Screenwriter Ricky Lee reflects on his relationship with Regal Films and Mother Lily Monteverde


Multi-awarded scriptwriter Ricardo "Ricky" Lee has witnessed the birth and growth of Mother Lily Monteverde's Regal Films. "Para na rin akong Regal Baby!" he laughed during a recent interview with PEP (Philippine Entertainment Portal).
 

Screenwriter Ricky Lee reflects on his relationship with Regal Films and Mother Lily Monteverde

Bong Godinez

Rating

Hindi na mabilang ng tanyag na screenwriter na si Ricky Lee kung ilan na ang naisulat niyang pelikula para sa Regal Films.

 

"Ang dami na, mula pa noong mga Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? [1986], Dyesebel [1990] ni Alice Dixon, Relasyon [1982], So Happy Together [2004], and Sabel [2004]—ang dami, dami na, e," masayang bungad ni Ricky nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong August 19, sa grand press conference ng Mamarazzi, na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

 

Special 50th anniversary offering ng Regal ang nasabing pelikula, na pinagbibidahan ng komedyanang si Eugene Domingo, kasama sina John "Sweet" Lapus, Diether Ocampo, Carla Abellana, Andi Eigenmann at marami pang iba.

 

Ngayong araw, August 25, ang first day of showing ng Mamarazzi at mapapanood ito sa lahat ng sinehan nationwide.

 

Naputol ang pakikipagtrabaho ni Ricky sa Regal dahil natali siya sa Star Cinema—ang film production outfit ng  ABS-CBN, kung saan naging creative consultant si Ricky ng limang taon.

 

Kahit alam ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde at ng anak nitong si Roselle Monteverde-Teo na malabong sumaglit sa bakuran nila si Ricky para gumawa ng proyekto, hindi naman tumigil ang dalawa sa kakakulit sa premyadong manunulat.

 

Kuwento ni Ricky, "Sabi nila, 'Gawa ka, gawa ka ng pelikula.' Sabi ko naman, 'Exclusive [contract] ako Mother.' Pero hindi sila tumigil at kakatiyaga and never nag-give up. Kasi maski turn down ako nang turn down, alok pa rin sila nang alok sa akin hanggang may natuloy."

 

PRODUCER AND FRIEND. Malalim ang pinagsamahan nina Ricky at Mother Lily sa loob ng maraming taon nang paggawa nila ng pelikula. Higit na nga daw sa simpleng producer-scriptwriter ang naging turingan nila dahil may genuine friendship sila sa isa't isa.

 

Katulad din ng ibang nakakakilala kay Mother Lily, mahirap daw ilarawan ang long-time film producer dahil punong-puno ito ng mga kontradiksyon bilang negosyante at bilang malapit na kaibigan.

 

"I'm sure alam ito ng marami sa industriya kasi ang dami namang kuwento-kuwento about Mother. Mixed lahat e, nakakabaliw, unpredictable na masaya, na magulo, na very warm, halo-halo, e. Kasi si Mother can be very demanding, but on the other hand can be very compassionate," paglalarawan ni Ricky.

 

"Ano siya, opposite ends. Pero kasundo ko si Mother mula nung simula hanggang ngayon. In fact, nung gusto niyang gumawa ng libro tungkol sa buhay niya, go ako. Ako, hindi ako magsusulat tungkol sa isang tao if I don't like the person. So ako, go ako na gawin 'yong biography niya.

 

"'Pag may problema ako dati, depressed ako, may time na tinitira ako sa press kabi-kabila, natatakbuhan ko siya and nakikinig siya. So, pag hirap ka sa pera, matatakbuhan mo siya," natatawang pahayag ni Ricky.

 

"Pero on the other hand, napaka-unpredictable niya. Kung minsan palit nang palit ng project, and so on. Pero never kaming nag-away ni Mother."

 

WORKING WITH MOTHER. Kadalasang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang producer at ang direktor, kasama na rin dito ang scriptwriter, subalit hindi raw naranasan ito ni Ricky sa mga panahong gumawa siya ng proyekto sa ilalim ng Regal.

 

"Si Mother, hindi nakikialam sa script... Like when we were doing Sabel, kinuwento lang sa kanya ni Joel Lamangan 'yong maiksing synopsis, tapos sabi ni Mother, 'Ay, go na! Shoot na tayo bukas.' Sasabihin niya lang sa umpisa 'yong gusto niya, like 'Gusto ko may ganitong character. Uy, gawin ninyo 'yong ganito. Uy, gawin ninyong nakakatawa.' Very general pero hindi naman siya 'yong nakatutok na do this, do that, which I experienced with other producers," bulalas ni Ricky.

 

"Pero ako naman as a scriptwriter, hindi ako against sa tutok kasi gusto ko 'yong mga katrabaho ko, including my producers, interested sa project. So, as along as 'yong concern nila is gawin pa nating mas maganda 'yong pelikula, and I don't mind na gawin nating mas kumita, huwag lang sirain 'yong pelikula at 'yong laman ng pelikula, okay na ako dun. Mas ayaw ko 'yong producer na indifferent at walang pakialam. Pero kung nakikialam na, na binabago na ['yong script], siyempre magpu-protesta ka na, or umalis ka na lang sa project."

 

MOST MEMORABLE REGAL PROJECT. Sa lahat ng nagawa niya sa Regal, pinakamalapit sa puso ni Ricky ang pelikulang So Happy Together.

 

Taong 2004 nang maipalabas ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Eric Quizon, Jay R, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Rainier Castillo.

 

Paliwanag ni Ricky, "Hindi ko sinasabing napakaganda niyang pelikula, baka mas maganda pa 'yong iba kong nagawa sa Regal, e. But masaya ako nung ginawa namin 'yon from start to finish, ang saya-saya ko. Isang natatandaan ko na gustong-gusto ko sa Regal, pero konti ang nakapanood at matagal na matagal na panahon na, is 'yong Sinner or Saint (1984) ni Claudia Zobel—gustong-gusto ko 'yon pero konti ang nakapanood."

 

MAMARAZZI. Nilinaw naman ni Ricky ang kanyang naging involvement sa pelikulang Mamarazzi. Ayon sa batikang manunulat, nag-evolve na ang istorya ng pelikula, kumpara sa original plot nito noong binubuo nila ang script at storyline.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
5 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement