news

Willie Revillame asks Court to confirm cancellation of his contract with ABS-CBN

by Mark Angelo Ching posted on August 23, 2010  STATS: 57341 Views | 503 Comments

 

TV host Willie Revillame has filed a formal complaint against ABS-CBN in connection to the axing of his noontime show Wowowee. Revillame is asking the court for "judicial confirmation" to rescind his contract with ABS-CBN.

Photo By: Noel Orsal

Pormal nang nagsampa ng reklamo sa korte ang TV host na si Willie Revillame laban sa ABS-CBN kaugnay ng pagkakatanggal niya at ng noontime show niyang Wowowee sa ere noong July 31.

Mahigit-kumulang P11.5 million ang hinihinging danyos-perwisyo ni Willie sa formal complaint na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong hapon ng Biyernes, August 20. Ngayong Lunes, August 23, ay nai-raffle na ang kaso sa sala ni Judge Luisito Co ng Branch 84, ayon sa lawyer ni Willie na si Atty. Leonard de Vera.

Sa pamamagitan ng nasabing formal complaint, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpawalang-bisa ng kontrata niya with ABS-CBN, na matatapos pa sa September 2011.

Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.

Ang nasabing kasunduan ay personal daw umanong ipinarating ng ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio (President) at Ms. Linggit Tan (SVP for entertainment TV) kay Willie sa ilang mga meeting. May mga dokumento raw na magpapatunay sa kasunduan, partikular umano ang job order ng ABS-CBN sa mga tauhan nito, tulad ng mga karpintero, para ihanda ang bagong set ng Wowowee bago mag-July 31.

Pero mariin namang pinabulaanan ng ABS-CBN sa isang statement noong August 20 na nagkaroon nga ng ganitong kasunduan. (CLICK HERE to read related story)

Sa kanyang isinampang reklamo, naglatag si Willie ng hindi bababa sa sampung halimbawa ng paglabag umano ng ABS-CBN sa kontrata. Kasama na rito ang pagsuspinde raw sa kanya ng ABS-CBN nang walang bayad, at ang pagbibigay sa kanya ng isang "pre-recorded" weekly TV program kapalit ng Wowowee.

Hinayaan din daw umano ng network ang ilang mga show nito na magbigay ng "hayagang paninira" sa pagkatao ni Willie. Pinuna rin ng TV host ang paglalagay umano sa kanya sa "probationary status," at sa pagtanggal ng oportunidad na siya'y kumita mula sa "in-show" advertisements.

Sinabi naman ni Willie na handa siyang isantabi ang isinampang reklamo kung magkakaroon sila ng ABS-CBN ng matiwasay na paghihiwalay ng landas.

Humigit-kumulang limang taon ding pinagharian ni Willie ang Wowowee sa ABS-CBN, bago ito napalitan ng Pilipinas, Win Na Win!, na hinu-host nina Kris Aquino at Robin Padilla.

Ang pagkawala ng Wowowee ay bunsod ng isang insidente kung saan nagkaroon ng "outburst" si Willie sa live episode ng Wowowee noong May 4. Pinagbantaan niya ang ABS-CBN na magre-resign siya mula sa show kung hindi aalisin sa network ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story.)

ABS-CBN STATEMENT. Kinunan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang ABS-CBN tungkol sa paghahain ng reklamo ni Willie laban sa kanila.

Ayon sa text message na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio sa PEP ngayong hapon, August 23, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kasong isinampa ni Willie. Agad daw silang magbibigay ng pahayag kapag nakuha na nila ang detalye ng kaso.

