rito ang pagsuspinde raw sa kanya ng ABS-CBN nang walang bayad, at ang pagbibigay sa kanya ng isang "pre-recorded" weekly TV program kapalit ng Wowowee.
Hinayaan din daw umano ng network ang ilang mga show nito na magbigay ng "hayagang paninira" sa pagkatao ni Willie. Pinuna rin ng TV host ang paglalagay umano sa kanya sa "probationary status," at sa pagtanggal ng oportunidad na siya'y kumita mula sa "in-show" advertisements.
Sinabi naman ni Willie na handa siyang isantabi ang isinampang reklamo kung magkakaroon sila ng ABS-CBN ng matiwasay na paghihiwalay ng landas.
Humigit-kumulang limang taon ding pinagharian ni Willie ang Wowowee sa ABS-CBN, bago ito napalitan ng Pilipinas, Win Na Win!, na hinu-host nina Kris Aquino at Robin Padilla.
Ang pagkawala ng Wowowee ay bunsod ng isang insidente kung saan nagkaroon ng "outburst" si Willie sa live episode ng Wowowee noong May 4. Pinagbantaan niya ang ABS-CBN na magre-resign siya mula sa show kung hindi aalisin sa network ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story.)
ABS-CBN STATEMENT. Kinunan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang ABS-CBN tungkol sa paghahain ng reklamo ni Willie laban sa kanila.
Ayon sa text message na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio sa PEP ngayong hapon, August 23, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kasong isinampa ni Willie. Agad daw silang magbibigay ng pahayag kapag nakuha na nila ang detalye ng kaso.
Pero diin ng ABS-CBN, "If it is about his contract with ABS-CBN, we would like to reiterate that Willie was the one who violated the behavioral provisions of his contract and thus has no right to have it unilaterally invalidated."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
143 pep_dropper
Sucaldito is like a point man, a hired killer. He was there to assasinate the show and Willie.
How about the contract? If a judge is too technical in dealing with cases he handled, and he didn't used his wisdom, all he tried might be erred in nature. There is no contract that is not bias, or impartial. A contract always one sided. Always benefited one party. ABS made the contract, therefore it is in their advantage, thus they are too proud and arrogant. BUt the court always see the motive behind the contract, especially the one who drafted it.
142 Dasani
Janiska
August 23, 2010
22:16 PM Abs cbn ang Nasawi!
willie r. ang nagwagi....
team willie gogogogo.........
---
lovely, iba talaga ang nagagawa ng 50 percent salary increase kay willie ano.mag post ka lang dito sa pep, may datung na galing kay willie. magkano ba per hour mo dito lovely.LOL!
141 pinay014
140 pinay014
139 Dasani
Janiska
August 23, 2010
22:14 PM Lovely ka jan. Bisaya yun eh di naman ako Bisaya lol.....
Fan ako ni willie kahit nung MTB days pa. Basta gusto ko syang host. yun lang.... atsus, ayaw ni Pokwang? di magsabunutan kami ng buhok sa kilikili hahahaha.... keber ko sa baklang yan.
---
lovely, wag ka ng mag deny.basta post ka lang ng post dito para may pakinabang ka kay willie.at least, may pamibili ka na ng gatas ng anak mo kahit wala kang work.
138 Janiska
willie r. ang nagwagi....
team willie gogogogo.........
137 Janiska
Fan ako ni willie kahit nung MTB days pa. Basta gusto ko syang host. yun lang.... atsus, ayaw ni Pokwang? di magsabunutan kami ng buhok sa kilikili hahahaha.... keber ko sa baklang yan.
136 usagurl
135 phrexxx
if indeed willie believes he is in the right position to terminate the contract, why initiate the filing of the case? hehehehhe it means he is not even sure if he can terminate the contract unilaterally. dahil if totoong siya ang may right to terminate, why not engaged directly in another contract with tv5? then let abs-cbn file the case/injuction then the court will decide. Hhehehe talagang siya mismo alanganin sa kanyang ginawa kaya inunahan na niya ang abs. anyway, abs can do counterclaim and file damages for millions because it was willie's actuation that brought trouble to wowowee's supposedly goog ratings and loss of millions of income...
134 purong_kapamilya
133 Dasani
Janiska
August 23, 2010
21:54 PM ay di ako si lovely.... si aprilyn ako bwahahahaha.... aka congratulations.....
In fernezzzzzzzzzzzz, idolet ko si congrats, ang sexy at ang kinis... sana ako sya hihihih....
go go go willie, congrats, aiko at lovely.... sana bumalik ang wow.... willie hahahaha..... willie pa rin ang nagwagi.... abs cbn ang nasawi!
---
hey lovely, ayaw ni mariel at pokwang ng ganyan.balita ko, ikaw daw ang isa sa mga dancers na sumusolsol kay willie.halaka, magtago na kayong tatlo ni aiko at aprilyn.LOL!
132 maridel_113
131 Dasani
Janiska
August 23, 2010
21:51 PM Ah ok, sa 2019.... kahit naka wheel chair bibilhin ko albums niya lahat no problem kasi idol ko sya bwahahahaha....
sori sa abs.... nasa kay willie ang simpatiya namin. Kasi kau sobrang mindali nyo ang pagtanggal sa wowowee kasi utos ni kris, nag second the motion si pokwang at mariel, naniwala kayo, akala nyo kaya na nilang buhatin ang show, ngayon dumausdos.... spaghetti pababa ng pababa hahahaha... kahit mga estudyante ngayon ayaw na sa pilipinas lose na lose..... sobrang pangit daw....
---
lovely, magkano ba sweldo mo at sa mga kasamahan mong dancers.tama ginawa mo, mag post ka ng mag post dito para ipagtanggol si willie yabang, para naman may silbi kayo.LOL!
130 fecatada
129 Janiska
In fernezzzzzzzzzzzz, idolet ko si congrats, ang sexy at ang kinis... sana ako sya hihihih....
go go go willie, congrats, aiko at lovely.... sana bumalik ang wow.... willie hahahaha..... willie pa rin ang nagwagi.... abs cbn ang nasawi!
128 maridel_113
127 Janiska
sori sa abs.... nasa kay willie ang simpatiya namin. Kasi kau sobrang mindali nyo ang pagtanggal sa wowowee kasi utos ni kris, nag second the motion si pokwang at mariel, naniwala kayo, akala nyo kaya na nilang buhatin ang show, ngayon dumausdos.... spaghetti pababa ng pababa hahahaha... kahit mga estudyante ngayon ayaw na sa pilipinas lose na lose..... sobrang pangit daw....
126 Dasani
Janiska
August 23, 2010
21:44 PM 112: Yuck anong klaseng comment yan? do you think walang mga fans si willie na kayang mag internet at ipagtanggol sya sa mga batikos na binabato ng abs cbn?
FYI, di ako dancer or alipores ni willie. The nerve naman nito na mambintang. Isang ordinaryong fan lang ako at idol ko si willie. bakit krimen ba yan?
---
lovely, ikaw ba yan.LOL!
125 maridel_113
124 Janiska
FYI, di ako dancer or alipores ni willie. The nerve naman nito na mambintang. Isang ordinaryong fan lang ako at idol ko si willie. bakit krimen ba yan?
more comments