"...Ayoko sana gamitin ako dito sa gulo nila. Dahil ako, alam ko ang totoong away nila. Ayoko sabihin ng kahit sino, na kaya nag-away si Claudine at si Angelica ay dahil sa akin, because wala akong kinalaman doon. There is no truth to that. That is what I want talaga na maging clear, na hindi ako ang naging dahilan," says Gretchen Barretto about the ongoing feud between her sister Claudine Barretto (inset, top) and Angelica Panganiban (inset, bottom).
PEP EXCLUSIVE Gretchen Barretto: "Hindi ako ipinagtatanggol ni Claudine dito sa away na ito dahil—wala kaming away ni Angelica."
Friday, August 27, 2010
06:27 PM
Rating
Hindi itinanggi ni Gretchen Barretto na alam niyang may nagaganap ngayong hidwaan sa pagitan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine at ang maituturing niyang bagong kaibigan na si Angelica Panganiban.
"Of course, I'm aware because alam mo naman ang show business, napakaliit," panimula ni Gretchen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Magkaribal noong Miyerkules ng gabi, Agosto 25.
Pagpapatuloy ng aktres, "Every news sa bawat artista, malalaman at malalaman mo, dahil nagte-tape kami three times a week...and wherever I go, meron isang katulad mo na magkukuwento! [laughs]
"Saka, lalo na yung Twitter, I don't have [an account], hindi ako nagtu-twit, hindi ako marunong. But then, ewan ko ba, every time may lumalabas, talagang nakakarating sa akin. E, di ba, yung akin nga [Angelica's tweet entry about her and Derek Ramsay]...everybody knows!
"Kahit hindi ako marunong mag-twit, may magkukuwento na, 'Oy, eto ang twinit kay dito o sa akin, or sa ibang tao. Siyempre malalaman...I don't want to be plastic and say na hindi ko alam. Siyempre, alam nating lahat 'yan."
Nagsimulang magduda ang showbiz press na may kahidwaan si Claudine nang mapadalas ang pagtu-twit niya ng mga maaanghang na mensahe nitong mga unang bahagi ng Agosto.
Bagama't hindi pinapangalanan ni Claudine ang taong pinasasaringan niya sa kanyang mga twits ay naging paboritong usap-usapan ito sa mga umpukan ng showbiz press.
Sa ganitong paraan ay tila napagtagni-tagni na rin ng press na ang pinatutungkulan ni Claudine ay si Angelica Panganiban, na minsan na niyang nakasama sa teleseryeng Iisa Pa Lamang noong 2008, nang si Claudine ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN.
Sa naunang panayam ng PEP kay Claudine na lumabas dito kahapon (CLICK HERE to read related story) ay hindi na itinanggi ni Claudine na si Angelica nga ang kahidwaan niya.
Ayon kay Claudine, si Angelica ang nagkakalat ng mga masasamang balita laban sa kanya. Kabilang dito ang diumano'y pagkakaroon niya ng affair sa isang nagngangalang Martin Castro, isang bagong kaibigan ng asawa ni Claudine na si Raymart Santiago at best friend naman ni Derek Ramsay na boyfriend ni Angelica.
Sinabi ni Claudine na dagdag pa sa ikinagalit niya kay Angelica ay ang diumano'y pagkakalat din ni Angelica ng mga paninira laban sa nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen. Bagama't hindi raw sila nag-uusap sa kasalukuyan ni Gretchen ay hindi raw niya maiwasang hindi ito maipagtanggol.
Nilinaw ng PEP ang mga ito kay Gretchen mismo. Sinimulan ng PEP ang panayam kay Gretchen sa paghingi ng kanyang reaksyon sa anggulong tila nagsimula ang hidwaan nina Claudine at Angelica nang tangkain daw ni Claudine na sitahin si Angelica sa pagsasalita laban kay Gretchen sa isang party sa bahay ni Castro noong Hulyo.
Matatandang nagkaroon din kasi ng maiksing alitan sina Gretchen at Angelica. May kinalaman ito sa diumano'y pagseselos ni Angelica kay Gretchen dahil sa pagiging close nito sa boyfriend ni Angelica na si Derek, ang co-star ni Gretchen sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal.
Narito ang kabuuang interview ng PEP kay Gretchen:
Ang umiikot ngayong balita, ang root diumano ng war ni Claudine kay Angelica can be traced sa pagtatanggol ni Claudine sa 'yo sa isang party, where Angelica was maligning you to other guests daw. Ano ang reaksiyon mo rito?
"No, no, no...that's not true! Walang ganyang kuwento na ipinagtatanggol ako... Yung away ni Angelica Panganiban and Claudine, wala akong kinalaman sa away na 'yon at all—walang kinalaman.
"There's no truth to that. Kasi, kami ni Angelica, nung may nangyari sa amin, sandaling-sandali lang 'yon. And nung kinausap kami ng management ng ABS-CBN na tumigil, pareho kaming disente na tumigil.
"Ngayon na nakilala ko na si Angelica at matagal-tagal ko na ring nakilala si Derek, I've been working with him, naging disente si Derek at nangako siyang aayusin niya yung gusot namin ni Angelica.
"Yung nangako siyang aayusin niya, talagang tinupad niya, inayos niya. Hindi naman bigla-bigla na inayos. Pero sabi niya, pagdating nila galing sa bakasyon nila na isang buwan sa South Africa, sabi niya aayusin niya, at natupad naman niya.
"Ako kasi, ayokong maniwala na lang bigla na sinabi ito ni Angelica... Alam mo, hindi na tayo mga bata para maniwala sa mga ganyan. Angelica is old enough and mature also to know what she's doing.
"At sa industriyang ito, wala rin naman akong naririnig na masama or anything negative about Angelica Panganiban. Kaya hindi rin ako nahirapan makipagkaibigan sa kanya agad-agad.
"Nandito na kami ngayon sa punto ng buhay namin at ng career namin na ayaw na namin ng negative. Kasi kung negative na tao si Angelica, or negative ako, hindi uusbong yung mga career namin. Sabi nila, 'pag negative, di ba, hindi maganda. So, kaya kami, iniiwasan namin yung mga negative-negative, away, talk—anything negative."
- THE PEP LIST: Celeb beauty trends of 2011 (Part 2)
- Gretchen Barretto wins third consecutive Best Actress trophy from Star Awards for TV
- Gretchen Barretto warms up to Angelica Panganiban on the set of latest soap
- Gretchen Barretto says she can only pray for her sister Claudine and what she's going through
- Gretchen Barretto downplays "intimidating presence"; praises KC Concepcion and Angelica Panganiban
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
-
The Pulse
What PEPsters will watch daily during noontime...
Hosts of both Eat...Bulaga! and It's Showtime! believe that having the same timeslot is a healthy competition.
-
Extra Extra
Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Alice, who is based here for now, and her husband, who is based in Canada, plan to spend Christmas in the U.S. As she puts it, they're separated: "By distance ha, hindi sa puso!"
-
In a glimpse
E-Boy is described as a "modern-day Pinocchio"
E-Boy pilot week will air anew on ABS-CBN this Sunday
-
Looking Back
Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
Vilma names her most memorable films and favorite leading men.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

