news

Willie Revillame asks Court to confirm cancellation of his contract with ABS-CBN

by Mark Angelo Ching posted on August 23, 2010  STATS: 57252 Views | 503 Comments

 

TV host Willie Revillame has filed a formal complaint against ABS-CBN in connection to the axing of his noontime show Wowowee. Revillame is asking the court for "judicial confirmation" to rescind his contract with ABS-CBN.

Photo By: Noel Orsal

Pormal nang nagsampa ng reklamo sa korte ang TV host na si Willie Revillame laban sa ABS-CBN kaugnay ng pagkakatanggal niya at ng noontime show niyang Wowowee sa ere noong July 31.

Mahigit-kumulang P11.5 million ang hinihinging danyos-perwisyo ni Willie sa formal complaint na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong hapon ng Biyernes, August 20. Ngayong Lunes, August 23, ay nai-raffle na ang kaso sa sala ni Judge Luisito Co ng Branch 84, ayon sa lawyer ni Willie na si Atty. Leonard de Vera.

Sa pamamagitan ng nasabing formal complaint, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpawalang-bisa ng kontrata niya with ABS-CBN, na matatapos pa sa September 2011.

Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.

Ang nasabing kasunduan ay personal daw umanong ipinarating ng ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio (President) at Ms. Linggit Tan (SVP for entertainment TV) kay Willie sa ilang mga meeting. May mga dokumento raw na magpapatunay sa kasunduan, partikular umano ang job order ng ABS-CBN sa mga tauhan nito, tulad ng mga karpintero, para ihanda ang bagong set ng Wowowee bago mag-July 31.

Pero mariin namang pinabulaanan ng ABS-CBN sa isang statement noong August 20 na nagkaroon nga ng ganitong kasunduan. (CLICK HERE to read related story)

Sa kanyang isinampang reklamo, naglatag si Willie ng hindi bababa sa sampung halimbawa ng paglabag umano ng ABS-CBN sa kontrata. Kasama na rito ang pagsuspinde raw sa kanya ng ABS-CBN nang walang bayad, at ang pagbibigay sa kanya ng isang "pre-recorded" weekly TV program kapalit ng Wowowee.

Hinayaan din daw umano ng network ang ilang mga show nito na magbigay ng "hayagang paninira" sa pagkatao ni Willie. Pinuna rin ng TV host ang paglalagay umano sa kanya sa "probationary status," at sa pagtanggal ng oportunidad na siya'y kumita mula sa "in-show" advertisements.

Sinabi naman ni Willie na handa siyang isantabi ang isinampang reklamo kung magkakaroon sila ng ABS-CBN ng matiwasay na paghihiwalay ng landas.

Humigit-kumulang limang taon ding pinagharian ni Willie ang Wowowee sa ABS-CBN, bago ito napalitan ng Pilipinas, Win Na Win!, na hinu-host nina Kris Aquino at Robin Padilla.

Ang pagkawala ng Wowowee ay bunsod ng isang insidente kung saan nagkaroon ng "outburst" si Willie sa live episode ng Wowowee noong May 4. Pinagbantaan niya ang ABS-CBN na magre-resign siya mula sa show kung hindi aalisin sa network ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story.)

ABS-CBN STATEMENT. Kinunan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang ABS-CBN tungkol sa paghahain ng reklamo ni Willie laban sa kanila.

Ayon sa text message na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio sa PEP ngayong hapon, August 23, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kasong isinampa ni Willie. Agad daw silang magbibigay ng pahayag kapag nakuha na nila ang detalye ng kaso.

