"Anything about properties, ang sagot namin d'yan is, they're not true. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ito, but we've observed that there are some attempts...siguro PR [public relations] move 'yan, on the side of Ms. Aquino na ilabas 'tong mga ito. We can only guess kung 'yon nga ang nangyayari. But there are some misleading reports and information na hindi naman totoo."
Ito ang naging sagot ni Atty. Sonya Margarita Benemerito-Castillo sa mga bagong akusasyon na ibinabato laban sa kanilang kliyenteng si James Yap.
Kaugnay pa rin ito sa umiinit na isyu tungkol sa pera at hatian ng ari-arian sa pagitan ng two-time PBA Most Valuable Player awardee at TV host-actress Kris Aquino.
Personal na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Castillo kahapon, August 24, sa Kapunan Lotilla Flores Garcia and Castillo Law Offices sa Philippine Stock Exchange building sa Ortigas Center, Pasig City.
Kasama si Atty. Castillo sa tumatayong mga abugado ng basketbolista, na kasalukuyan ay nasa gitna ng isang legal battle, matapos magsumite ni Kris noong August 9 sa Makati Family Court ng petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang kanilang five-year marriage. (CLICK HERE to read related article.)
NO DEMANDS, AS OF NOW. Hiningi ng PEP ang panig ng kampo ni James matapos maglabasan ang mga balitang maraming hinihinging demands ang sweet-shooting forward kay Kris kapalit ng pagpayag nitong putulin ang kanilang pagsasama. (CLICK HERE to read related article.)
Recently, laman ng mga pahayagan at telebisyon na inisa-isa na raw ni James na tukuyin ang mga ari-ariang gusto niyang makuha. Bukod sa One Roxas condominium unit na kasalukuyang tinitirhan ni Kris kasama ang tatlong-taong-gulang nilang anak na si Baby James, gusto rin daw ng basketbolista na mapasakanya ang bakanteng lote na nabili nila sa San Mateo, Rizal, isa pang condo unit na matatagpuan sa siyudad ng Makati, at ilang luxury vehicles.
Maging ang education plan at trust fund na nakalaan kay Baby James ay pinagdiskitahan daw diumano ni James.
Mabilis namang pinabulaanan ni Atty. Castillo ang mga nabanggit na akusasyon at sinabing hanggang ngayon ay hindi pa rin nila konkretong napapag-usapan ang tungkol sa division of properties. Ito raw ay dahil nga inuna nilang asikasuhin ang court petition ni James na payagan siyang madalaw ang anak.
"As we speak now, we have not discussed, as you know we are preparing for our answer [on the nullity of marriage petition filed by Kris]... We have not really sat down with him and discussed, especially on issues on 'Ano ba, tama ba 'tong sinasabi niya [Kris]?' Hindi pa po namin nagagawa 'yan.
"Pero natanong na rin naman namin 'yan, 'O, kung saka-sakali itong properties na naka-enumerate dito, alin ba 'yong gusto mo dito?' Ang parati lang niyang [James] sinasagot, 'Kung ano lang po 'yong tama, Attorney. Hindi ko po alam, kung ano lang ang tama.'
"If it were true na he is really demanding so much, I think on that meeting he should have already informed us. Pero, sa ngayon wala pa, e. Hindi nga niya alam kung hihingi ba siya o may hihingin ba siya. He doesn't even know his rights! Kailangan pa namin siyang kausapin para lang ma-explain sa kanya na under the law, ganito, pero puwede rin namang ganito.
"Hopefully, both parties would come to an agreement na hindi masyadong ma-complicate 'yong case," paliwanag ni Atty. Castillo.
Dagdag pa ng abugado: "Parang wala pa silang naging usapan ni Kris pagdating diyan. Kasi sa totoo lang, sinabi talaga ni James na nabigla siya sa pag-file ng petisyon, hindi niya in-expect. Alam niyang medyo may gusot sa kanilang dalawa but he was surprised that she filed [for nullity of marriage]. And all the more, he was surprised when we explained to him the content of the petition. Actually, parang ina-absorb pa lang niya."
CITING THE LAW ON CONJUGAL PROPERTY. Pinaliwanag din ng abugado na ibabatay nila ang kanilang mga gagawing hakbang sa kung ano ang nakasaad sa batas. May pakiramdam daw kasi sila na iniisip siguro ng publiko na sila ang nagtutulak ng equal sharing pagdating sa assets and properties ng mag-asawa.
