PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano defends dad Edu Manzano against critics

The young TV host-actor is flattered by Robin Padilla's endorsement for him to host "Pilipinas, Win Na Win!"
by Melba R. Llanera
Published Aug 23, 2010
"Sabihin nating ganito, kung lahat ba ng pangako sa mundo ay hindi napako, buhay ba tayong lahat? Kung sinuman ang kayang magsabi na may pangako na hindi pa napapako, please step forward. Malakas tayong magsalita, pero pag tayo na, isipin natin, lahat ba ng pangako natin, natutupad natin?" says Luis Manzano about his father's return to television despite earlier pronouncement that he'll quit showbiz.

Nang magdesisyong magbakasyon ni Robin Padilla mula sa Pilipinas, Win na Win! dahil sa Ramadan, paulit-ulit niyang sinabi na si Lulis Manzano ang gusto niyang pumalit pansamantala sa kanya sa nasabing afternoon show ng ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng mga tagahanga ni Luis ang pagpasok niya sa Pilipinas, Win na Win!, pero nakabalik na sa Pilipinas si Robin ay hindi pa rin napapanood dito ang young TV host.

Nang makausap namin si Luis kahapon, August 22, sa ASAP XV, tinanong namin siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya napapanood sa Pilipinas, Win na Win!.

"Wala pa akong natatanggap na offer," sagot ni Luis. "Saka if ever na magkaroon man, pag-aaralan ko muna kasi siyempre ibang-iba na ang format ng Pilipinas, Win na Win! sa Wowowee."

Ano naman ang kanyang reaksiyon na siya ang napipisil ni Robin na pumalit sa kanya sa show?

"Nabasa ko yung sinabi na yun ni Robin na binata daw ako, matikas, aalagaan ko raw ang mga co-hosts ko. Thank you, thank you very much kay Sir Binoe na na-appreciate niya ang mga ginawa ko pagkatapos niya. It goes to show na kahit paano, may nagawa akong tama para sa Wowowee para ma-suggest ako ni Sir Binoe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BROMANCE. Sa ngayon ay napapanood sa afternoon game show na Panahon Ko 'To si Luis, kasama si Billy Crawford. Nagpasalamat si Luis sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang programa.

"We're very happy, napakaganda ng feedback ng Panahon Ko 'To," sabi niya. "Kahit sa Twitter, kahit nasa mall ako, 'Panahon Ko 'To,' lahat gumaganun. At kahit daw kunwari nasa bus at pinapanood yung show, ang daming sumasagot kahit hindi magkakakilala. We're very, very happy sa mainit na pagtanggap sa amin ng tao."

Kitang-kita rin ang rapport nina Luis at Billy bilang hosts, na nagsimula sa grupo nilang Kanto Boys (with John Lloyd Cruz and Vhong Navarro) at sa Pilipinas Got Talent.

"Natatawa nga kami ni Billy kasi may website, I think it's spot.ph, na na-feature kami na isa sa mga bromance on TV. Tawa kami nang tawa kasi ang No.1 ay sina Bert and Ernie ng Sesame Street, at kami ang No. 2 sa listahan. Sa amin kasi, just like Pilipinas Got Talent, nakita ng tao na nag-e-enjoy kami at yun ang gusto ng viewers. Hindi naman puro inaabangan nila ay puro question and answer, gusto nila may nakikitang kulitan namin at kung paano namin kulitin ang viewers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma rin ni Luis sa PEP na tuloy na tuloy ang proyektong pagsasamahan nilang apat nina Billy, Vhong, at John Lloyd.

"There were talks, may kontrata naman ang Kanto Boys na may gagawin kaming project. But we have to admit na iba-iba ang sked naming apat. John Lloyd himself, ang daming ginagawa at gagawin. Si Vhong has a new challenge na dahil bago na ang timeslot ng Showtime. Billy Boy has concerts everywhere. Tapos ako din naman, busy. Hopefully, matuloy. But if you talk about kung may proyekto, oo, mayroon," diin ni Luis.

EDU ON GMA-7. Kumpirmado ang paglipat ng ama ni Luis na si Edu Manzano sa GMA-7, kung saan isang game show ang gagawin dito ng veteran TV host. Nabalita na sumama raw ang loob ni Luis sa ama dahil ni hindi man lang daw ito nagpaalam sa kanya, bagay na agad naman niyang binigyang linaw.

"Definitely that's not true, wala akong sama ng loob kay Daddy," diin ni Luis. "Of course, I'm very, very happy with my Dad. Sabi ko nga before pa nagka-issue and anything else, I would love to see him on TV again, not just as a son but as a viewer. Ngayong nagbabalik-telebisyon siya at marami siyang mapapasayang tao, I'm very, very happy, whether it be Kapuso, Kapamilya, or Kapatid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Based on what I read, sa nakita ko, maganda naman yung offer. It's something different, hindi na niya kailangang sumayaw. It's gonna be different kind of hosting and treatment ng game show."

Ipinagtanggol din Luis ang ama sa paratang ng iba na wala raw itong isang salita. Hindi raw kasi nito napanindigan ang binitawang salita bago ang eleksyon na magku-quit na siya ng showbiz pagkatapos ng national elections—win or lose.

"Sabihin nating ganito, kung lahat ba ng pangako sa mundo ay hindi napako, buhay ba tayong lahat?" sabi ni Luis. "Kung sinuman ang kayang magsabi na may pangako na hindi pa napapako, please step forward. Malakas tayong magsalita, pero pag tayo na, isipin natin, lahat ba ng pangako natin, natutupad natin?"

ANGEL & HATING KAPATID. Kinumusta rin ng PEP kay Luis ang balitang papagandang samahan nila ngayon ng ex-girlfriend na si Angel Locsin.

"We're very, very happy," sambit niya. "Sinabi ko sa The Buzz na nag-uusap kami. So far, we're off to a good start. Wala akong ibang dine-date, siguro naman for me to say na we're off to a good start, it only means na walang iba or wala akong ibang dine-date."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan din namin ng reaksiyon si Luis sa balitang hindi raw gaanong naging maganda ang resulta sa takilya ng huling pelikula niya, ang Hating Kapatid, kung saan nakasama niya sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

"We're very happy sa outcome ng pelikula and to think one month pa lang ang itinatakbo sa takilya, at hindi pa kami ganun kabugbog sa promotions. Basta kami, we're very, very happy sa outcome ng Hating Kapatid, as in sobra, sobra," sabi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabihin nating ganito, kung lahat ba ng pangako sa mundo ay hindi napako, buhay ba tayong lahat? Kung sinuman ang kayang magsabi na may pangako na hindi pa napapako, please step forward. Malakas tayong magsalita, pero pag tayo na, isipin natin, lahat ba ng pangako natin, natutupad natin?" says Luis Manzano about his father's return to television despite earlier pronouncement that he'll quit showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results