"Anything about properties, ang sagot namin d'yan is, they're not true. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ito, but we've observed that there are some attempts...siguro PR [public relations] move 'yan, on the side of Ms. Aquino na ilabas 'tong mga ito. We can only guess kung 'yon nga ang nangyayari. But there are some misleading reports and information na hindi naman totoo."
Ito ang naging sagot ni Atty. Sonya Margarita Benemerito-Castillo sa mga bagong akusasyon na ibinabato laban sa kanilang kliyenteng si James Yap.
Kaugnay pa rin ito sa umiinit na isyu tungkol sa pera at hatian ng ari-arian sa pagitan ng two-time PBA Most Valuable Player awardee at TV host-actress Kris Aquino.
Personal na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Castillo kahapon, August 24, sa Kapunan Lotilla Flores Garcia and Castillo Law Offices sa Philippine Stock Exchange building sa Ortigas Center, Pasig City.
Kasama si Atty. Castillo sa tumatayong mga abugado ng basketbolista, na kasalukuyan ay nasa gitna ng isang legal battle, matapos magsumite ni Kris noong August 9 sa Makati Family Court ng petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang kanilang five-year marriage. (CLICK HERE to read related article.)
NO DEMANDS, AS OF NOW. Hiningi ng PEP ang panig ng kampo ni James matapos maglabasan ang mga balitang maraming hinihinging demands ang sweet-shooting forward kay Kris kapalit ng pagpayag nitong putulin ang kanilang pagsasama. (CLICK HERE to read related article.)
Recently, laman ng mga pahayagan at telebisyon na inisa-isa na raw ni James na tukuyin ang mga ari-ariang gusto niyang makuha. Bukod sa One Roxas condominium unit na kasalukuyang tinitirhan ni Kris kasama ang tatlong-taong-gulang nilang anak na si Baby James, gusto rin daw ng basketbolista na mapasakanya ang bakanteng lote na nabili nila sa San Mateo, Rizal, isa pang condo unit na matatagpuan sa siyudad ng Makati, at ilang luxury vehicles.
Maging ang education plan at trust fund na nakalaan kay Baby James ay pinagdiskitahan daw diumano ni James.
Mabilis namang pinabulaanan ni Atty. Castillo ang mga nabanggit na akusasyon at sinabing hanggang ngayon ay hindi pa rin nila konkretong napapag-usapan ang tungkol sa division of properties. Ito raw ay dahil nga inuna nilang asikasuhin ang court petition ni James na payagan siyang madalaw ang anak.
"As we speak now, we have not discussed, as you know we are preparing for our answer [on the nullity of marriage petition filed by Kris]... We have not really sat down with him and discussed, especially on issues on 'Ano ba, tama ba 'tong sinasabi niya [Kris]?' Hindi pa po namin nagagawa 'yan.
"Pero natanong na rin naman namin 'yan, 'O, kung saka-sakali itong properties na naka-enumerate dito, alin ba 'yong gusto mo dito?' Ang parati lang niyang [James] sinasagot, 'Kung ano lang po 'yong tama, Attorney. Hindi ko po alam, kung ano lang ang tama.'
"If it were true na he is really demanding so much, I think on that meeting he should have already informed us. Pero, sa ngayon wala pa, e. Hindi nga niya alam kung hihingi ba siya o may hihingin ba siya. He doesn't even know his rights! Kailangan pa namin siyang kausapin para lang ma-explain sa kanya na under the law, ganito, pero puwede rin namang ganito.
"Hopefully, both parties would come to an agreement na hindi masyadong ma-complicate 'yong case," paliwanag ni Atty. Castillo.
Dagdag pa ng abugado: "Parang wala pa silang naging usapan ni Kris pagdating diyan. Kasi sa totoo lang, sinabi talaga ni James na nabigla siya sa pag-file ng petisyon, hindi niya in-expect. Alam niyang medyo may gusot sa kanilang dalawa but he was surprised that she filed [for nullity of marriage]. And all the more, he was surprised when we explained to him the content of the petition. Actually, parang ina-absorb pa lang niya."
CITING THE LAW ON CONJUGAL PROPERTY. Pinaliwanag din ng abugado na ibabatay nila ang kanilang mga gagawing hakbang sa kung ano ang nakasaad sa batas. May pakiramdam daw kasi sila na iniisip siguro ng publiko na sila ang nagtutulak ng equal sharing pagdating sa assets and properties ng mag-asawa.





September 1, 2010
23:30 PM brad, puro ka dada..answer my questions now!!!
---------------
NOW NA! Did you say, please ? LOL. Para kang si Kris Aquino, parang three year old. MISSBEWARE, you are the kind of Kris Aquino supporter, who is destroying Kris Aquino. Continue with your posts.