Humagulgol si Claudine Barretto kahapon, Agosto 25, nang kapanayamin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono habang inilalahad ang dahilan ng kanyang balak na paghahabla kay Angelica Panganiban. Si Claudine, 31, ang dating kinikilalang premier star ng Star Magic; sa kasalukuyan, si Angelica, 23, ang namamayagpag sa talent center ng ABS-CBN.
Nakarating sa mga editors ng PEP na binabalak ng premyadong aktres na magsampa ng demanda laban kay Angelica, isa ring mahusay na aktres, dahil sa diumanong pagkakalat ng huli ng mga kuwentong nakasasama kay Claudine at sa kanyang pamilya.
Ayon sa aktres, ipinamamalita raw ni Angelica sa ilang taong malapit kay Claudine na may affair si Claudine sa best friend ni Derek Ramsay na si Martin Castro. Si Martin ay naging kaibigan daw ni Raymart Santiago, asawa ni Claudine, simula pa noong nakaraang taon.
Pag-describe ni Claudine sa telepono, si Martin ay: "Siya iyong payat sa picture na pinadala namin sa iyo. Iyong payat na may hikaw." Ang litratong tinutukoy ay pinadala ni Claudine noong Hulyo sa manunulat na ito, sa pamamagitan ng isang kaibigan, kasama ang iba pang litrato ng July 20-joint birthday celebration nila ni Raymart. Ito ang picture na kasama ng artikulong ito.
"Kinonfirm na ng apat na tao ito sa akin," sabi ni Claudine tungkol sa pagkakalat diumano ni Angelica ng kuwentong ang nakatatandang aktres ay may affair sa kaibigan ni Derek.
Bukod pa rito, ayon kay Claudine, ikinagalit din daw niya ang maanghang na pasaring ni Angelica laban sa kanyang kapatid na si Gretchen sa Twitter. Nakarating din daw kay Claudine na sinabi ni Angelica sa ilang mutual friends na, "Pareho lang daw kaming magkapatid. Kulang na lang sabihin niyang 'kabit.'"
Pinabulaanan ni Claudine sa PEP na siya ay mayroong relasyon kay Martin Castro. Magkaibigan lang daw sila nito. "In fact, Martin and Raymart are still friends, they still talk," sabi ng aktres.
Sa paniniwala ni Claudine, ito ay paraan ni Angelica, ang girlfriend ni Derek, para sirain ang pagkakaibigan ni Derek at ng matalik nitong kaibigang si Martin. Ayon pa rin kay Claudine, di ito naiiba sa panggugulo ni Angelica sa pagkakaibigan ng aktor at ng mga kasamahang atleta.
Sabi ni Claudine tungkol kay Angelica, "Gusto niyang sirain si Derek at si Martin. Ipinagkakalat niya na addict si Martin."
Sa pagsasalaysay ni Claudine, nagsimula ang lahat nang maimbitahan sila ni Raymart ng mag-asawang Martin at Cris Castro sa tahanan ng huli nitong Hulyo. "They had just renovated their house kasi, they fixed the garden, and Martin's mother cooked. At gusto daw ako makita ng mother ni Martin," paglalahad pa ng aktres. Nagkataon daw na imbitado rin si Derek sa nasabing okasyon at kasama nito si Angelica.
Ayon kay Claudine, "pagdating pa lang" ng nakababatang aktres ay tila masama na ang timpla nito, at di minsang tila "padabog-dabog" kumilos. Nakarating din daw kay Claudine nung gabi ring iyon na ikinukuwento ni Angelica sa ilang mga guests ang diumano'y pagreregalo ni Gretchen ng mga mamahaling gamit kay Derek, ang leading man ng huli sa teleseryeng Magkaribal ng ABS-CBN.
Kinausap daw ni Claudine si Angelica nang gabing iyon. "I asked her why she was saying those things in the party." Ang nasabi lang daw ni Angelica sa kanya ay isang matabang na "Sorry."
"Inalagaan ko 'yan since she was nine years old," sabi pa ni Claudine sa PEP kahapon. "She was there on my wedding, imbitado siya sa binyag, we invite her to our house, how could she do this to me and my family?"
Ayon kay Claudine, nakababatang kapatid ang turing nito kay Angelica, na nakasama niya noon sa ABS-CBN Star Magic at sa kaniyang huling teleserye sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang.
"Kung may pinagdadaanan siya, sana sabihin niya sa akin, iintindihin ni Ate," dagdag ni Claudine.





you've already completed what i want to write even before i could begin to articulate it. nasabi mo na lahat! can't agree more!
HAHAHAHAHAAH! actually, un ang una kong napansin. parang ayokong maniwala. res ipsa loquitor. di naman pang paramour material ang fez ng guy...
i hear you mate. but you know, sometimes it's not that simple to just shrug things off even if the imputations aren't true. hindi sa lahat ng panahon we can just stay mum or do nothing porket hindi totoo lalo na't reputasyon, dignidad at PAMILYA mo ang nakasalalay. and knowing our society? sa pinas? kung saan marami ang tabloid-mentality i think a mother and a wife accused of immoral acts should go out, defend and clear herself. this isn't about loving or hating claudine for i myself am not a claudine fan. this is about her right to protect her name and her home.
do you know that in LIBEL...the truth or falsehood of one's imputation is irrelevant? kaya nga sa batas nakasulat ''REAL or IMAGINARY'' as long as you've caused the ''dishonor, discredit or contempt of a person.'' hahahahaha! kung di ka man sa libel pwede ka rin sa ''Intriguing Against Honor'' or kung hindi kaya eh pwede ka sa art. 26 ng NCC. alam mo bang may provision dun para sa mga chismosang katulad mo?????
dapat turuan ng leksyon ang mga intriguerang traydor.leave it to the couple for heaven's sake lalo na't may anak sila.
newyorkworldw
ide
August 28, 2010
05:00 AM ANGELICA YOU ARE ABSOLUTELY INSANE. look what you are doing in public showing immoral catching pennis in public. isnt that is a sign of insanity
------
eh catching pennis discretly kasi ayaw malaman ng asawa mo..now who is more insane??? duh!