Sa naunang panayam ng PEP kay Atty. Lorna Kapunan—na siyang chief legal counsel ni James—sa opisina nito noong August 18, sinabi niya na walang pre-nuptial agreement ang dalawa nang magpakasal noong July 10, 2005. At dahil daw dito, entitled ang kanilang kliyente na makuha ang kalahati sa kabuuang total ng ari-arian na nalikom nilang mag-asawa sa loob ng limang taong nagsama sila. (CLICK HERE to read related article.)
Sambit ni Atty. Castillo: "Kina-clarify niya [Atty. Kapunan] na, if at all magpa-file ng answer or anything, kung ano lang 'yong nakatakda sa batas... Kami bilang abugado, ang pinanggagalingan namin under the law, we're just citing kung ano 'yong sinasabi ng batas and ang presumption ng law kasal sila.
"At ano ang sinasabi pag kasal? Pag kasal kayo at naghiwalay, nag-annul, di ba, ang mangyayari kung wala kayong pre-nup, wala kayong ibang agreement sa hatian, 50-50 ang sharing. Kasi ang sinasabi ng batas pag naghiwalay ang mag-asawa, 50-50 kayo sa absolute community. Kung maghati kayo 50-50, regardless kung sino ang kumita at hindi kumita at nag-contribute at hindi nag-contribute."
LEGAL OPTION FOR SEPARATION OF PROPERTY. May mga sitwasyon din naman, ayon kay Atty. Castillo, na nag-uusap ang dalawang partido para magkaroon ng mutual agreement pagdating sa distribution of assets and properties. Isa itong paraan na maaaring kunin nina James at Kris para mapagbigyan ang kagustuhan ng bawat isa.
"It's their option. They can come up with an agreement, at kung kunwari lang sasabihin nitong isa, 'akin 70 percent, sa 'iyo 30 percent lang,' and okay naman dun sa isa. This is not in accordance with what the law says, di ba?
"But obviously, since mutually agreed upon, puwede mo 'yan ipa-approve sa court, at kung may order based on that agreement, valid 'yon," paliwanag ng abugado.
"In fact, and if I may mention, it is a common practice sometimes ng mga mag-asawa na medyo nagkakaproblema sa hatian sa properties na, even if kasal sila at hindi naman nagpapa-annul, puwede sila magpunta sa court at magpa-approve ng agreement. Kunwari magdi-dissolve ng absolute community at gusto nila hiwalay ang properties pero kasal pa rin sila, puwede 'yon. But you have to go to court and have that approved.
"Otherwise, kung ano ang sinasabi ng batas, 'yon ang masusunod, at ano ba ang sinasabi ng batas? 'Yon na nga 'yong absolute community, presumption kung kasal kayo at naghiwalay, 50-50.
"Even if it will be declared na void and tama 'yong theory ng kampo ni Ms. Aquino, ganun pa din ang effect, co-owners pa rin sila and [as] co-owners, ang presumption pareho kayong may ari ng property."
SEEING BABY JAMES. Noong Biyernes, August 20, pinagbigyan ng korte sa ilalim ni Judge Cristina Javalera-Sulit ang kahilingan ni James na madalaw at mabisita si Baby James. (CLICK HERE to read related article.)
Ayon sa napagkasunduan, maaaring makasama ni James ang anak tuwing Miyerkules, Biyernes, at Sabado. Puwedeng mag-overnight si Baby James sa piling ng ama tuwing Biyernes, ngunit kailangan ding ibalik ang bata kay Kris pagdating ng Saturday afternoon.
Epektibo agad ang naging kasunduan noong mismong araw na ibinaba ng hukuman ang desisyon. Matapos nga raw ang pagdinig ay didiretso agad si James sa One Roxas para bisitahin ang anak. Sinabi rin ni Atty. Kapunan na masaya ang PBA superstar at napagbigyan ang kanyang kahilingan.
Sinabi ni Atty. Castillo na maging sila ay masaya sa naging desisyon ng korte. Bagamat hindi naipagkaloob ang nais ni James na paminsan-minsan ay madala ang anak sa kanyang home province, ay nauunawaan naman daw ito ng kanilang kliyente.