Pero diin ng ABS-CBN, "If it is about his contract with ABS-CBN, we would like to reiterate that Willie was the one who violated the behavioral provisions of his contract and thus has no right to have it unilaterally invalidated."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

503 Comments

  • 63  Janiska

    08/23/2010 | 06:55 PM
    Simple lang ang reason bakit sinampa ni willie ang petition na i nullify ang kanyang contract kasi di ba hanggang sept. 2011 pa ang kanyang existing contract? so dahil mapi freezer siya for one year kaya mas maganda din ang ginawa nya na ang court na ang bahalang magdetermine kung binding pa ba ang contract na napirmahan as against the documentary evidences na hawak niya. di naman siguro suicidal sya at ang abugado nya. labas nyan eh amicable settlement... at willie ang magiging winner. Ibalik ang wowowee.... namiss na namin ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  pilosofongtasyo

    08/23/2010 | 06:53 PM
    kahit magalit pa si gabby lopez, kung wala sa lugar, olat pa rin in the court of law. wait na lang tayo kasi walang timbang ang mga pinagsasabi ng mga haters at detractors o kakampi ni willie sa korte...they will rule according to the law of the land whether it will be in favor of willie or abscbn.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  Clara Pastor

    08/23/2010 | 06:52 PM
    cge nga patunayan ni willie na sya mananalo sa korte,halimbawa sya manalo lalong yayabang ng todong-todo tyak yan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  anonymouse

    08/23/2010 | 06:45 PM
    lord of all manipulators ang abscbn, si manny pacquiao nga naloko nila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  jekyl

    08/23/2010 | 06:45 PM
    GO BACK TO WHERE YOU BELONG....SA BASURAHAN!!! AIRHEAD!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  anonymouse

    08/23/2010 | 06:43 PM
    hay nakuh, magwawala talaga ang aBIAScbn kase di afford ang 11 million. dami pang utang babayaran hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  Dove

    08/23/2010 | 06:38 PM
    At least napatunayan ni Willie na marami syng kakampi dahil ang PILIPINAS LOSER NA LOSER ay LOSER NA LOSER
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  Dove

    08/23/2010 | 06:37 PM
    Tama dapat may video pra may prueba alam u nmn na napakasinungaling ng ABS CBN ibulgar mo na Willie na sila ung mastermind sa lahat2x Mandaraya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  1truepep

    08/23/2010 | 06:30 PM
    galing din ni willie ah talagang laban kong laban... nakahanap ng katapat ang abs... kong kumita man si willie mas kumita ng malaki ang abs sa wowowee kaya this is war na talaga!!!hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  skyward

    08/23/2010 | 06:27 PM
    ABSCBN mga sinungaling.. marami pang masamang karma darating dyan kht c Manny P. pinagtatawanan kayo ngayon..
    Lalong dadami ang mag-alsa balutan dyan, baka pati c lolo lopez mag-alsa balutan din bitbit ang pera at bayong LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  solidaridad

    08/23/2010 | 06:21 PM
    Akala ko ang sabi ni Willie walan ng kabuluhan yong kontrata niya sa ABS dahil ang ABS ang sumiran ng kontrata. Bakit ngayon gusto niyang ang korte na ang mag decide. Bluff lang yong mga sinasabi niya. Kung talagang naniniwala siya puwede na siyang lumabas sa iba. Walang mangyayari dito sa kaso ni Willie lalo lang niyang ginagalit si Gaby Lopez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  Janiska

    08/23/2010 | 06:20 PM
    Willie is winner....kahit saang anggulo.

    Masa na ang kakampi mo so go na!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  pilosofongtasyo

    08/23/2010 | 06:12 PM
    Calling PNP!!! Release the hostage Willie Revillame from the grips of abscbn!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  Janiska

    08/23/2010 | 06:08 PM
    I think no one here in this forum has the right to criticize willie's actions. Leave this battle to the court to decide who is right and who is wrong. documentary evidences ang pinag uusapan sa korte so dont be too harsh in criticizing willie. he knew his consequences. kung mauubos man ang pera nya sa labanang ito, sa kanya na yun. who are we to judge his actions.