Pero diin ng ABS-CBN, "If it is about his contract with ABS-CBN, we would like to reiterate that Willie was the one who violated the behavioral provisions of his contract and thus has no right to have it unilaterally invalidated."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

503 Comments

  • 163  gloriat

    08/24/2010 | 12:50 AM
    Carry on Willie. Will pray for you.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 162  Dasani

    08/24/2010 | 12:50 AM
    143
    Janiska
    August 23, 2010
    23:03 PM Alam na ni willie ang mangyayari after his filing.... so kung ano ang resulta, be it in his favor or not, at least he has the guts to call a spade a spade di tulad ng iba jan na takot bumangga sa pader.go willie.... we will support you. tutal nandyan na yan.
    ---
    tama ka lovely, dapat matapos na ito para naman magkaroon na kayo ng trabaho nila aiko, aprilyn, at mga kasamahan mong dancers sa tv5.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 161  Dasani

    08/24/2010 | 12:46 AM
    141
    Janiska
    August 23, 2010
    22:57 PM Dasani: nakakapikon ka na.... anong ebidensya mo na ako si lovely? wag kang ganyan....ganyan na ba kakitid utak ng mga bayarang hackers ng abs? pati posters dito na nakisimpatiya kay willie i demolish mo din? shut up.... wag mo akong gawing lovely at di ako sya. kung gusto ko magpost dito 24/7 wala ka ng keber dyan. Sarili ko ang pc na gamit ko at di ako bayaran tulad mo.
    ---
    owwss, nagalit si lovely.iba talaga pag na disclosed ang identity dito sa pep. as in super galit at in-denial para mapagtakpan ang kabulastugan.sayo ba talaga ang pc na yan. echoserang frog ka talaga lovely.for all we know,supply yan ni willie para makapag pep ka 24/7 aside sa per hour salary mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 160  kamagong05

    08/24/2010 | 12:43 AM
    143 Janiska:
    i agree with you. kahit pader puede masira or buwagin. kay willie kami.

    sa comments ng iba na marami hindi naka focus sa ISSUE... with everything has been said and done on both parties ... things like this end up in court. tagisan ng talino ng mga lawyers ang abangan natin. yun lang yun.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 159  2psinapod

    08/24/2010 | 12:36 AM
    Noong hamunin niya ang ABS-CBN na magre-resign siya kung hindi tanggalin si Sucaldito, at ang hindi niya pagbalik sa show, is a resignation in itself. Dapat niyang intindihin na his actions are IMPLIED at tinutoo niya ang salitang magre-resign siya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 158  ichigo510

    08/24/2010 | 12:06 AM
    poll question of the night:

    sino sa tingin niyo ang nag sisinungaling?

    A. willie
    B. ABS-CBN
    C. pareho

    i type lang ang letra ng sagot niyo at i post lang dito...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 157  aslesnah122204

    08/24/2010 | 12:04 AM
    ay salamat answered prayer din ang petition against Willie...wala na sya kaya pwde na bumalik uli mag TFC...bless ABS-CBN for hearing the plea of overseas and domestic viewers.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 156  phrexxx

    08/24/2010 | 12:00 AM
    matapos nalang ang sept 2011, hindi pa matapos ang kasong ito...okay din at least magkapera mga lawyers ninyo..hehehe

    willie is in bad faith. noon paman gusto na ni willie kumalas sa abs dahil tingin nya kaya na nayang magsarili at kalabanin ang abs sa show..GREED...gusto niyang magkaroon ng sariling network...in short he is following Oprah's footstep. hehhehe..kaya mga ginagawa niya were means so abs-cbn will terminate him..he should not benefit from this wrong doings...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 155  skyward

    08/23/2010 | 11:56 PM
    113
    AKOKAZE
    August 23, 2010
    21:26 PM
    kakalabanin ni willie ang isang giant network that fed him! tsk tsk san ang utang na loob???
    ------------------

    kakalabanin din ng abscbn ang isang willie na bumubuhay sa naghingalong station nila, hahahahaha!!! both parties.. gaaabaaaa.. tagam!..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 154  chocochoco

    08/23/2010 | 11:54 PM
    142
    mycomment
    August 23, 2010
    23:00 PM sna d mo n lang kc pinatulan c jobert, tignan mo 2loy...

    khit ano p, kaw ang mukhang msama. kinakagat mo ang kamay ng taong nagbangon s u. nsaan k b b4 wowowee? sna inayos nyo n lang ng abs imbes n hinamon mo sila on tv..