"We practically got everything we wanted except 'yong dun sa [Escalante] Negros [Occidental] visit, which is understandable and okay naman din 'yon kay James. Naintindihan niya and nung in-explain naman ni Ms. Aquino, kasi bata pa naman talaga si Baby James and, 'yon nga, security risk, kasi nga given the fact na pamangkin siya ng President [Benigno Aquino III], so ang hirap naman din. Hindi na pinilit ni James."
Dinepensahan din ni Atty. Castillo si James laban sa batikos na natanggap nito dahil diumano ay na-late ang cager sa pagdalaw kay Baby James noong araw ng Biyernes. Ayon sa kumalat na balita, pasado alas-otso na ng gabi nang dumating si James sa One Roxas dahil nakipag-meeting pa ito sa kanyang mga abugado.
Kuwento ng abugado: "I was inside the car with him when we came from the hearing. Pagkasakay namin, meron lang kasing mga nag-interview while we were going out of the parking lot, but after that he called up someone, it was the yaya, 'yong binigay ni Kris na number.
"So, sinabi niya 'Yaya, diyan ako matutulog mamaya. Paki-ayos 'yong kuwarto. Nasaan si Baby James?' And then ibinigay 'yong phone sa bata, nag-usap lang sandali, sabi niya 'Baby James, matutulog si Papa diyan.' So, sumisigaw 'yong bata, and he [James] was trying to control his emotion kasi, siyempre, hindi pa niya ako masyadong kilala."
Tinanong daw ni James ang anak kung ano ang gusto nitong pasalubong, at sumagot daw ito ng "bang bang," na ang ibig sabihin ay laruang baril.
Dagdag ni Atty. Castillo, "Sabi ko, 'Why don't you go up first, then we'll wait for you downstairs, and then we go to Discovery [Suites, in Ortigas, Pasig City], get your things and have some food lang konti.' Mag-wrap up lang nung meeting because we have to meet up with him because he is also leaving for the States.
"Then sabi niya, 'Attorney, mas maganda pag punta ko dun, hindi na ako aalis,' which is logical and what's wrong with that? Ang layo kaya ng Makati sa Ortigas."
Kinailangan daw talaga nilang makipag-meeting kay James bago ito tumulak patungong Estados Unidos para mapag-usapan ang kanilang mga susunod na hakbang.
"We told him that we are just lawyers here. We've already discussed custody and all. Hindi pa naman lahat final kasi nga 'yong visitation pa lang 'yon, e, wala pa 'yong joint custody, parental authority, wala pa. So we need to iron out pa 'yon, and explained to him na pag-uusapan pa natin 'to pagbalik mo. But for now, ang importante meron kang visitation rights."
Sa palagay ng mga abugado ni James ay naging maayos naman ang pagbisita nito sa anak: "Hindi naman na namin nakausap si James after that. Wala naman sigurong naging problema dahil wala naman kaming natanggap na text."
JAMES KEEPING MUM. Hindi rin pinalagpas ni Atty. Castillo ang naging pagpuna sa pagpunta ni James sa Amerika noong Linggo, August 22.
"The trip to the U.S. was a previously scheduled one," diin ng abugado. "Ang alam kong mga kasama, some kabarkada and some people from the province kasi nagsundo pa sila sa airport. Meron ding issue sa The Buzz na parang sinabi na, kung talagang gusto niyang makita ang anak niya, bakit hindi niya sinama sa U.S.? Unang-una po, it is so irresponsible for a father kung gagawin niya 'yon, dahil nag-aaral ang bata. Hindi niya gagawin 'yon."
Aminado si Atty. Castillo na hindi nila nagugustuhan ang paglabas ng mga intriga matapos ang paghaharap ni James at ni Kris sa korte noong nakaraang Biyernes.
"Unfair" daw kung tutuusin ang mga ibinabatong isyu kay James lalo pa't hindi naman daw nito ninais kahit kailan na pag-usapan sa publiko ang domestic problems nila ni Kris.
"Medyo dehado siya in a way," prangkang tugon ni Atty. Castillo. "Although maybe because of him being quiet, mas naa-appreciate ng tao. Kasi hindi naman talaga maganda 'yong, especially pag family ang involved and you have a kid, ang hirap nung maingay ka at napa-publicize, kasi pamilya 'to, e.
"Paminsan lang because it's the public perception, di ba? Kung ano 'yong naririnig, siyempre kaagad nagko-conclude ang lahat. Ayon lang, kung minsan mas parang naniniwala sila sa naririnig na lumalabas sa media."