"Tinanong ko sila kung ano ba ang makakapagpabago sa akin para tanggapin ko ang offer nila. Nang sabihin nilang si Direk Joel [Lamangan] ang nagdidirek ng Sine Novela, yun na, hindi na ako nag-isip pa. I accepted it na," says Aiko Melendez about accepting the mother role in Basahang Ginto.
Aiko Melendez reveals why she accepted role as Carla Abellana's mother in Basahang Ginto
Thursday, August 26, 2010
05:29 PM
Rating
"Once an actor, always an actor" ang sabi kay Aiko Melendez ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang writers na dumalaw sa taping ng Basahang Ginto kahapon, August 25, sa Victoria Place, Potrero, Malabon.
"True," ang nakangiti namang pagsang-ayon ni Aiko. "Na-realize ko na I missed acting pala for nine years, nang una akong mag-taping dito, dahil drama itong Basahang Ginto. Ito pala 'yong iniwan ko na babalikan ko rin."
Matagal bago napasabak muli sa tunay na aktingan si Aiko, bagamat paminsan-minsan ay lumalabas naman siya sa TV at maging sa pelikula (Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie).
CARLA'S MOTHER. Dito sa Basahang Ginto ay ginagampanan ni Aiko ang role bilang si Rosenda, dating artista at siyang tunay na ina ni Orang (played by Carla Abellana). Napapanood na siya for more than a week sa naturang afternoon soap ng GMA-7.
Tinanggap ba niya agad ang offer na maging ina ni Carla sa soap?
"Actually, nag-second thought ako nang makarating sa akin ang offer through my manager, si Tito Boy [Abunda]," sagot ng 34-year-old actress. "Inisip kong my eldest, si Andrei, is only 11 years old, tapos ang anak ko si Carla [24 years old]. Pero sinabi nila ire-revise nila ang script, pero hindi pa rin ako kumbinsido.
"Tinanong ko sila kung ano ba ang makakapagpabago sa akin para tanggapin ko ang offer nila. Nang sabihin nilang si Direk Joel [Lamangan] ang nagdidirek ng Sine Novela, yun na, hindi na ako nag-isip pa. I accepted it na."
Dagdag niya, "I've worked with Direk Joel sa movie namin noon na Filipinas [2003] for Viva Films, at siya rin ang nagdirek ng Aiko Drama Special [her defunct drama anthology on ABS-CBN]. Kaya sabi ko, I'm blessed to work with Direk Joel again."
Kumusta naman ang first taping day niya sa Basahang Ginto?
"Very warm ang pagsalubong nila sa akin, naroon pa rin ang respeto nila," sagot ni Aiko. "Kahit first time ko lang nakatrabaho sina Geoff [Eigenmann] at Carla, nakita kong sila na siguro yung next generation ng talagang mga artista.
"Nakita ko kasi kay Carla, dahil siya ang madalas kong kaeksena, kung gaano siya ka-hardworking. Quiet lang siya at nag-aaral ng script. Pasensiyoso siya, wala siyang reklamo kahit palipat-lipat siya ng location.
"May mga nakita na kasi akong artista na hindi naman yata talaga artista, dahil kahit bago pa lang sila, may attitude na. Paano na 'yon, kapag talagang sumikat na siya, mas mag-a-attitude pa siya. Mabibilang mo talaga ngayon kung sino ang mga tunay na artista."
WORKING WITH HER PEERS. Ready na ba siyang makipagtrabaho sa mga nakaalitan niya noon, gaya ng ex-husband na si Jomari Yllana at si Ara Mina?
"Oo naman, bakit hindi?" sambit ni Aiko. "Kami naman ni Jom, open ang communication namin dahil sa anak naming si Andrei. Nagtambal na rin kami sa movie na Yaya & Angelina.
"Come to think of it, ngayon ko lang na-realize na ten years na yata 'yong issue sa amin ni Ara. Nakapag-move on na ako for a long, long time. Siguro hindi pa lang talaga kami nabibigyan ng chance na magkausap talaga. Kahit noong election, wala naman kaming dapat pag-awayan, pinag-away pa rin kami. Noong kampanya, kahit halos magkalapit lang kami, hindi rin naman kami nagkausap.
"Sa ngayon, freelancer ako kaya may chance na makatrabaho ko sila. Noon nga, sinabi ni Mother Lily [Monteverde] na igagawa raw niya kami ng movie nina Ruffa [Gutierrez] at Carmina [Villarroel], pero hindi ko na alam kung bakit hindi natuloy. Saka kung gagawa kami ng project nina Jom at Ara, sana hindi naman too close to reality!" natatawang wika ni Aiko.
Sina Ruffa at Carmina ay nakasama noon ni Aiko sa launching film nila sa Regal Films na 13, 14, 15.
Wala ba siyang balak na mag-sign ng contract sa alinmang network?
"Nakapag-guest na ako noon sa 5-Star Special ni Ruffa sa TV5. May ginawa rin akong mini-series with Lani Misalucha, Candy Pangilinan, at Miriam Quiambao sa TV5, and I heard sa September 8 daw 'yon mapapanood. Siguro, magpapatali lang ako sa isang network kung maganda talaga ang project na ibibigay sa akin," sabi niya.
So, tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz niya?
"Yes, sana tuluy-tuloy na ang pag-arte ko," sagot niya.
- Part 2 Aiko Melendez to decide if she will run for office again
- Part 1 Aiko Melendez becomes an instant fan of David Archuleta after hearing him sing during taping for new series
- Aiko Melendez on the chances of reconciling with ex-husband Jomari Yllana: "Ilang percent? 80 percent."
- Aiko Melendez refuses to comment on Candy Pangilinan's cussing incident with IC Mendoza: "I love my best friend so much and I want to protect her. At the same time, IC is like my baby also."
- Aiko Melendez says she doesn't feel awkward working with Cristine Reyes, sister of Ara Mina with whom she had a falling out
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Events
David Archuleta to perform at Pyropalooza event
Zia Quizon, Indios, Never The Strangers, and JAMICH will join David Archuleta in serenading the crowd.
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

