Humagulgol si Claudine Barretto kahapon, Agosto 25, nang kapanayamin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono habang inilalahad ang dahilan ng kanyang balak na paghahabla kay Angelica Panganiban. Si Claudine, 31, ang dating kinikilalang premier star ng Star Magic; sa kasalukuyan, si Angelica, 23, ang namamayagpag sa talent center ng ABS-CBN.
Nakarating sa mga editors ng PEP na binabalak ng premyadong aktres na magsampa ng demanda laban kay Angelica, isa ring mahusay na aktres, dahil sa diumanong pagkakalat ng huli ng mga kuwentong nakasasama kay Claudine at sa kanyang pamilya.
Ayon sa aktres, ipinamamalita raw ni Angelica sa ilang taong malapit kay Claudine na may affair si Claudine sa best friend ni Derek Ramsay na si Martin Castro. Si Martin ay naging kaibigan daw ni Raymart Santiago, asawa ni Claudine, simula pa noong nakaraang taon.
Pag-describe ni Claudine sa telepono, si Martin ay: "Siya iyong payat sa picture na pinadala namin sa iyo. Iyong payat na may hikaw." Ang litratong tinutukoy ay pinadala ni Claudine noong Hulyo sa manunulat na ito, sa pamamagitan ng isang kaibigan, kasama ang iba pang litrato ng July 20-joint birthday celebration nila ni Raymart. Ito ang picture na kasama ng artikulong ito.
"Kinonfirm na ng apat na tao ito sa akin," sabi ni Claudine tungkol sa pagkakalat diumano ni Angelica ng kuwentong ang nakatatandang aktres ay may affair sa kaibigan ni Derek.
Bukod pa rito, ayon kay Claudine, ikinagalit din daw niya ang maanghang na pasaring ni Angelica laban sa kanyang kapatid na si Gretchen sa Twitter. Nakarating din daw kay Claudine na sinabi ni Angelica sa ilang mutual friends na, "Pareho lang daw kaming magkapatid. Kulang na lang sabihin niyang 'kabit.'"
Pinabulaanan ni Claudine sa PEP na siya ay mayroong relasyon kay Martin Castro. Magkaibigan lang daw sila nito. "In fact, Martin and Raymart are still friends, they still talk," sabi ng aktres.
Sa paniniwala ni Claudine, ito ay paraan ni Angelica, ang girlfriend ni Derek, para sirain ang pagkakaibigan ni Derek at ng matalik nitong kaibigang si Martin. Ayon pa rin kay Claudine, di ito naiiba sa panggugulo ni Angelica sa pagkakaibigan ng aktor at ng mga kasamahang atleta.
Sabi ni Claudine tungkol kay Angelica, "Gusto niyang sirain si Derek at si Martin. Ipinagkakalat niya na addict si Martin."
Sa pagsasalaysay ni Claudine, nagsimula ang lahat nang maimbitahan sila ni Raymart ng mag-asawang Martin at Cris Castro sa tahanan ng huli nitong Hulyo. "They had just renovated their house kasi, they fixed the garden, and Martin's mother cooked. At gusto daw ako makita ng mother ni Martin," paglalahad pa ng aktres. Nagkataon daw na imbitado rin si Derek sa nasabing okasyon at kasama nito si Angelica.
Ayon kay Claudine, "pagdating pa lang" ng nakababatang aktres ay tila masama na ang timpla nito, at di minsang tila "padabog-dabog" kumilos. Nakarating din daw kay Claudine nung gabi ring iyon na ikinukuwento ni Angelica sa ilang mga guests ang diumano'y pagreregalo ni Gretchen ng mga mamahaling gamit kay Derek, ang leading man ng huli sa teleseryeng Magkaribal ng ABS-CBN.
Kinausap daw ni Claudine si Angelica nang gabing iyon. "I asked her why she was saying those things in the party." Ang nasabi lang daw ni Angelica sa kanya ay isang matabang na "Sorry."
"Inalagaan ko 'yan since she was nine years old," sabi pa ni Claudine sa PEP kahapon. "She was there on my wedding, imbitado siya sa binyag, we invite her to our house, how could she do this to me and my family?"
Ayon kay Claudine, nakababatang kapatid ang turing nito kay Angelica, na nakasama niya noon sa ABS-CBN Star Magic at sa kaniyang huling teleserye sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang.
"Kung may pinagdadaanan siya, sana sabihin niya sa akin, iintindihin ni Ate," dagdag ni Claudine.





To ANGELICA and CLAUDINE- your fans deserve to know the TRUTH. You may have [or not] resolved this close doors but
if either one of you is LYING the public ought to know who. We cannot continue to follow and patronize a LIAR [ahem special sis klawdita].
I think klaw-klaw, this only happened in your head. Hahahaha
Kasi statement mo lang ang walang kapareho. The other statements made by other people are all consistent.
And the defense statement by Raymart is so shallow and parang after thought lang just to save your face.
Tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk
kung si CB ang susunod sa yapak ni Vilma Santos, AP is the next Maricel Soriano..si Eugene Domingo mismo ang nagsabi nyan
2009 Guillermo Mendoza Memorial Fellowship Foundation - Promising FemaleBox Office Star for Movies amp; TV
2008 1st Supreme to the Extreme Awards Philippine Star - Villain of the Year Winner Iisa Pa Lamang
2008 FAP Luna Awards - Best Supporting Actress Winner A Love Story
1997 Guillermo Mendoza Foundation - Most Popular Child Star Winner
1997 PMPC Star Awards - Best Child Actress Winner Ama, Ina, Anak
1996 FAMAS - Best Child Actress Winner Sarah, ang Munting Prinsesa
1995 FAMAS Awards/PMPC Star Awards - Best Child Actress Winner Separada
bata palang meron nang award si AP compare to CB na matanda na nung magkaaward, kaya huwag nyong maliitin si AP dahil may napapatunayan na po cya, matagal na..mas versatile pa cya compare to CB who's forte is only in drama...AP can do comedy and much more
in drama...kung si CB ang susunod sa yapak ni Vilma Santos, AP is th
Claudine: I will always protect my Sister.
Sabi naman ng Sister nya..
Gretchen: Hindi ako pinagtatanggol ni Claudine sa issuing it DAHIL WALA KAMING AWAY NI ANGELICA.
Makaramdam ka Claudine..pairalin mo yung pagka KRISTYANO mo huwag yung KAYABANGAN MO!
Sabi ni Claudine..Gusto daw sirain ni Angelica ang samahan ni Derek and Martin!... Just incase na totoo ito at ito ang hangarin ni Angelica..eh ANONG PAKI MO CLAUDINE?
May asawa ka na at mga anak. Yun ang dapat pagkaabalahan mo bilang asawa, bilang ina at bilang KRISTYANO.na laging bukang bibig ng MOUTH mo
Anong pakialam mo Claudine kung sakaling yun ang intensyon ni Angelica?
Kanino ka ba concern? Kay Derek or kay Martin?
Ano ngaun ang kinahantungan mo? GAWAIN BA NG ISANG KRISTYANO? Ofcourse not..GAWANG DEMONYO!
At willing ka pang manira ng mukha at pumatay ha..yan ba ang BORN AGAIN CHRISTIAN! nakakahiya ka!