Pormal nang nagsampa ng reklamo sa korte ang TV host na si Willie Revillame laban sa ABS-CBN kaugnay ng pagkakatanggal niya at ng noontime show niyang Wowowee sa ere noong July 31.
Mahigit-kumulang P11.5 million ang hinihinging danyos-perwisyo ni Willie sa formal complaint na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong hapon ng Biyernes, August 20. Ngayong Lunes, August 23, ay nai-raffle na ang kaso sa sala ni Judge Luisito Co ng Branch 84, ayon sa lawyer ni Willie na si Atty. Leonard de Vera.
Sa pamamagitan ng nasabing formal complaint, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpawalang-bisa ng kontrata niya with ABS-CBN, na matatapos pa sa September 2011.
Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.
Ang nasabing kasunduan ay personal daw umanong ipinarating ng ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio (President) at Ms. Linggit Tan (SVP for entertainment TV) kay Willie sa ilang mga meeting. May mga dokumento raw na magpapatunay sa kasunduan, partikular umano ang job order ng ABS-CBN sa mga tauhan nito, tulad ng mga karpintero, para ihanda ang bagong set ng Wowowee bago mag-July 31.
Pero mariin namang pinabulaanan ng ABS-CBN sa isang statement noong August 20 na nagkaroon nga ng ganitong kasunduan. (CLICK HERE to read related story)
Sa kanyang isinampang reklamo, naglatag si Willie ng hindi bababa sa sampung halimbawa ng paglabag umano ng ABS-CBN sa kontrata. Kasama na rito ang pagsuspinde raw sa kanya ng ABS-CBN nang walang bayad, at ang pagbibigay sa kanya ng isang "pre-recorded" weekly TV program kapalit ng Wowowee.
Hinayaan din daw umano ng network ang ilang mga show nito na magbigay ng "hayagang paninira" sa pagkatao ni Willie. Pinuna rin ng TV host ang paglalagay umano sa kanya sa "probationary status," at sa pagtanggal ng oportunidad na siya'y kumita mula sa "in-show" advertisements.
Sinabi naman ni Willie na handa siyang isantabi ang isinampang reklamo kung magkakaroon sila ng ABS-CBN ng matiwasay na paghihiwalay ng landas.
Humigit-kumulang limang taon ding pinagharian ni Willie ang Wowowee sa ABS-CBN, bago ito napalitan ng Pilipinas, Win Na Win!, na hinu-host nina Kris Aquino at Robin Padilla.
Ang pagkawala ng Wowowee ay bunsod ng isang insidente kung saan nagkaroon ng "outburst" si Willie sa live episode ng Wowowee noong May 4. Pinagbantaan niya ang ABS-CBN na magre-resign siya mula sa show kung hindi aalisin sa network ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story.)
ABS-CBN STATEMENT. Kinunan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang ABS-CBN tungkol sa paghahain ng reklamo ni Willie laban sa kanila.
Ayon sa text message na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio sa PEP ngayong hapon, August 23, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kasong isinampa ni Willie. Agad daw silang magbibigay ng pahayag kapag nakuha na nila ang detalye ng kaso.
Pero diin ng ABS-CBN, "If it is about his contract with ABS-CBN, we would like to reiterate that Willie was the one who violated the behavioral provisions of his contract and thus has no right to have it unilaterally invalidated."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
323 Janiska
si pokwang na lang kausapin mo teh.
322 drieme
321 Janiska
320 kadabarkads
Janiska
August 24, 2010
09:32 AM
see? you have nothing to say about the argument. What is your stand re my post na pinakialaman mo - behavioral provisions, work ethics, contract. lols...yun lang ba ang naintindihan mo sa mga sagot ko sa opinyon mo? hahaha... medyo na miscalculate ata kita. I thought you're smarter. Pero lumalabas ang pgka bopols eh. Except for the 'repost' stuff, you have nothing in ur coco shell? lols.
319 Janiska
318 homemaker
pag di sinibak si jobert? e bakit
gusto mo pa rin bumalik granting na
nagusap nga kayo ng mga executives ng
dos sa pagbabalik mo sa wowowee?
wow labo mo willie. wala ka ring isang
salita ano?
317 Janiska
kapamilya vs. kapamilya pla ang game ngayon. no wonder lumagpak sa ratings ang Pilipinas luz na luz valdez.
316 dorsantiago
315 Janiska
winner na winner si willie r.
daming bitter juice dito di matanggap na talo sila.
Naipanalo ni willie ang sarili sa Ultra stampede ito pa kaya?
Go willie, ipakita kay Goliath na kaya mo sila.
314 homemaker
kay willie. si willie kasi ayaw na ayaw
nyang mababatikos sya e siya naman tong
gawa ng gawa ng mga kabalbalan.
sino ba ang naghamon? di ba si willie?
i dont like jobert either pero agree
ako sa mga observations nya about
willie taking advantage of the poor.
313 Janiska
Nag back fire ang di magandang ginawa ng abs kay willie.
kahit ubusin nyo lahat ng media campaign against willie, di nyo sya matutumba kasi di na mauuto mga tao ngayon. Take the case of Pilipinas Luz na Luz valdez.... kaya sumemplang dahil di sinuportahan ng viewers. yun lang.
312 detective212
311 Janiska
310 eniv
309 Janiska
Magsama kau ni Krazy a. at Pokwang, Lose na Lose.
Sabi ni Jane Lynch ng GLEE.... Losers!!!! ngeeeeeeeee.....
308 detective212
307 preciosarosa
306 yanzee
gscele24
August 24, 2010
07:43 AM Nagpunta si Kris Aquino sa Malacanang, pinipilit si Pnoy magbigay ng State of the Nation Address... presidential order ACT 666, manood lahat ng tao ng PWNW kundi magmamarshall law si Kris kasama ni Pokwang lmao
----------------------------------------
ayusin mo yang comment mo wala ka na sa sarili mo pati palasyo dinamay mo pa. halata ka tuloy
305 ShuttleEndeavor
if I'm not mistaken, natalo rin sila sa kaso nila against Mel Tiangco at nagbayad sila ng 11M damages kay Mel
mukhang magbabayad ulit ang ABS ng 11M this time kay Willie naman, lolz
304 ShuttleEndeavor
kung nagsorry sana kaagad sya kay Willie sa paninira nya eh di sana aabot sa ganito, lugi na ang ABS sa PWNW, nademanda pa sila for 11M
kaso nagmatigas ang bakla eh samantalang wala naman syang naipapasok na milyones sa kaban ng ABS unlike Willie na gatasan ng ABS for 5 yrs
more comments