    Nung nagdecide ba si mel tiangco na sampahan ng kaso ang abs at lumipat sa gma, ganyan din ba ang mga sentiments nyo? bakit masyado kayong affected sa mga actions ni willie? basta kaming mga fans ni willie, we will continue on praying for your success in this battle. God be with you willie kasi alam namin na makatao ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  pilosofongtasyo

    08/23/2010 | 06:07 PM
    go go go willie!!! makibaka wag matakot, nasa likod mo ang masa!!wag kang paaapi sa mga naghaharing uri at
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  sharonbruha

    08/23/2010 | 06:06 PM
    kaya kayong mga stars pag nakipag-usap kayo sa ABS CBN magdala kayo ng video cam, sangkatutak na witnesses at sarili ninyong lawyers. tingnan ninyo ang ginawa nila kay Pacquiao. I don't like Willie Revillame but ABS need not tell li es any more. Bakit kailangan pang magsinunga ling. Pati si James Yap binaligtad na naman sa The Buzz. ano ba iyang istasyon na iyan. Hindi pa ba sapat iyong ginawa ninyo kay Pacquiao at di pa ba kayo natuto. O talagang sa tingin ng istasyon na ito, they can get away with everything. OMG this Revillame is self-destructing. Bakit kailangang magsinungaling ang ABS. dam age control?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  atneng

    08/23/2010 | 06:00 PM

    yabang mo kasi hambog na willie ka!!!! tsupeeeee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  wyngard

    08/23/2010 | 06:00 PM
    I use to like willie pero ngaun ang yabang nya...He will transfer to TV5 kac nandoon ang kanyang nanay-nanayan na c Cristy Fermin na isa ring pinatalsik sa DOS kac ngsasalita na wlang proof sa mga alligations. magsama kaau dalawang talonan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  pep_dropper

    08/23/2010 | 05:58 PM
    Kung mapatunayan sa korte na lahat ng mga claims and allegations ni Willie laban sa ABS ay totoo, pwedeng magbigay ng statement ang korte na nag-breach of contract ang ABS-CBN. Ang behavioral provisions na sinasabi ng ABS against Willie ay hindi malakas ng argumento ng ABS. May rason si Willie kung bakit siya nag-outburst, kasi ang ABS mismo ang hindi sumunod sa kanilang patakaran, ang protektahan ang bawat talent sa paninira ng kapwa nilang talent. Sabihin ng iba, hindi naninira si Sucaldito, pero ang motibo nito ay malicious. Pag malicious, walang proteksyon makakukuha sa probisyon ng freedom of speech.

    Sabi ni Willie may DOCUMENT siyang hawak sa meeting nila ng ABS execs at naging kasunduan nila. Yun ang malakas na ebidensya na ang mga ABS execs ay mga sinungaling.

    Malakas ang chance ni Willie na manalo sa case na ito.

    Mananalo si David against Goliath. Makakalaya si Willie sa pangho-HOSTAGE sa kanya ng ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  pep_dropper

    08/23/2010 | 05:56 PM
    Kung mapatunayan ng korte na lahat ng mga claims and allegations ni Willie laban sa ABS ay totoo, pwedeng magbigay ng statement ang korte na nag-breach of contract ang ABS-CBN. Ang behavioral provisions na sinasabi ng ABS against Willie ay hindi malakas ng argumento ng ABS. May rason si Willie kung bakit siya nag-outburst, kasi ang ABS mismo ang hindi sumunod sa kanilang patakaran, ang protektahan ang bawat talent sa paninira ng kapwa nilang talent. Sabihin ng iba, hindi naninira si Sucaldito, pero ang motibo nito ay malicious. Pag malicious, walang proteksyon makakukuha sa probisyon ng freedom of speech.

    Sabi ni Willie may DOCUMENT siyang hawak sa meeting nila ng ABS execs at naging kasunduan nila. Yun ang malakas na ebidensya na ang mga ABS execs ay mga sinungaling.

    Malakas ang chance ni Willie na manalo sa case na ito.

    Mananalo si David against Goliath. Makakalaya si Willie sa pangho-HOSTAGE sa kanya ng ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About