    ------------------------------------
    korek! lumingon ka sana willie sa pinanggalingan mo!

    btw - ano kya mssabi ni Joey D?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 153  gnotu

    08/23/2010 | 11:46 PM
    tama lang ang ginawa ni willie d mag initiate ang abs ng lawsuit kasi hinihintay nila matapos ang kontrak ni willie saka nila kakasuhan si willie ng breach of contract at mas malaki na damage ang hihilingin nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 152  jedraz

    08/23/2010 | 11:45 PM
    kapal ng muka ng willie n 2.. cge kapuso ipagtanggol nyo si willie.. kung gus2 nuo eh kunin nyo na...jan n xa magshow,..,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 151  lotion123

    08/23/2010 | 11:36 PM
    kapal talaga ng face! sya pa may ganang magfile ng complaint!!
    if itwasnt for him, abs wouldnt have lost millions of pesos with wowowees demise.
    kung lost of money rin lang pag ussapan..mas malaki ang sa abs at kagagawan un ni willie.
    i dunno what kind of air circulates around this mans mind..ka lukring mag isip..he has lost his touch with reality.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 150  phrexxx

    08/23/2010 | 11:27 PM
    itong mga nagcomment pro willie halatang mga taga gma na bitter. if i were you kunin nyo na si willie..ssa gma ka nalang wilie im sure magkapera more income ang gma sa iyo di bale na mawala si joey less income naman siya sa gma hehhehee
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 149  holly_heroes

    08/23/2010 | 11:07 PM
    Baka english yung usapan kaya di nagkaintindihan kung babalik sya sa July 31 o hindi?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 148  Janiska

    08/23/2010 | 11:03 PM
    Alam na ni willie ang mangyayari after his filing.... so kung ano ang resulta, be it in his favor or not, at least he has the guts to call a spade a spade di tulad ng iba jan na takot bumangga sa pader.

    go willie.... we will support you. tutal nandyan na yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 147  mycomment

    08/23/2010 | 11:00 PM
    sna d mo n lang kc pinatulan c jobert, tignan mo 2loy...

    khit ano p, kaw ang mukhang msama. kinakagat mo ang kamay ng taong nagbangon s u. nsaan k b b4 wowowee? sna inayos nyo n lang ng abs imbes n hinamon mo sila on tv..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 146  Janiska

    08/23/2010 | 10:57 PM
    Dasani: nakakapikon ka na.... anong ebidensya mo na ako si lovely? wag kang ganyan.... kung bayaran ka ng abs di tirahin mo si willie di yung ako ang pakialaman mo pati ang pagiging nanay ni lovely ininsulto mo sa akin? ganyan na ba kakitid utak ng mga bayarang hackers ng abs? pati posters dito na nakisimpatiya kay willie i demolish mo din? rumor mongering lang ba ang alam mo sa buhay?

    shut up.... wag mo akong gawing lovely at di ako sya. kung gusto ko magpost dito 24/7 wala ka ng keber dyan. Sarili ko ang pc na gamit ko at di ako bayaran tulad mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 145  dubai_81

    08/23/2010 | 10:52 PM
    in fairness dati pagdating namin opisina naghahapunan kaming lahat na Pilipino sa flat namin kaharap ang wowowe pero nung nag start na siyang naging mayabang si WR ay sira na ang gabi nami gusto pa naman namin yung willie of fortune...at nai inis kami during election campaign pinaghalo niya ang show at pulitika...kaya transfer ang channel sa cinema one....pero ika nga time can heal the wounds ipag palitas mo lang ito WR huwag bumangga sa pader kasi lahat ng ito makalimotan ng tao at babangon ka pa rin..huwag lang daanin ang lahat sa yabang kasi parang hinahamon mo ang network...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 144  bisayagurL

    08/23/2010 | 10:43 PM
    PLNL! Wahahahahaha! Go Will bagsak na ang ABS-CBN!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About